[18] Ligaw or Lugaw?

1.2K 65 4
                                    

YASSI'S P.O.V

Nandito ako sa cafeteria, pinaka-dulong side. Sabi kasi saakin ni Andre, kita daw kami dito. May sasabihin daw kasi siyang IMPORTANTE.

Nakatingin lang ako sa pinaka-door ng cafeteria, inaabangan ko si Andre. Tapos meron, ayun! Nakita ko na siya! Tumatakbo papalapit saakin. 'Di naman halatang nagmamadali siya eh.

"Yassi, I'm sorry dahil na-late ako. Sorry talaga."sabi niya

"Ok lang."sabi ko at ngumiti

Umupo na siya sa harapan ko. Tinignan niya ako, eye to eye.

"Uhm, Andre, ano nga pala yung sasabihin mo?"tanong ko

"Ah oo nga pala noh!"sabi niya

Tumawa naman ako.

"Dun sa mga nare-recieve mong flowers, chocolates, and letters. Uhm, galing yun saakin."sabi niya

S-sakanya galing lahat ng yun?

"And...dun sa mga nababasa mo dun sa letter, it's all real. Yung I-i love you, totoo yun. Aaminin ko kaya ko dun dinaan dahil torpe ako, but, now, ngayon lang ako nag-lakas loob. Yasmin Isabel Lustre, pwede bang manligaw?"tanong niya

Nagulat ako sa sinabi niya. Ligaw? Ligaw ba or lugaw?

***

[Talaga?! Ano namang sabi mo?]

"Oo! Alam mo namang crush ko si Andre diba ate?"sabi ko

Kausap ko ngayon si ate Nadine sa phone. Pinagu-usapan namin yung nangyari saamin ni Andre sa cafeteria kanina.

[Sa bagay. Nasabi mo na ba yan kayla mama at papa?]

"Kay mama palang, wala pa kasi si papa eh. Natatakot nga ako eh!"sabi ko, totoo naman kasi

[Ahh. Ano namang sabi ni mama?]

"Kinilig nga siya eh! Hahaha! Naiiyak nga ako nung sinabi niyang balang araw 'di ka na dito titira. Huhuhu!"sabi ko

[Hahaha! O sige, sabihin mo kay mama, pupunta ako diyan sa linggo ok?]

"Sige ate, bye na! Love you!"sabi ko

[Love you too!]

Binaba ko na yung tawag. Hayy! May manliligaw ako, ano kaya feeling?

NADINE'S P.O.V

Pagkababa ng tawag, tumili ako. Kinikilig ako para kay Yassi! Dalaga na siya!

Nagulat ako ng biglang pumasok si James sa kwarto.

"Anong nangyari sa'yo?"tanong niya

"Wala. Bakit?"tanong ko

"Kung wala, why are you screaming?"tanong niya

"Ha eh, kasi, si Yassi, may manliligaw."sabi ko

"And then?"tanong niya

"Wala!"sabi ko

***

Nandito ako sa bar, bigla ngang nawala si James kanina eh. Hinihintay ko si Kathryn, sasamahan niya daw kasi ako dito.

🎶 I know what I came to do
And that ain't gonna change
So go ahead and talk your talk
Cause I won't take the bait
I'm over here doing what I like
I'm over here working day and night
And if my real ain't real enough
I'm sorry for ya, bae 🎶

May mga taong sumasayaw na sa gitna ng dance floors, ang daming mga wild na girls nga eh. Kaloka! Parang mga mamamatay na sila bukas.

"Nadz! Yoohoo!"rinig kong sabi ni Kath

"Ayy! Nandiyan ka na pala."sabi ko

"Ay hindi! Wala pa ako!"sarcastic niyang sabi

Inirapan ko nalang siya.

"Anong trip mo Nadz? Bakit nagyaya kang mag-bar? Diba kami pa ang nagyayaya sa'yo mag-bar? May problema ba?"tanong niya

Bumuntong hininga ako.

"Wala naman, pero, si James kasi eh, hindi ako pinapansin."sabi ko

"Whahaha! Ganun? Baka may pinagseselosan?"tanong niya

"Psh. Magseselos? 'Di nga ako love nun eh, tsaka kung may pinagseselosan siya sino?"tanong ko

"Eh sino ba yung boy na umaaligid sayo?"tanong niya

Boy na umaaligid? Hmmmm, si Joseph lang naman ang lalaking kasama ko nung isang araw eh. Don't tell me na si Joseph ang pinagseselosan ni James?!

"Ano Nadz, na-realized mo na ba?"tanong niya

"Hah? Ah eh, Pero ---"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng biglang umupo si Liza sa tabi ko.

"Liz, Kath, cr muna ako ah. I have to pee."sabi ko

Tumango naman silang dalawa. Tumayo na ako. Tinitignan ko ang bawat tables, may mga naghahalikan, nagtatawanan, at kung ano-ano pa. Pero may nahagip ako, si James at may hinalikan siya. Bigla nalang tumulo ang luha ko.

---

[A/N: Whoo!! Shizz naman, pupunta kaming San Francisco! Yiiee! Baka makita ko din dun ang Clark ng buhay ko! Char, char, char!]

Ms. Lustre meets Mr. Reid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon