Chapter 34: The Death

5.5K 141 6
                                    

"Death may indeed be final but the love we share while living is Eternal"

***

Eiffel's PoV

"Hubby, paabot naman ako nung basket" pasuyo ko kay kuya Clyde. Kasalukuyan kong kinukuha ang mga sinampay naming mga puting kumot.

"Sige saglit lang." sagot niya at pumasok sa loob ng bahay.

I took a deep breath, nakangiting napatingin ako sa maaliwalas na kalangitan, napakasarap ng sariwang simoy ng hangin.

Sana ganito katahimik ang buhay namin araw araw. Yung masaya lang at walang problema.

"Eiffel, tulungan na kita" sabi ni kuya Clyde at tinulungan akong tupiin ang mga kumot.

"Malapit na ulit ang monthsary natin" sabi niya at napangiti ako, dati ay nakalimutan niya ang first monthsary namin pero ngayon ay alam niya maski ang eksaktong petsa at araw.

"Malapit na ang first anniversary natin" dagdag ko at napangisi siya.

"Excited much?" pangaalaska niya at natawa ako.

"Sorry naman daw"

"Nah it's ok, mabuti nga yan para mapagplanuhan na natin"

Natawa ako dahil mas excited pala siya kesa sa akin.

"How about Hawai? O sa Brazil? Sa New Zealand? Guam?" suggest niya.

"Kahit saan basta magkasama tayo"

"Cheesy mo Wife, panigurado naman e may plano na si mama para sa atin. Daig pa niya ang boss-" naputol ang pagsasalita niya dahil nagring ang phone niya.

"Excuse me" bulong niya at tumalikod.

Binalik ko nalang ang atensyon ko sa pagtutupi ng mga kumot.

Aabutin ko na sana ang huling kumot ng biglang humangin ng napakalakas at tinangay iyon.

Napapikit ako sa lakas ng hangin. This is weird, kanina naman ay hindi humahangin.

Inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko at napatingin sa asul na kalangitan.

Nakaramdam ako ng kakaiba habang nakatulala ako.

Ang bilis ng tibok ng puso ko...

Pero naputol ang pagmumuni ko ng biglang nahulog ni kuya Clyde ang phone niya at agad akong napalingon sa kanya.

Hindi maipinta ang mukha niya habang nakatitig sa akin.

"Eiffel..."

.

.

.

Clyde's POV

Tahimik akong nakaupo sa isang upuan. Ang lahat ng tao sa loob nitong chapel ay nakaitim at taos pusong nakikiramay.

"Clyde anak, hindi ka pa kumakain" saad ni mama na nakaupo rin sa tabi ko. Malungkot na ngumiti ako at tumingin sa munting babae na nakasuot ng itim na bistida

"Hindi parin naman kumakain ang asawa ko Mom," sagot ko at hinimas niya ang balikat ko.

Kahapon ay tinawagan ako ni mama para ipagbigay alam na namatay na ang papa ni Eiffel,

Yes, Papa Raven is already dead...

Napakasakit tangapin na ang isang mabait na tao katulad niya ay nawala na. At mas nahihirapan akong makita na nasasaktan ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko.

Marry Me Kuya! (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon