Chapter 1: The Curse

36 4 0
                                        


Isang napaka busy na araw para sa mga estudyante ng NCHS. Ang mga third year students ay nagsasagawa ng kani-kanilang dalawang research paper sa dalawang asignatura. Dapat nila itong ppaghirapan, tuunan ng pansin, pagpuyatan, pagandahin at dapat maging presentable ang kanilang mga research paper sapagkat dito ibabase ang kanilang klahating marka sa dalawang asignatura.

Dalawang linggo na lamang ang natitira sa kanila at dapat matapos na nila ito. Ang grupo nina Jaypee, Kenth, Shelley, Michelle at Estiph ay isang respondent na lamang ay tapos na sila. Ngunit may isang grupo na tanging naiinggit sa kanila at yun ay ang grupo nina Marian,  Marlon, Precious, Chino at Kimberly. Naiinggit sila sapagkat hindi pa sila nakakasimula kahit sa unang respondent man lamang. Kaya napag-isipan nila ito ns masamang plano. Magsasagawa ng masamang plano ang grupo nina Marian kina Jaypee sa pangunguna ni Marlon upang hindi matuloy ang huling bahagi ng research paper.

Nagkita-kita ang grupo ni Jaypee sa bahay ni Michelle sa Brgy. Magallanes upang tapusin ang kanilang research paper. Maraming eskinita roon at marami ring tao. Hindi naging madali ang kanilang isinagawa sa mga oras na iyon at inabutan na sila ng dilim. Hindi nila alam sa paglabas nila ay may masamang mangyayari sa kanila.

Halos 11pm na...Lumabas si Estiph sandali upang tawagan via cellphone ang kanyang mga magulang. Nang ibinaba niya na ang cellphone, may nararamdaman itong kakaiba. Hindi agad ito pumasok ng bahay. Napansin din nitong tanging bahay na lamang ni Michelle ang nakatirik pa ang ilaw pati na rin ang patay sinding streetlights. Kinabahan si Estiph. Sa pagdungaw nito sa patay sinding streetlights ay may nakita siyang taong nakamaskara. Dahan-dahan itong lumapit kay Estiph. Imbes na pumasok ng bahay at humingi ng tulong ay sumigaw ito ng malakas ng sa gayon ay mmarinig siya ng kanyang mga kasamahan at tumakbo ito patungo sa liblib na lugar.

Nang marinig nila ang sigaw ni Estiph ay nagmadali silang lumabas ng bahay. Nagulat silang apat sapagkat wala roon si Estiph. Bumalik sa loob ng bahay sina Jaypee at Michelle upang humingi ng tulong sa mga pulis habang sina Kenth at Shelley naman ay hinahanap si Estiph.

Agad kinuha ni Michelle ang telepono habang si Jaypee naman ay may kinuhang libro at sinimulang basahin. "Ang Aklat ng Pagsusumpa", ang title ng aklat. Agad binalik ni Jaypee ang aklat ng makita siya ni Michelle ngunit agad namang pumasok sa isipan ni Jaypee ang salitang "Nosferatu Nememesi" na nakasulat sa unang pahina ng libro na nangangahulugang "maghihigante ako".

"Umuwi na ata si Estiph", ika ni Kenth. Biglang lumaki ang mga mata ni Shelley sa pagtingin nito kay Kenth. Nagtaka si Kenth at tumingin sa kanyang likuran. Nagulat silang pareho sa kanilang nakita. Biglang sumugod ang nakamaskarang tao kay Kenth. Naglabanan ang dalawa. Tutulong sana si Shelley ngunit aksidenteng naitulak ni Kenth ito. Napaatras at natumba ito sa dahilang nawalan siya ng balance at sanhing mabagok ang ulo nito sa malaking bato. Nagsimulang umagos ang dugo nito at halatang nawawalan na ng buhay. Tumindi ang galit ni Kenth dahil sa nangyari kay Shelley. Tumalon ito upang dumugin ang nakamaskarang tao ngunit aksidenteng nasaksak ng nakamaskara si Kenth sa kanang dibdib ng sila ay parehong natumba.

Lumabas sandali si Jaypee ngunit nagulat siya sa kanyang nakita. Nakatihaya na ang dalawa sa lupa at kita-kitang may mga dugo na sila. Inalog-alog pa ni Jaypee ang dalawa sa baka sakali na buhay pa ang mga ito pero wala na talaga. Ilang saglit lamang ay lumabas din ng bahay si Michelle. Hinang hina ito at may umaagos na dugo sa may bandang tiyan niya. "Tulong......Jaypee......Tulong.......", paghihingalo ni Michelle. Bumagsak ito kay Jaypee sanhing magkaroon din ng dugo ito. Maya-maya lamang ay nakita niyang tumakbo palabas ng eskinita si Estiph. Hinabol agad ito ni Jaypee.

Muntik na sanang mahabol ni Jaypee si Estiph ngunit aksidenteng nasagasaan si Estiph ng humaharurot na kotse. Tumilapon si Estiph at ng bumagsak sa lupa ay agad na umalis ang kotse. Napahinto si Jaypee, di makagalaw at gulat na gulat sa pangyayari. Nang balikan uli ng lakas ay hinang hina itong bumalik sa bahay nina Michelle ngunit nakita niya ang mahigit sa isang taong nakamaskara na dahang dahang hinuhubad ang maskara kaya tumago ito. Nakita nitong sina Marlon, Sven at Virgilio pala ang mga ito. Barkada ni Marlon ang dalawa. Nag-uusap ang tatlo. "Sabi mo, tatakutin lamang natin?! Eh, bakit may patay?!", galit na tanong ni Sven kay Marlon. "Aksidente lamang ang lahat kay please!!! Secret lamang natin ito!!!", pagmamakaawa ni Marlon. Natigil ang kanilang pag-uusap ng mag ring ang phone ni Marlon. Narinig ni Jaypee ang boses sa phone ni Marlon at ang boses na iyon ay galing kay Marian. Doon lang napagtanto ni Jaypee ang tunay na motibo nila.

Makalipas ang ilang minuto.....Ang mga pulis ay parating na. Dali-daling nagsipunta ang mga pulis sa nasabing lugar ng makita nila sa kalsada ang walang buhay na si Estiph. Biglang sumulpot si Jaypee sa mga pulis at agad nitong tinuro ang mga kriminal ngunit nagulat ito sapagkat walang tao sa direksyon na kanyang tinuturo. Hinawakan agad ng mga pulis ang magkabilang kamay ni Jaypee upang lagyan ng posas ngunut nagpupumilit itong makaalis sa mga kamay ng pulis at yun nga. Mabilis na tumakbo ito palayo ngunit nasawi siyang makatakas dito. Pinagbabaril siya ng mga pulis. Lumagpak ang kawawang si Jaypee sa lupa at nakuha nitong sabihin ang salitang "Nosferatu Nememesi".

Kinaumagahan...........Nabalitaan ng section III-Argon at lahat ng mga estudyante't guro ng NCHS na apat sa mga estudyante ng NCHS ay pinatay mismo ng isang estudyante rin ng NCHS at napatay din ng mga pulis ito. Lumaki ang mga mata ni Marian dahil sa narinig na balita. "Ginawa niyo ba yun?!", takang tanong ni Marian kina Marlon, Sven at Virgilio. "Natatakot ako...Baka...Baka...Baka bumalik sila.", nangingig na sagot ni Sven. "Aksidente lamang ang lahat. Hindi ko sinasadya.",sagot ni Marlon. "Pero ang maganda dyan sa nagawa namin ay tapos na kayo sa research work niyo.", pagbibida ni Virgilio at agad bigay ng libro kay Marian. "It's okay guys, isipin na lamang natin na na-hallucinate lamang si Jaypee and that's all!",taas kilay pang sinabi ni Marian.


                                      ........................................to be continue...............................................

Tale of ArgonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon