Hindi pa rin umaalis sa isipan ni Lyn ang nakaukit sa punong manga, ang Nosferatu Nememesi. Ilang beses niyang sinubukang hanapin ito pero ni isa sa kanyang tiningnan at napagtanungan ay walang sagot siyang nakuha.
Habang naglalakad sina Gigi, Nika, at Precious....
May napansin silang isang karatulang nakasabit sa may gate ng kanilang paaralan, NCHS. Overnight Campaign in NCHS will be start tomorrow until next two days. Saad sa karatula. Natuwa ang tatlo sa kanilang nabasa at agad nila itong ipinaalam sa kanilang mga kaklase.
Sa social center, isang sikat na parke....
Nagkita-kita sina Aldrin, Chino, Dominick, Hazel, Ivon, Johua, Lyn, Marjo, Miriam, Rosaleth at Sarah upang magsama-sama, mag picnic at mag food trip sila. Maayos at komportable silang nakaupo't nakahiga sa mahabang tela na nakalatag sa damuhan. Ilang saglit lang ay tumayo si Chino at sinabing," Sino sa inyo ang sasama sa gaganaping overnight campaign sa school bukas? Itaas ang kamay kung sino ang may gusto?" sabay taas ng kanyang kamay. Sunod namang nagsitaasan ng kamay sina Hazel, Marjo at Ivon."Guys, bakit ayaw niyong sumama?", tanong ni Chino. Unang nagpaliwanag sina Miriam, Rosaleth at Sarah. Pupunta raw sina sa kanilang church at may worship pa raw sila. Sunod naman ay si Johua. Ayaw nitong sumama sa dahilang baka may mangyaring masama ulit. Sumunod naman si Aldrin pero bago ito magpaliwanag ay tiningnan muna nito si Lyn at nakita rin yun ni Lyn kaya napa-iba ng lingon ito. Hindi raw siya makakasama sa dahilang may date daw siya. Biglang nalungkot si Lyn sa kanyang narinig. Biglang natahimik ang lahat ngunit di ito nagtagal sa dahilang nagpaliwanag na rin si Dominick. Hindi raw siya makakasama sa dahilang di raw siya papayagan ng kanyang parents na mag overnight. Nang si Lyn na lamang ang hinihintay na magpaliwanag at halatang wala itong maibigay na dahilan ay agad itong pilit na niyaya ni Hazel na sumama na lang para raw may kasama siyang ka close niya at ayun, sasama na lang si Lyn. Nagtagal pa sila doon sa parke ng halos dalawang oras bago magsiuwian.
Bago pa makaalis si Lyn ay biglang hinatak siya ni Hazel. Niyaya siya nito patungonng net shop. Agad na umupo si Hazel at browse sa google ng Nosferatu Nememesi. Tanging isang article lamang ang lumabas sa google at walangg ni ano-ano'y binuksan ito ni Hazel. Lumaki ang mga mata ni Lyn ng mabasa niya ang ibig sabihin ng saltang iyon samantalang si Hazel naman ay kinilabutan.
Kinabukasan...
Ang overnight campaign ay magaganap na.
Magsisimula na ang programa. Tanging sina Benjie, Chino, Gigi, Hazel, Ivon, Kiberly, Lyn, Marian, Marjo, Nika, Precious at Vince lamang ang sumali sa III-ARGON, may iilang 3rd year din at 4th year students. Hindi nagging mahirap sa kanila ang magiging tirahan nila sapagkat ang tanging assigned classroom nila ang kanilang tirahan. Bago nagsimula ang mismong program ay binigyan ang bawat section ng isang libo upang I'budget ang kanilang goods for whole duration ng event. Sina Sir Miranda, Mr. Arthur at Ms. Logronio ang organizers ng event. Sinimulang ipito ni Sir Miranda ang pito nito hudyat na "go". Agad silang nagsitakbo upang bumili ng kanilang makakain at mga gamit tulad ng posporo, lighter at iba pa. Maya-maya ay saktong 6pm na silang lahat nagsidatingan. Ang tamang oras kung saan nagsimula na ang tunay na programa.
Pagkatapos ng kanilang unang activity ay pinapasok na sila sa kanilang kani-kanilang kwarto. Nagsimula na rin silang maglinis, mag-ayos at magluto. Habang nagwawalis si Marian ay napansin nitong matindi ng pagkakapit ng tingin ni Kimberly sa kanya sanhing masindak ito sa kanya. Napansin din ito ni Marjo kung kaya nilapitan niya si Kimberly at biglang inihipan ang mga dilat na dilat na mga mata ni Kimberly. Nagalit ito sa ginawa ni Marjo kung kaya malakas niyang tinulak ito sanhing matumba si Marjo. Tinulungan nina Vince at Benjie na patayuin si Marjo. Agad naming umalis si Kimberly pagkatulak niya kay Marjo. Susundan sana ito ni Lyn ngunit parang may nagpapatigil sa kanya. Dahil sa inasta ni Kimberly ay biglang hinatak ni Marian sina Chino at Precious palabas ng kwarto. "Bakit siya ganun? Ang OA ah!",takang sabi ni Marjo. "Ewan ko rin",mahinang sabi ni Lyn. "Ang weird ah.",ang pagsingit ni Hazel.
BINABASA MO ANG
Tale of Argon
Misteri / ThrillerAng kwentong ito ay purong kathang isip lamang at lahat na napabilang sa nilalaman ng istoryang ito, ma pa pangalan, pangyayari at lugar man ay di sinasadya lamang. Sa panahong ito, madalas tayong nakakarinig ng mga masasamang sal...
