CHAPTER FOUR

10 0 0
                                    


Nobody sees, nobody knows.

We are a secret can't be exposed

That's how it is..

That's how it goes

Far from the others

Close to each other

That's when we uncover

Cover,coverrr

That's when we un...

"Un-nak ng tupa!" Bago ko pa matapos ang kanta ay bigla na lang pumutok ang gulong ng kotse ko. Mag-aalas tres na ng hapon at paikot-ikot pa rin ako. Based on my gps ay nasa Nueva Ecija na ako. Hindi ko pa rin talaga alam kung saan ako pupunta kaya drive lang ako ng drive pero kung minamalas ka nga naman ay bigla namang nasira tong kotse ko. Dali-dali akong bumaba at tinignan ko kung ano nangyari sa kotse ko.

"What the fuck! Bat umuusok to!" Nakita kong hindi lang pala gulong ang pumutok kundi maging makina ko ay umusok na din. Nagpalinga-linga ako sa paligid para huminging tulong ngunit huli na nang mapansin ko na halos nasa highway ako kung saan walang mga bahay at halos walang makitang tao. Puro bundok at mga talahib ang nakikita ko.

"Heyyyy! Is anybody here?" Sigaw ko. Nakakailang ulit na ko ngunit wala pa ring sumasagot. Sinubukan kong pumara sa mga kotseng dumadaan pero ni isa sa kanila ay walang huminto. Sa sobrang stress ko ay naisipan ko na lang na umupo sa gilid ng kotse ko. Wala na kong pakialam kung magmukha akong pulubi dito. I just need to get out of this place.

"Shit! Shit! Shit!" paulit-ulit kong tinadyakan ang sementong kinauupuan ko. Nagulat ako ng may biglang dumaan sa harap ko, hindi ko ito napansin kung kaya'y huli na para bawiin sipa ko.

"ARAYYYYY!" Daing niya. "Hindi ka ba tumitingin ha! Ang laki-laki ng mata mo, bakit hindi mo gamitin yan para makita mo ang mga tao sa paligid mo" Sigaw niya pa.

"Aba aba! Hoy Mr. I-don't-know-who-you-are, for your information, hindi malaki ang mata ko! Pasensya ka na ah! Kanina kasi walang tao. Akala ko anino yung dumaan sa sobrang itim mo!" Balik-sigaw ko sa kanya. Nagsukatan kami ng tingin at sa huli ay nauna siyang bumawi ng tingin. Lalakad na sana siya pero dali-dali ko siyang pinigilan nang maalala kong sira pala ang sasakyan ko.

"Uhmm, wait. Look! Im so sorry. Kalimutan na natin yung nangyari kanina. I badly need your help." Pagmamakaawa ko sa kanya ngunit bigla na lamang siyang umalis na parang walang narinig.

"Hey! I'm talking to you! I just fucking need your help so please.." Bigla siyang lumingon sa akin.

"Hindi ako marunong mag-ayos ng sasakyan, huwag ka sa akin humingi ng tulong." Simpleng sabi niya.

"What!?" Naibulalas ko.

"Malayo pa ang bayan dito pero dahil masama ang ugali mo, bahala ka na sa buhay mo!" Sabi niya sabay ngisi.


"Ikaw! You. Ughhhh.." Duro ko sa kanya. Sa sobrang inis ko ay napaupo na lang muli ako.

"Kung gusto mo ay sumabay ka na sa susunod na trak papuntang bayan mamayang alas kwatro ng madaling araw." Sabi niya nang mapansin niyang hindi na maipinta ang mukha ko.


"No, thanks!" Sabay irap ko pa.

"Sige, ikaw ang bahala! Wala ng dadaang tao diyan mamaya at isa pa, malapit ng magtakip-silim, baka abutan ka ng dilim dito sa daan." Dagdag niya pa.


"How did you know na wala ng taong dadaan dito, aber?" Pagtataray ko sa kanya.

"Dahil ako lang naman ang tanging dumadaan dito." Ani niya. Tumayo ako at kinuha ang iilang gamit sa sasakyan ko. Dere-deretso akong naglakad papunta sa direksyon niya.

"Saan ka pupunta?" Sabi niya nang makalagpas ako sa kanya.

"Saan pa ba? No choice. Makikitulog muna ako sayo." Deretsong sabi ko ng hindi lumilingon. Maya-maya pa ay naramdaman kong sumabay na din siya sa lakad ko.

"Bakit sa amin? Hindi nga kita kilala." Pamimilosopo niya.

"Ikaw ang nakakita sa akin dito sa daan kaya nararapat lang siguro na pansamantala akong magtiwala sayo" Sabi ko pa.

Sa ngayon ay hindi ko alam kung saan ako mapupunta pero magaan ang pakiramdam ko na magiging masaya ang pagbabakasyon ko. Sana maging masaya to!




-Vote and comment, thanks ;)

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon