Date of writing: Feb. 09, 2016
------------------------------------
Chapter 2Laine's POV
Here we us. Still laying at the bed. It's already 6:00 in the morning and our class will start at 7. Nakakatamad. Nakakaantok. Nakakapanibago. Halos 1 week din kaming kung san-san tumambay at naglibot. And I think that is enough at kailangan na talaga naming bumalik sa school at magaral ng mabuti.
Bumangon na ako at nagayos ng sarili. Naligo, nag-toothbrush, nagsabon, nag-shampoo, naglibag at syempre nagbihis. Wala pa kaming uniform at 1 week na rin ang nakalipas ng magsimula ang klase. Bumaba na ko sa sala at nagtungo sa kusina. I saw them na nakaupo pero nakapalumbaba. Problema ng mga to?
"Any problem?" Tanong ko sa kanila pero tila ba wala akong kausap. Ay meron pala! Yung sarili ko. I'm talking to myself and it's really fun. Try niyo para magmukha din kayong baliw.
"Oh talaga? Bakit wala pa tayong pagkain?" Nakakunot noo kong tanong. Tiningnan ko sila isa-isa. Seriuosly? May problema ba tong mga to? "Ayy oo nga pala. Wala pala ditong marunong magluto" tatango-tango kong sabi. Ang saya talaga pag kausap mo yung sarili mo. Pero sa totoo lang marunong magluto si Jen. Sinabi ko lang na wala para umangal sya at magwala. Anyare? Di epektib?
I checked the time on my expensive blue watch. Malapit yung maliit na arrow sa 7 so it's still 6 in the morning. Sunod akong tumingin sa mahabang arrow at nakatutok ito sa teka... 1 2 3 4 5 6 7 8 9!!! Shakalaks talaga. 6:45 na!!!!!
"Oyy mga teh! Anong oras na! Anong tinutulaan niyo diyan?" Wait lang.. Tinutulaan? Tama ba yun? Tinutulalan? Tinutulan? Tinutunganga? Shocks! Nganga pala yun! San nanggaling yung Laan? Sa sanlaan?
This time ay napatingin na sila sakin. Nakakunot noo, mga nagtatakang mukha, at nakanganga. Unti-unting lumilingon yung mga ulo nila hanggang sa nakita na nila ako. Ngayon lang nila ako nakita? Pero that's not it. Bigla silang pumagalpak sa tawa. Pumagalpak? Tama ba? Humalakhak na nga lang.
"Wahahahahahhahah tinutulaan! What a word Laine! San mo nanaman napulot yan?" Tatawa-tawang sabi ni Steph. Hala siya? Napulot agad? Diba pwedeng naawa at kinupkop muna? Tsk. Sige tawa pa. Mabulunan ka sana sa oxygen.
"Hahahahahaha Tara na mga teh! 5 minutes na lang mala-late na tayo." Nauuna nang maglakad si Jen. 5 minutes. Sige yaan mo na. Transferee naman kami ehh. Sumigaw pa ko kanina, kinausap ang sarili at pinanood silang tumulala. Tu-mu-la-la. Yes nakatama rin!
------------------------------------
Con's University. Bungad agad samin pagkababa pa lang namin sa kotse. We don't own any car dahil bawal pa so we have our own driver. Masyadong malaki ang school kung titignan dito sa labas. Blue and white ang theme kaya my lips curved into a smile. Blue is my favorite color and I already like this school.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa gate. May guardhouse sa gilid at syempre ang guard ay nakangiti habang nakatingin samin. Medyo may katandaan na ito pero makikita mong malakas pa rin ang pangangatawan.
"Bago po kayo dito Ma'am?" Tanong ni kuyang guard habang nakatingin kay Jessica. Kuya.. Apat kami bakit sa kanya kapa nakatingin? Masyado ba siyang matanda at naisip niyang mas may pag-asa siya kay Jessica? Yung totoo kuya? May pinaparating ka ba?
"Hindi kami bago dito. Luma na kami at matanong ko nga. Bakit sakin ka nakatingin? Porket ba ako ang pinakamatanda ay feel mo nang magkalapit ang age natin?" Nakakunot noong tanong niya kay kuya. Para siyang sumisigaw pero honestly medyo kalmado pa siya. Medyo lang.
Siniko siya ni Steph at napalingon naman si Jessica sakanya. She mouthed "What?" at nagtaka. Si Jenese na nasa tabi ko ay walang nagawa kundi mapakamot na lamang sa ulo. Jessica looked at kuyang guard and she apologized. Ngumiti lang si kuya at tsaka namin tinuloy ang naudlot na rampa.