Chapter 4

0 0 0
                                    

It's been a long time~ Hahaha Sorry guys! Huehuehue~ Ang tagal di nakapagupdate ni cute na ako kaya dahil vacation na.... LET'S PARTY! *tugs! tugs! tugs!* Bwahahhaha nababaliwag na naman ako. Babawi ako so here's an update! Yeah! *tugs! tugs! tugs!*

------------------------------------
Chapter 4


Laine's POV

Lunch time. Isipin ko pa lang nakakagutom na. Habang naglalakad papuntang Canteen prinoproblema ko na kung ano yung bibilin ko. Ano ba masarap? Yung strawberry cake na may chocolate toppings sa ibabaw? Yung juice na lemonade ang flavor pero lasang orange? O yung candy na sa labas ay piso lang at dito ay limang piso?

At eto na nga. Nasa entrance na kami at naghahanap na ng mauupuan. "Ayun oh!" sabi ni Steph at sabay turo sa saktong pang-apatan na lamesa. Medyo dulo ito pero maayos naman. May lumingon na lalake samin. Parang pamilyar? Itsurang siga. Siga. Siga. Siga. Sino ba yung mukhang siga? "Uy yung kamay mo!" biglang sabi ni Jessica kay Steph at pinalo ang nakaturong kamay nito.

Ahh kaya pala. Akala siguro nung lalake siya yung tinuturo nung katabi ko kaya siya lumingon. Napatawa ako ng mahina at nakitawa rin sila except kay Steph. Pano ba naman? Pinapagalitan siya ni Jessica na kesyo raw wag magturo. Meet the mother and her daughter!

Nakaupo na kami. Katabi ko si Jessica at katapat niya si Jen na katabi naman si Steph na katapat ko. Haha. Jerome pala pangalan nun. Tinanong ko kay Jenese at ako naman ang pinagalitan ni Jessica. Tinuro ko kasi tapos nagulat ako pinalo yung kamay ko. Wae? Ang sakit kaya.

"Ano bibilin niyo teh?" Tanong samin ni Jenese. Napatingin ako dun sa mga pagkain sa harap at inisip kung anong makakapagtakam sakin. Teka.. Kanina ko pa to problema ahh? "Di ko alam" "Kahit ano" sabay naming sabi ni Steph. Nagkatinginan kami at sabay rin na tumawa. Hahaha Alam mo yung nagkakaintindihan kayo gamit ang tingin lang? Yung parang sinasabi niyo sa isa't isa na 'I feel you.' Haha.

"Tsk. Para kayong mga baliw. Ikaw ano ba sayo?" Tanong ni Jessica kay Jen. Si Jen lang ata matino samin eh. Yung tipong maayos kausap at nakikitawa rin. "Yung akin?" Tanong naman ni Jen pabalik kay Jessica. Ba't ganun ang mga Pilipino? Laging stating the obvious. Yung tipong nag-brownout na nga tapos sasabihin mo pa 'Uy brownout!'.Pero that what makes us unique! Haha.

"Ang akin lang naman.. Mahalin niya ako pabalik... Suklian niya yung pagmamahal na binibigay ko sa kanya.. Iparamdam niya sakin kung gaano ako kahalaga.. At ipakita niya kung ---" "Okay enough!" Pagputol ni Jessica kay Jen. Tumayo na ito at nagsimulang pumunta sa pagkain para bumili. Well... I can say that she really belong to us. Scratch the maayos kausap. Haha.

"Kabog teh! Galing ng drama! Meet the Hugot Queen!" Sabi ko sabay turo sa kanya. Tawa lang ng tawa si Steph at nakipag-appear naman ako sakanya. Proud naman si Jen sa titulong nakuha niya at hinampas pa ang buhok. (Hinampas talaga?) Paulit-ulit lang ang kwentuhan namin nang dumating si Jessica. Dala ang 4 na Mountain Dew in can at 4 na palabok. Hmmm Yum!

Bumalik na kami sa classroom at sakto namang pagdating ng prof namin. May hawak siyang aquarium ng isda na gawa talaga sa babasagin. Nilapag niya ito sa teachers table at tsaka tumingin samin. "Get 1/8 sheet of paper then write your name" yan ang bungad niya! She looks like a sctrict teacher pero infairness ang bata ng itsura niya.

Tumingin ako kay Jessica kung nakapaglabas na ba ng 1/4 at nang makahingi. Nakita ko naman siyang humihingi kay Steph na dinudumog na ng mga kaklase ko. "Hati tayo!" sabi ko agad kay Jessica nang makita kong may papel na siya. Binigay niya naman agad at agad rin akong nagsulat ng pangalan. LAINE GRIER. Pinasa at ngayon lang nagtaka. May recitation ba ngayon? Surprise report? Verbal Quiz? Ano nga bang meron?

Nang matapos na ang lahat ay hinalo-halo niya yung mga papel sa loob nung aquarium. Bumunot ng isa at "Cray Garcia. Please come in front." Tumayo mula sa bandang kanan namin ang lalakeng makapal ang kilay. Gwapo sana siya kaso nga lang may problema. As I said, makapal ang kilay. "Pick one and read the name written on it loudly." Sumunod naman si Cray at binasa nga ng malakas! "Jenese Dallas!!" Lahat kami napatingin kay Jen at siya naman ay may mukhang di malaman-laman ang gagawin.

Natapos na ang bunutan session. Naka-alis na rin yung Prof at naexplain na rin kung anong gagawin. By pair, gumawa daw ng isang thesis about sa kung anong klaseng building ang gusto namin gawin. May computation daw na kasama at 2 weeks ang deadline. Ako yung bumunot and believe it or not. Nakalimutan ko na kung anong subject ba to. "Yung totoo? 1st sem. ba to at kung makapagbigay sila ng gawain ay sadyang --" Napatingin naman sila sakin at hinihintay na dugtungan ko yung sinasabi ko. "Ano? Sige kaya mo yan!" cheer naman sakin ni Steph. Wala eh. "Wala akong madugtong ehh." Haha.

And then the class ended. Nakauwi na kami lahat lahat at hawak ko pa rin yung papel. I read the name. LANCE KLEIN WILSON. Psh. Gaya gaya. Kinapital rin yung pangalan. Remember him? Yung 'Tumingin saking --' Aissh! Okay. Tell me. Should I look for tomorrow?

"Huy! Anong pinagsasabi mo? May look for tomorrow ka pang nalalaman!" Sigaw ni Jessica sakin. Did I said it out loud? Tumango naman si Jenese. Naiintindihan niya ko? "Dapat di ka mag-assume. Baka masaktan ka teh!" Kumunot naman ang noo ko sa kanya. Ano connect?

And meet me, Laine Grier. Who believe that 'Curiousity kills the cat double dead!'
Ano connect? Tsk. Nababaliwag na talaga ako. Tumingin ulit ako sa papel na hawak ko. LANCE KLEIN WILSON. Can you kill the cat?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

La LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon