Isang linggo ang makalipas...Malungkot nilang ipinagdiwang ang paghahatid sa huling hantungan ni Virgilio. Labis na nalungkot ang pamilya ni Virgilio sa sinapit nito kaya galit din ang bumaon sa isipan ng pamilya nito sa paaralan ng NCHS.
Habang nililinis nina Grace, Kimberly, Lyn at Marian ang isang room para sa kanilang clearance, may ibinulong si Kimberly kay MArian. "Parang iniisa na kayo..", bulong ni Kimberly. Lumaki ang mga mata ni Marian sa kanyang narinig at dahil dito, biglang siyang umalis. "Ano ang ginawa mo dun?", takang tanong ni Grace kay Kimberly. Tiningnan lamang nito sina Grace at Lyn sabay halakhak ng malakas.
Sa room ng adviser ng III-ARGON, Ms. Logronio...Pinag-uusapan nila ang tungkol sa isasagawa nilang bonding vacation ng kanilang section sa pangunguna ng kanilang nahalal na presidente, si Vince. Itinaas ni Stephanie ang kanyang kamay at tumayo ito. "What if, sa Ranchelle's beach resort tayo?", request ni Stephanie. "Duh! I think,, it's not a good idea. Maraming tao na doon.", pag di sang-ayon ni Marjo. Nang makaupo ito, agad namang tumayo ang isa pa sa kanilang kaklase, si Charlene,"What if sa Bituon Beach? Sagot ko na ang magiging sasakyan natin", sabi pa nito. Agad silang nagsisang-ayon sa nasabi ni Charlene. Agad natapos ang kanilang pagpupulong. Na excite sila sa darating na vacation day nila.
Hapon na...Sa loob ng library...Kakatapos lang manood ng movie ng grupo ni Sarah kasama sina Jasra, Melissa, Miriam at Rosaleth. "Nakaka-iyak talaga", sabi pa ni Melissa sabay punas sa mga namuong luha nito. Inaayos naman ni Jasra ang mga gamit nito sapagkat magsasara na ang library. Agad namang umalis sina Rosaleth at Sarah. Nakita sila ni Lyn. Agad na lumapit si Lyn kina Sarah."Girls, nakita nyo ba si Kimberly", tanong ni Lyn. Agad na bumalik si Rosaleth sa library para tanungin sina Jasra, Melissa at Miriam. Inobserbahan muna ni Miriam ang paligid ng library hanggang sa may nakita itong isang babaeng natutulog. Agad niya itong nilapitan at dahil dun, natuklasan nitong si Kimberly pala iyon. Nakabukas ang palad ni Kimberly at may nakasulat sa palad nito na letrang "N". Pumasok agad si Lyn ng malaman niyang nasa loob si Kimberly. "Uwi na tayo. Sabay na tayo.", aya ni Lyn."Anong ginagawa ko rito?",takang tanong ni Kimberly. Pasikreto namang ngumiti si Melissa.
Makalipas ang tatlong araw...Ang araw na ito ang hinahanap hanap ng mga estudyante sapagkat bakasyon na. Sa araw ding ito, ang kanilang bonding vacation ay magaganap. Halos 8:30 am na. Ang kanilang sasakyan ay umalis na. Tanging sina Ella, Johua, Kimberly, Marian, Nino, Polene, Precious, at Sven ang naiwan o hindi nakasama. Huli ng dumating sina Ella at Polene."Oh my G! Naiwan tayo!", nag-aalalang sinabi ni Ella."Don't you worry girl. Ibang sasakyan na lamang ang sasakyan natin", sabi ni Polene. Sumakay sila sa tricycle.
(Continuation)
Ilang saglit lang ng makaalis sina Ella at Polene.... Dumating na rin si Sven sa meeting site nila. Napapikit sa inis si Sven sa dahilang nahuli na siya. Sa pagmulat nito, napansin siyang kakaiba. Isang taong nakasuot ng pamilyar na maskara na para bang nagamit na niya. SPIK.. Isang mahinang putok na kanyang narinig kung saan bigla ring nawala yung kanina lang ay nakikita niya. SPIK.. Muli nitong narinig ang mahinang putok at sa ngayon ay tiningnan nito kung saan nanggaling ang putok. Tumingin ito sa itaas dahil dun niya itong narinig. Sabay sa pagtingin nito sa itaas ay ang pagbagsak ng logo ng SHELL. Hindi nakuhang makailag nito. Bumagsak ng tuluyan ang logo galing sa mukha ni Sven hanggang sa lupa. Wasak na wasak ang buong katawan nito na talagang di kaya ng sikmura kapag may makakita nito.
Sa Bituon Beach... Nang sila ay makapili na ng dalawang cottage ay agad na sumuong sa dagat sina Benjie at Marlon. Sandali lang ay sumunod na rin sina Antonette, Glezee, Laarni at Marjo. Nag-aayos na rin naman ng gamit sina Gazelle, Grace, Hazel, at Judy Ann. "Sayang, sana na enjoy din nila ang pagiging 3rd year. ", malungkot na sinabi ni Judy Ann."Oo nga, at least masaya na sila sa piling ni Papa God", dagdag ni Gazelle."Sa akala niyo lang", isang mahina pero nakakatakot na boses."Narinig niyo yun?" takang tanong ni Hazel at halatang si Hazel lang ang nakarinig nun. "Ang alin??", tukso ni Judy Ann kay Hazel. Nagsitawanan ang tatlo at niyaya na lamang si HAzel na MAligo na rin sa dagat.
Lahat sila ay masayang naliligo sa dagat. Dumungaw si Marlon sa kanilang napiling cottage. May nakita itong nakaitim na tao."Uy, sino yung nasa cottage pa?", tanong ni Marlon. "Aba'y ewan ko sa'yo,bro. Wala namang tao dun eh.", sagot ni Joseph. Nagsimulang magtaka si Marlon kung kaya pumunta siya sa kanilang cottage. Pupunta na sana siya ng biglang may humila ng paa niya pailalim ng dagat. Agad itong nakita ng kanilang isang kaklase na si Joanna na kakaahon lang ng dagat. Sumigaw ito ng tulungan niyo si Marlon kng saan agad namang gumawa ng aksyon sina Benjie at Joseph upang tulungan si Marlon. Dali-dali nilang dinala si Marlon sa kanilang cottage at dun isinagawa ang mouth to mouth upang mailuwa ni Marlon ang nainom nitong dagat. Agad namang nagkaroon ng malay si Marlon. Nasa paligid niya lamang sina Anna, Benjie, Christian, Joseph, Lyn, Lyra at si Ms. Logronio."Anong nangyari sa'yo?", tanong ni Anna. "Hindi ako sigurado pero parang may humila sa paa ko", nanghihinang sagot ni Marlon."Baka may sirena dito!", tukso ni Christian. Nagsitawanan naman sina Benjie, Joseph at Lyra."Kung totoo nga yang sinasabi mo,, mas mabuti pang dito ka nalang muna and if you were okay na, suumunod ka na lang sa amin sa dagat", sabi ng kanilang adviser.
Naiwang mag-isa si Marlon sa kanilang cottage. Ilang saglit lang ay biglang may isang boses siyang narinig. Nakita ni Marlon na si Sven pala yun. Agad na nilapitan ni Marlon si Sven kung saan lumalayo naman itong si Sven."Sandali lang! Teka lang!", sigaw nito kay Sven. Ngunit patuloy pa rin itong lumalakad palayo.
Nakarating na sina Ella at Polene sa kanila. Nakita agad sila nina Antonette, Ivon, Lyn at Lyra. Pinuntahan nila ang dalawa. "Mabuti nakahabol kayo.", wika ni Antonette."Hindi na sana kami makakahabol dahil si Sven.......",mahinang sambit ni Polene. Napansin nilang tumulo ang luha ni Ella. At dahil dun ay napagdesisyonan ni Polene na ikwento ang kanilang nalaman tungkol sa pagkawala ni Sven. Nabigla ang lahat sa kanilang nalaman. Ilang saglit lang ay lumapit na rin sina Benjie at Isabel."Girls, nasaan na si Marlon?", tanong ni Isabel. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lyn. Bigla ring tumirik ang mga mata ni Ella, tumayo ito at bumilog ang boses na ang sabi ,"Nasapangnib ang buhay niya!"......Bumagsak si Ella ng matapos niya yung sabihin. Gulat na gulat ang lahat sa kanilang nasilayan. Nataranta silang lahat kung saan napagdesisyonan nilang sundin ang sinabi ni Ella. Nagpaiwan sina Antonette at Polene sa tabi ni Ella habang sina Benjie, Isabel, Ivon, Lyn at Lyra upang hanapin si Marlon. Naghiwa-hiwalay silang lima upang makita nilang agad si Marlon.
"Sven, parang malayo na tayo ah.", sabi ni Marlon ng biglang lumakas ang ihip ng hangin at kasabay nito ang pagtigil ni Sven sa paglalakad ngunit di pa ring humaharap si Sven kay Marlon. Lumapit si Marlon at hinawakan ang balikat upang piilitang humarap sa kanya. Nanlamig ang kanyang kamay ng mahawakan nito si Sven. Nagsimulang kabahan si Marlon kaya pinaharap niya na ng tuluyan si Sven. Nagulat ito sa kanyang nakita. Hindi pala si Sven yun kundi ang duguang si Jaypee ang nagpakita sa kanyang harapan. Napa-atras si Marlon ng isang hakbang lamang sa kadahilan parang may tumitigil sa kanya. Sa kadahilanang di na siya makagalaw ay sinakal agad siya ni Jaypee. Wala siyang nagawa. Pilit siyang nanlalaban ngunit di talaga siya nakakilos.
Halos dalawang oras nilang hinahanap si Marlon. Parang naubos na ang kanilang lakas sa kakahanap kay Marlon. Hindi pa rin mapakali si Isabel at gusto pa ring mahanap nito si Marlon habang si Lyn naman ay patuloy pa rin sa pagbilis ng tibok ng puso na para bang aatakihin na. Biglang napalingon si Isabel sa kanyang kanan at nagulat ito sa kanyang nakita. Bigla itong napasigaw sa kanyang nakita kung saan ikinagulat naman ng apat. Nakita na rin nila ang nakikita ni Isabel. Si Marlon na nakabigti sa isang sanga ng puno ng mangga at may luhang dugo napatuloy na umaagos. Agad nilang nilapitan ito upang ikalas ang tali sa leeg. May napansin s Ivon na nakaukit sa puno. "Nosferatu Nememesi", ang basa ni Ivon."Bakit ka nagpakamatay Marlon", ang pagtangis ni Isabel. "Ano ang ibig sabihin nun?", tanong ni Lyn sa kanyang sarili.
(to be continue)
BINABASA MO ANG
Tale of Argon
Mystery / ThrillerAng kwentong ito ay purong kathang isip lamang at lahat na napabilang sa nilalaman ng istoryang ito, ma pa pangalan, pangyayari at lugar man ay di sinasadya lamang. Sa panahong ito, madalas tayong nakakarinig ng mga masasamang sal...
