Makalipas ang dalawang linggo...Matagumpay na naipasa ng lahat ng third year student section III-ARGON ang kanilang mga research work. Maswerte silang lahat sapagkat walang oral defense ang nangyari.
Habang naglalakad sina Grace, Kimberly, at Lyn ay nakita ni Kimberly si Marian na nakaupo sa may round bench na malapit sa library. Iniwanan niya sina Grace at Lyn at lumapit ito sa tabi ni Marian. May sinabi itong nakakatindig balahibo kay Marian. Tinulak ni Marian si Kimberly at umalis. Lumayo ito sa tabi ni Kimberly at sa pagtingin nito sa kanya ay biglang nawala si Kimberly na para bang bula.
Sa loob ng ilang minuto, ang guidance counselor ay nag-announce ng mayroong magaganap na field trip sa mga piling 3rd year students patungong Bat-ongan Cave. Sandali lang ay sinabi na ang 30 selected students na makasasama sa field trip ng libre. Napasama sa mga napili sa section ARGON sina Collyn, Ella, Gigi, Johua, Marian, Marlon, Rose, Sarah, Sven, at Virgilio.
Kinabukasan...Ang sasakyan ay handa ng bumiyahe ngunit wala pa sina Ella, at Sven. Sabay na dumating silang dalawa tuloy, tinukso silang dalawa nina Johua, Marlon, at Virgilio. Tinukso rin ni Collyn itong si Ella ng umupo ito sa tabi niya. Napailing sa kilig naman itong si Ella habang walang imik naming nakikinig ng music through earphones itong si Rose. Nagsimula ng umandar at umalis ang sasakyang kanilang sinasakyan. Tuwang tuwa naman ang halos lahat sapagkat excited sila.
Sa loob ng ilang minuto ay nasilayan na nila ang zigzag road. Na-amaze silang lahat sa kanilang nakita at pati na rin sa magandang view na taglay nito. Habang tinatahak nila ang zigzag road, bumilis naman ang tibo ng puso ni Sven na para bang kinakabahan siya. Umalis si Virgilio sa tabi ni Sven at lumipat sa tabi ni Marlon. Binuksan naman ni Sarah ang bintana para makakuha sila ni Gigi ng magandang letrato sa zigzag road. Sa dahilang nasa zigzag road na sila, humina ang pagtakbo ng makina ng sasakyan. Biglang nahulog ang bottled water ni Sven ngunit may pumulot naman nito kaagad. "Salamat", pagpapasalamat ni Sven. Agad niyang tinignan kung sino ang tumulong sa kanya. Nagulat siya sa kanyang nakita. Nakita niya kasi ang duguang si Jaypee na nakangisi pa at dahil sa takot na kanyang nadama ay sumigaw ng malakas itong si Sven kung saan nagulat ang driver ng sasakyan kung kaya't nawalan ng balanse ang sasakyan. Paliko-liko ang nagging direksyon ng sasakyan. Nagpanic ang lahat na nasa loob ng sasakyan. At dahil dun, naipalabas ni Sarah ang kanyang ulo sa bintana kung saan bumagsak ang bintana sanhing maputol ang ulo ni Sarah. Nagsigawan ang lahat ng masilayan nila ang nangyari kay Sarah. At dahil dun, tuluyang natumba ang sasakyan sanhing mamatay sina Collyn, Ella, at Gigi. Agad namang nagsilabasan ang natitirang buhay pa ngunit biglang pumutok ang sasakyan sanhing mamatay sina Johua at Rose sapagkat naiwan sila sa loob ng sasakyan pa. Tanging sina Marian, Marlon, Sven at Virgilio ang nasabing maswerteng nakalabas ng buhay sa sasakyan. Sa hindi inaasahan, muli, biglang pumutok ang sasakyan kung saan nagsitilapon ang mga bubog at nagsitilapon ang mga ito kina Marian, Marlon at Virgilio. "Oh my God", ang biglang nasabi ni Sven. Hindi napansin ni Sven na may tumilapong gulong paitaas. Nang tumingin siya sa kanyang itaas ay nakita niya ang naglalagablab na gulong. AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!
Biglang nagising si Sven sa kanyang pagkakaiglip...Panaginip lamang pala...Naging malalim ang kanyang hininga sapagkat pinapakalma niya ang kanyang sarili. Nagsimullang magsilabasan ang pawis ni Sven. "Hay, salamat",ang nasabi nito sa kanyang sarili. Nabigla naman si Virgilio sa nagging tinuran ni Sven kung kaya lumipat ito sa tabi ni Marlon. Nang makalipat si Virgilio ay biglang bumilis ang tibok ng puso ni Sven na para bang may mali. Nagsimula siyang kabahan muli. Naguguluhan ito sapagkat para bang nangyayari ang kanyang nagging panaginip. Mas lalo pa siyang kinabahan ng buksan ni Sarah ang bintana at kumuha sila ni Gigi ng letrato. Tuluyang kinain na ng kaba si Sven ng nahulog ang kanyang bottled water. Imbes na pulutin niya ito ay bigla siyang tumayo at pinahinto ang driver sa pagmamaneho. Napunta kay Sven ang atensyon ng lahat. "Ano baa ng pumasok sa kukote mo at pinahinto mo ang driver??", takang tanong ni Rose. Hindi man lamang sumagot si Sven. Lumabas ito bigla sa bus kung saan sumunod naman si Rose at niyaya sina Collyn at Ella na sundan ito. Sumunod naman sina Gigi, Marian at Sarah. Tumayo naman si Johua upang lumabas din. "Saan ka pupunta pre?", tanong ni Virgilio."Wiwiwi lang ako", sagot ni Johua sabay kindat kay Virgilio na para bang nang-iinis. "Teka, Virgilio, dito ka lang at pupuntahan koo yang lintik na Sven na yan", sabi ni Marlon sabay labas ng sasakyan.
Pinaliwanag ni Sven sa kanila na kung bakit niya pinahinto ang bus. Ito ay sa dahilang maaaksidente silang lahat na nasa loob ng bus. "Anong joke yan?!", inis ni Marlon kay Sven. "That's impossible!", dagdag pa ni Marian. "OMG! Rockslide?!", takang tanong ni Sarah sabay turo sa kung ano ang kanyang nakikita. Nagsiguho ang mga bato sa gilid lamang nito. Halos lahat ng mga estudyante na ang nagsipaglabasan sa bus. Tanging si Virgilio at ang driver ng bus na lamang ang hindi pa nakakalabas. "Putcha! Sino ang nasa loob pa ng bus?!", nahihingal na tanong ni Johua."Shit! si Virgilio", sabi ni Marlon. Lahat sila ay nagsipagtinginan sa bus. Malalaking mga bato ang nagsibagsak sa bus. Nahulog din ang bus sa bangin sa zigzag road.
"Ano ito, final destination?!", mangiyak-ngiyak na sinabi ni Sarah."Hindi, kundi revenge", sabi ni Sven sabay hawak sa balikat ni Sarah. Biglang pumutok ang bus. BOOOOOOM!! Lahat sila ay nabigla. May bumagsak sa kanilang harapan. Nagsigawan sila sa kanilang nakita. Yun pala ay ang kalahating katawan at nasusunog na mukha ni Virgilio.
(to be continue)
BINABASA MO ANG
Tale of Argon
Mistério / SuspenseAng kwentong ito ay purong kathang isip lamang at lahat na napabilang sa nilalaman ng istoryang ito, ma pa pangalan, pangyayari at lugar man ay di sinasadya lamang. Sa panahong ito, madalas tayong nakakarinig ng mga masasamang sal...
