"Lolo! Payagan niyo na po kasi ako" pagsusumamo ko sa aking lolo.
"Umaga ka na nga umuwi kanina tapos ngayon aalis ka na naman!?" sagot niya sa akin.
Kanina ko pa kinukulit si Lolo na payagan akong umalis. Pagkagising ko kanina ay agad kong nilisan ang puntod ni Klien at napagdesisyunan ko na gusto kong umalis at pumunta sa ibang lugar, yung lugar na malayo sa lungsod. Gusto ko lang mag-explore, sumaya..yung hindi katulad ng iba na umaalis para sa tinatawag nilang 'soul searching', yung sa akin naman? Wala lang..gusto ko lang talaga umalis.
Sa kakabangayan namin ni Lolo ay sumapit na ang dilim at heto..ayaw pa rin akong payagan.
"Duh! Hindi naman ako lalabas ng bansa Lolo! Sakop pa rin naman ng Pilipinas yung pupuntahan ko!" pakikipagtalo ko. "At saka malaki na po ako! Kaya ko na po ang sarili ko." Dagdag ko pa.
"Oh sya sya! Sige! Kung mapilit ka talaga e papayagan na kita." Pagsang-ayon ni Lolo.
"O to the M to the G! OMG!!! Is that for real!? Thank you lolo!" Sa sobrang tuwa ko ay dali-dali ko siyang dinumog at niyakap ng mahigpit "Akala ko naman aabutin pa tayo ng 3 days para lang mapapayag ka" biro ko pa.
"Oh e,ilang araw ka ba dun?" usisa niya.
"Mga 6 months..?" sagot ko.
"Ano!? 6 months? Diyos ko po! Bakit ang tagal naman.." ngunit bago pa muling humirit si lolo ay pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Hep hep hep! Pumayag na po kayo, it means WALA NG BAWIANNN!" sabi ko. Bago pa siya magsalita ay tumakbo na ko sa itaas at pumunta sa aking kwarto.
Pagkadating ko ay nag-impake na ko at inihanda ang perang dadalhin ko. Konti lang naman ang dadalhin ko dahil gusto ko lang naman magbakasyon. Kumuha ako ng pera sa closet ko at kumuha rin ng iilang bagay na dadalhin ko.
"Hay! Tama na siguro to." naibulalas ko.
Sa sobrang bilis ng panahon ay naging padalos-dalos ang pagdedesisyon ko. Bukas sa pag-alis ko ay sisiguraduhin kong mag-eenjoy ako.
3 am in the morning
'they say that love is forever
your forever is all that I need.
Please stay as long as you need'
Can't promise that things won't be broken
But I swear that I will never leave
Please stay as long as you need...'
Nagising ako sa tunog ng alarm ko.Tumayo ako at mabilis akong nagtungo sa banyo. Ilang sandali pa ay natapos na ko at inihanda ko na ang mga dadalhin ko. Pumunta ako sa garahe upang ihanda ang aking kotse at sinabihan ko na rin ang ilan sa mga katulong namin na sabihan ang aking lolo na umalis na ko.
"Nanny, kayo na pong bahala dito ah." pagbibilin ko. "Paki-alagaan na rin po muna si Lolo habang wala ako."
"Sige po, mag-iingat po kayo senyorita" ani niya.
Ipinasok ko ang aking mga gamit at saka sumakay sa aking kotse. Kung saan man ako dadalhin ng aking mga paa ay handa na ko.
"This is it Yanna! You're free...again" I murmured to myself.
-Super slow update. Pasensya na po guys. Sobrang busy lang sa school.- wendyolala
BINABASA MO ANG
Just Once
RomanceIt is not all about who comes first but it is all about who's your last.