Katarungan...Paano makakamtan?

1.2K 8 3
                                    

Sa mundong puno ng kasamaan

Sa mundong puno ng karahasan

Sa mundong ating ginagalawan

May tunay bang katarungan

Ano nga ba ang katarungan?

Ito nga ba'y para sa pangkalahatan

O para lamang sa mayayaman

Ibig kong malaman,ibig kong matuklasan

Lahat tayo ay mayroong karapatan

Ngunit kinuha ng mga may kapangyarihan

Hindi kuntento sa anong mayroon sila

Kinailangan pa nilang magnakaw sa iba

Tao!Tao! Bakit ka ganyan

Ikaw ay sakim at gahaman

Hindi ka ba nahihiya

Sa iyong mga ginagawa

Ikaw ba tao

Naawa sa kapwa mo?

Lahat na ay kinuha mo

Pati dignidad nya at pagkatao

At ikaw!Oo ikaw!

Ikaw na isa pang mukha ng tao

Duwag, takot at ayaw lumaban

At pilit nagtatago sa karimlan

Paano mo makakamtan

Ang sinasabi mong katarungan

Kung ika'y duwag naman

At nagbubulag-bulagan

Ika'y walang mapapala

Kung lagi kang takot sa kanila

Kumilos ka't magbago

Upang katarungan ay makamtan mo

Katarungan...Paano makakamtan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon