Note

3 1 0
                                    

"Ano ba?! Mas mabagal pa kayo sa pagong! Gusto nyo bang ma late sa first day of school?!" -Jov

"Oo na. Masyado kang excited makita crush mo!" -Clint

"Tumahimik ka dyan!" -Jov

"Ano ba naman kayo! Wag na kayong mag away!" -Donna

"Ang aga-aga nag aaway na kayo!" -Neftali

"Bad trip yang mga yan!" -JB

"Iwan na natin yang mga yan!" -McJoel

"Ano ba?!! Wag kayong sumigaw!!" -Ayena

"EH SUMIGAW KA DIN KAYA!!!" -sabay nilang sabi.

Maya-maya ay tumawa silang lahat.

"Tara na nga." -Jov

Naka dating na sila sa school nila. Maaga pa at konti palang ang estudyante.

"Teka iniba naba ang time sa school?" -Neftali

"Dapat ikaw tinatanong namin yan, tatay mo yung may ari ng school, eh" -JB

"WAHAHAHA!" -tumawa ng malakas si Jov

"Hoy! Anong nakain mo?" -Clint

"Wala. It's better early than late." -Jov

Nauna ng naglakad si Jov at tumawa ng palihim. Iniba kasi nya ang time sa wall clock nila at sa mga phone ng barkada niya. Palagi kasi silang pinapagalitan dati kasi palagi silang nalelate.

'Pasalamat pa nga kayo ginawa ko yun' sabi ni Jov sa isip niya.

Mabilis natapos ang klase nila at nag lunch break na.

Jov's POV

"Ayos class A pa rin tayong walo." -ako

"Oo nga eh." -Des

Nag punta muna kami ni des sa locker.

"Oy, girl. Mauna na 'ko. Sabay kaming mag lulunch ni Clint eh." -Des

"Tss. K bye. Bahala ka na dyan." -me

"Mag boyfriend ka na kasi. Haha." -Des

"Whatever. Umalis ka na nga. Alam mo namang NBSB ako." -me

"NBSB mo mukha mo." -Des

"Yah! No boyfriend since break-up" nagtawanan nalang kami at umalis na siya pero bago siya umalis nakipag beso beso muna siya sakin.

Buti naman umalis na yun. Pag bukas ko sa locker ko bumungad sakin ang pulang box.

"Hmmm! Ano ba yan ang baho. Ano ba 'to?" Sabi ko sa sarili.

Nanlaki ang mga mata ko ng may tumulong dugo galing sa box. Mahahalatang bago pa lang 'to dahil sariwa pa ang dugo. Nanginginig ako papalapit sa box. Bubuksan ko na sana ang box ng may humawak sa balikat ko.

"Ahhhhhhhh" tumakbo ako ng pagka bilis bilis hanggang sa hindi ko na alam kong san ako dinala ng mga paa ko.

Tumitingin tingin ako sa paligid ng biglang may humawak sa braso ko.

"Ahhhhhh" dali dali kong tinanggal ang kamay at akmang tatakbo na.

"Hoy ano ka ba? Kanina mo pa ako tinatakbohan. Ano bang problema mo?" S-si JB lang pala. Para akong nabunutan ng tinik. Haay! Salamat. Niyakap ko siya bigla.

"Ba't ka nang-gugulat?! Gago." -ako

"Ikaw tong biglang tumakbo na parang nakakita ng multo eh! Ano ba nangyari sayo?" -JB

"A-ah e-eh. Y-yung locker ko JB." Utal utal kong sabi.

"Bakit? Anong nangyari?" -JB

"Mamaya nalang natin pag usapan. Tara na." -ako

Donna's POV

Nang makauwi na kami ay dali dali kaming pinapunta ni Jov sa salas dahil may importante daw siyang sasabihin.

"Kumain nalang muna tayo. Gutom na 'ko." -McJoel

"Sige. Bibilhan nalang kita ng burger." -Ayena

"Hep! Hep! Hep! No! No! No! Walang aalis, okay? Kaya ko nga kayo pinatawag dito. May sasabihin lang ako." -Jov

"Pwede paki bilisan? May project pa akong gagawin." -ako.

"Okay...... Uhm..... May nag padala kasi ng patay na daga sa locker ko. Tignan niyo, oh." Sabi ni Jov at may nilabas na box.

"Ewww. Ano ka ba sis bakit mo pa yan dinala dito. Ang baho!" -Des

"I know right. May something na sulat kasi dyan sa ilalim. Sinong gustong kumuha?" -Jov

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Seriously Jov?" -ako

"What?" -Jov with a curios face.

"Kunin mo na. Dali ng makaalis na 'ko." -Ayena

"Ikaw nalang kaya kumuha?" -Jov

"Ang aarte. Ako na nga lang." Sabi ni Neftali. Nag suot siya ng gloves at kinuha yung note.

"Tara! Tignan na natin! Na curious ako bigla eh!" -Jov.

A/N
Bitin?

Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon