Chapter 37: Hurt

5.4K 135 11
                                    

"I'm not afraid of ghosts, I am not afraid of disasters and I have no fear in death. But there is one thing I'm afraid of. It's the time you'll stop loving me."

***

Eiffel's PoV

"Eiffel!" Narinig kong tawag sa akin ni Turquoise at gulat na napalingon ako.

"B-Bakit?"

"Kanina pa tapos ang klase bakit nakaupo ka pa diyan?" Tanong ni Diamond kasama nila Topaz at Emerald.

Napatingin ako sa buong classroom at oo nga, wala na ang mga classmates ko.

"Ah, saglit lang. P-Pasensya na, di ko lang namalayan." Paumanhin ko, mabilis na inayos ang gamit ko inilagay sa loob ng bag ko. Pero natabig ko ang pencil case ko at nahulog ang mga ballpen at lapis ko.

Yumuko ako at pinulot ang mga ito. May isang kamay na pumulot ng huling lapis at inabot ito sa akin.

"May problema ka ba Eiffel? Ilang araw ka nang tulala" nagaalalang tanong ni Turquoise.

Ngumiti ako at umiling "I'm fine Turquoise, thank you for your concern." Pagsisinungaling ko. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko saka sabay na naglakad kasama nila.

Yes, I'm not fine. Nothing is fine at all...

Ilang araw na ang lumipas nang nagsimulang umakto ng kakaiba si Kuya Clyde. Pilit akong nagpapakatatag at iniintindi siya pero...

"Eiffel, hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo?" Untag ni Emerald habang naglalakad kami papalapit sa School Gate.

"Kuya, Kuya niya yon Emerald" correct ni Topaz.

Umiling ako " Hinde, medyo busy siya e"

Malungkot na napatingin ako sa gate at inalala ang dating pagsusundo at paghahatid niya sa akin, pero ngayon ay hindi na niya ito ginagawa.

Paglabas ng school gate ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko. Ibang direksyon kasi ang pauwi sa bahay namin.

Magisa akong naglalakad sa tahimik na lansangan. Ilang araw ko na rin itong ginagawa pero hindi parin ako nasasanay at mayat mayang hinahanap ang malaki ngunit mainit na kamay na laging humahawak sa akin sa tuwing naglalakad ako sa kalyeng ito...

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kamay ko na lagi niyang hinahawakan. Isang luha ang pumatak dito na sinundan pa ng sunod sunod na mga luha.

I tried to hold back my tears but it's so useless. I feel so lonely without him.

Napaupo ako at pilit na pinupunasan ang mga luha ko gamit ang mga likod ng palad ko.

"K-Kaya mo to Eiffel" bilin ko sa sarili ko. I need to be strong.

But my tears just fall out of my eyes uncontrollably.

I guess it's useless lying to myself...

""""

Pagdating sa bahay ay nagluto ako agad. I'll do my best to hang in our relationship even if my husband has grown cold to me.

Narinig kong bumukas ang pintuan at mabilis akong lumingon sa counter para alamin kung sino ang dumating. A frightful smile registered on my face.

Maagang umuwi si Kuya Clyde!

"W-Welcome home Hubby!" Bati ko sa kanya at pinasadahan lang niya ako ng tingin.
Napamaang ako but I didn't back down.

"U-Uhm- Nagluluto na ako. Malapit na tong muluto-"

Marry Me Kuya! (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon