Chapter 3

0 0 0
                                    

Don't forget to vote and comment guys!
Sorry for wrong grammars and such.

Date of writing: Feb. 12, 2016

------------------------------------
Chapter 3


Laine's POV

Nasa bahay na kami ngayon at nagpapahinga. Dating gawi lang. Nakahiga habang nagkwe-kwentuhan. Hapon ang uwian namin at talaga namang nakakaantok.

" Mga teh! Sino kaya yung sumigaw kanina? Parang naka-speaker pa eh." Bungad na tanong samin ni Jen. Napaisip ako. Masyado ngang malakas yung boses kanina at kahit malaki ang field ay narinig pa rin namin.

"Di ko nga alam eh. Nga pala!" Sigaw ko na may kasamang isang palakpak. Nakalimutan ko sabihin kanina. Buti na lang naalala ko. Napatingin sila sakin at bakas sa mga mukha nila ang pagtataka.

"Bakit teh? Anong meron?" Takang tanong sa akin ni Jessica. Ngumiti muna ako bago sumagot. "Sabi ni Butler Yel may uniform na daw tayo." Nakangiti ko pa ring sabi. Bigla silang sumimangot at iniba ang tingin. Bakit ang lungkot nila?

"Bakit? Ayaw niyo ba?" This time, ako naman ang nagtaka. Ganito pala ang feeling pag sila alam nila tapos ikaw lang yung hindi. Parang ako kanina. Alam ko na may uniform na kami. Haha.

"Ayoko mag-uniform. Di bagay sakin." Malungkot na sabi ni Jessica sa amin. Ganda kaya nung uniform! Hanggang tuhod yung color blue na palda at 3/4 ang pinaghalong white and blue na blouse. Actually hindi siya exact na blue. Parang ocean blue at sky blue. Meron ding konting stripes sa gilid.

Napatingin ako kay Steph at napansin ang pigil niyang tawa. May naalala o di kaya may naisip na naman to. Haha. Nakangiti kasi siya pero di labas ang ngipin. Gumagalaw ng konti ang balikat at halatang pigil. Bigla siyang tumalikod samin at sigurado akong nilabas na niya yung mga mahiwaga niyang ngipin.

"Oyy teh! Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Jen habang nakatingin kay Steph. Nahalata niya rin pala. Lagot sila kay Jessica pag nalaman niya yun. Haha.

"Huh? Wala naman akong ginagawa ah." Humarap na si Steph at umiwas ng tingin sa nakakunot noong si Jessica. Baka mahuli ka balbon magtago ka na. Baka magkaron ng gyera at mapataas rin ang mahiwaga mong red flag.

Umirap na lang si Jessica at napatingin sakin si Steph. Nagkatinginan kami at alam ko kung bakit siya pigil na tumawa. Ang sabi kasi ni Jessica kanina ay 'Ayoko mag-uniform. Di bagay sakin.' At naiisip niyo na ba ang naiisip ko? Haha dahil yun sa katandaan niya. Magagalit yan at sisigaw na naman. Ang babaw lang diba?

--Kinabukasan--

Pasukan na naman at maaga akong nagising ngayon. Nakaharap sa salamin at tinitignan ang favorite kong uniform. Ang ganda ng pagkakacombine ng color blue. I smile at nagtake ng picture. *click* Tinago na ito at bumaba na.

"Good morning!" Bati ko sa kanila. Naghahanda na sila ng hapagkainan at nakabihis na rin. Umupo na ko at tinignan ang mga ulam. May hotdog, tocino, bacon at sinangag. Hmmm! Sarap.

"Masaya ka yata ngayon Laine?" Tanong sakin ni Steph. Naalala ko na ako pala yung maghuhugas mamaya. Pero keri lang. "Color blue kasi yung uniform." Sagot naman sa kanya ni Jen. Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nakarating na kami dito sa school at simula na ng klase. Nagtuturo ang teacher namin sa Filipino. Talambuhay ni Jose Rizal ang kwine-kwento niya kaya medyo may clue na ko. Napag-aralan na kasi namin yan nung Highschool.

Biglang may kumatok. Sarado kasi yung pinto dahil air conditioned. Binuksan nung kumatok yung pinto at pumasok ang sa tingin ko ay ang adviser namin. Binati kasi siya ng mga kaklase ko at may mga sinasabi. Di ko maintindihan kasi sabay-sabay.

La LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon