Walang magawa kaya update muna Hahhahah. Hope you like it guys !
Plagiarism is a crime.
Date started: February 7, 2016
------------------------------------
Chapter 1
Laine's POV"Yaaaawwwnn!. Inaantok na ko." Sabi ng katabi ko habang humihikab.
Bakit di ka pa matulog eh inaantok ka na pala ? Ang ganda sanang sabihin yan kaso mas mabuti na yung tumahimik. Sasabat yan habang palakas ng palakas yung boses at magiging sigaw na.
Di matatapos ang bangayan hanggang sa ikaw na mismo ang magparaya. Yan si Jessica Sumner. Jess for short at Jeesssiiicccaaa for long. Mataray at laging ready to rumble. Pinakamatanda sa lahat.
"Tulog ka! Problema ba yun?" Sabat naman ng isa ko pang katabi.
Isa pa yan. Edi dalawa na sila. She is Stephanie Samonte. Also known as Steph or Stella. Babaeng madalas kasagutan ni Jessica pero madalas ring kasundo. Magulo yang dalawang yan.
"Ayyy teh!" Bigla siyang umupo, humarap at sinabi yang mga katagang yan na nagpalingon sa dalawa. Siya si Jenese Dallas. Jen in short. Malakas din ang topak. Tatlo na sila.
Nakaupo kami dito sa sofa habang nanonood ng "Book of Life" pero walang foods. Hindi sa diet sila or what pero wala lang talagang makain. Haha
Sa kaliwa ko ay si Jessica at sa kanan naman ay si Steph. Nakahiga sa lapag si Jenese kaya nagulat si Jessica kasi biglang umupo si Jen. -_-
"Bakit? Ano yun?" Tanong ni Jessica.
Napatingin na rin si Steph sa kanya at nagaantay ng sagot. Ako? Ito nanonod pa rin. Ganda kaya ng palabas. Pwede ko naman pakinggan yung sasabihin niya ehh."...." Ba't tumahimik? I look at Jenese na hanggang ngayon nakatingin pa rin sakin. Sumunod akong tumingin kay Jessica at nakatingin siya kay Jen ng nakakunot noo. I next look at Steph and she's also looking to Jen with slightly open mouth. Slight lang. Hahah
"Teh!" Sigaw ni Jenese na nagpataas ng kanang kilay ko. It means 'what?' in silent mode.
"May party bukas sa bahay nung bagong lipat. Punta tayo! Masaya yun!" With matching taas pa ng dalawang kilay na sabi ni Jen.
Party? Bagong lipat? Ano yun welcome party? Alam ko lalake yung bagong lipat diyan lang sa tabi ng katapat naming bahay. Malaki ang mga bahay dito sa Subdivision kaya posibleng may iba pa siyang kasama.
"Kailan? What time? Tsaka sino yung bagong lipat?" Tanong ni Steph.
"8 pm bukas ng gabi. Di ko kilala ehh. Sinabi lang sakin ng isa pang kapitbahay."
Tsk. Puro kapitbahay di alam yung pangalan. Sabagay, kakalipat lang namin dito 1 week ago. Actually, sa iisang bagay lang kami. Reason? Wala lang. Gusto lang namin.
"Ahhh. Lalaki? Gwapo? Matangkad? Ilan sila? Mapuputi? Pogi? Papable? As in?" Sunod sunod na tanong ni Steph.
"Seeecccrrreeeeet." Nakangiting sagot ni Jessica. May tingin na di malaman. Lakas talaga ng mga topak. Mahilig magbiro pero wala pa ring tatalo sakin. *evil laugh*
"Ohh? Alam mo? Bakit di ko alam? Andaya niyo naman! Ikaw alam mo?" Sabay tingin sakin ni Steph ng nagrereklamo. Tumango na lang ako sa tanong niya at nagpatuloy manood.
"Ehh di ka naman nagtanong ehh! At least ngayon alam mo na!" Nakangiting sabi ni Jen. Tumawa lang ang una at mukhang nagiisip na naman ng bagong matatanong. -_-
"Ano mga teh? Tara gora tayo!" (Gora means punta) masayang sabi ni Jessica. Teh is our group endearment at sino ang nagpasimuno ? Edi si magandang ako.