"May dayuhan! May dayuhan!" Sigaw ng babaeng sumalubong sa amin. Hindi ko alam na sa bundok pa pala nakatira ang lalaking to kung kaya naman ay sobrang napagod ako sa paglalakad.
"Miss, hindi ako dayuhan.Okay?" Sabi ko sa babaeng kulot na kanina pa sigaw ng sigaw. Sa tantsa ko ay mga nasa 17-18 ang edad niya, morena, at maganda.
"Pasensya na po kayo, dayuhan po kasi ang tawag namin sa mga taong ngayon lang nakarating dito." Pagpapaliwanag niya.
"Whatever." Naibulalas ko na lang.
"Felicia, umuwi ka na sa inyo, baka hinahanap ko na ni Mamay mo." Sabat ng lalaking nasa tabi ko. Kanina ko pa siya kasama pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.
"Sige po kuya. Paalam ate." Sabi niya sabay wagayway ng kanyang kamay.
"So.. where is your house?" Sabi ko.
"Doon pa sa dulo nito." Itinuro niya ang isang masukal na lugar na mayroong nagtataasang mga puno.
"What!? Bakit ang layo ng bahay mo! Pagod na ko. Gusto ko na magpahinga" Daing ko sa kanya. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang pag-angat ng mga paa ko. Binuhat niya ako at ikinarga patalikod na hindi alintana ang bigat ko.
"Baka kasi ano..uhmm.. baka mapagod ka." Nauutal kong sabi. Nakaramdam ako ng hiya ng buhatin niya ako at nang magdikit ang katawan namin. Inferness, ang ganda ng katawan niya.
"Manahimik ka na lang. Ayoko ng maingay." Sagot niya.
Tahimik lang siyang naglalakad habang pasan-pasan ako. Maya-maya pa ay bumigat na ang talukap ng mga mata ko at ilang sandali pa ay nilamon na ko ng antok.
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata, gabi na pala. Nasa isang maliit na kamalig ako. Hinanap ng mata ko ang taong nagdala sa akin dito.
"Hmms, nasan na kaya yun!" Naibulong ko sa aking sarili. Tumayo ako at inayos ang kamang hinigaan ko. Naglakad ako palabas ng kamalig ngunit wala akong nadatnan sa labas nito.
"Tangina! Iniwan yata ako!" Bulyaw ko. Humaplos sa aking balat ang malamig na hanging dumaan. Kinilabutan ako dahil sa dilim at katahimikan ng paligid. Nakakabingi ang ihip ng hangin at pagaspas ng mga puno. Maya-maya pa ay may bigla na lang humawak sa balikat ko at sa sobrang lamig ng kamay nito ay napatili ako.
"WAHHHHHHH! Shit, you fucking moron! Who are you!?" Pagpupumiglas ko sa taong humawak sa akin.
"HAHAHAHAHAHA, kalma kalma." Humagalpak siya ng tawa. "Natatakot ka ba?" Tanong niya sa akin. "Akala ko pa naman wala kang kinakatakutan." Dagdag niya pa at sinundan iyon ng malakas na tawa.
"Ah..eh..di ako takot..kasi..ano eh. Akala ko ano.." Pilit kong pagpapalusot. "Di ka nakakatawa ah! Tumigil ka na! Pag hindi ka pa tumahimik, bibikwasan kita lokooo!" Banta ko pa.
"Eh k-asi y-ung mu-kha m-o" Putol-putol na sabi niya habang tumatawa.
"Ah talaga!" Sagot ko. Ilang sandali lang ay sinuntok ko siya sa tiyan.
"AHHHHH!" Sigaw niya. "Ano ba! Bakit mo yun ginawa!?" Dagdag niya pa.
"Ayaw mo kasi tumigil!" Balik-sagot ko. Binelatan ko siya at saka nagpasya akong pumasok sa loob. Ngunit bago pa ko tuluyang mapunta sa loob ay hinila niya kong muli.
"At bakit ka papasok? Pamamahay ko ito at wala kang karapatan." Nakatiim ang bagang niya. Siguro ay nagalit sa ginawa ko sa kanya kanina. Pero hindi ako nagpatalo at gumawa ako ng paraan para makapasok sa loob.
"Ahm, baby.." Tawag ko sa kanya. Kahit nakakainis ang lalaking ito ay kailangan kong gamitin ang charm ko para may matuluyan ako kahit ngayong gabi lang.
"You know naman na malamig sa labas." Dagdag ko pa. Pinaikot ko ang aking mga daliri sa kanyang damit hanggang sa umabot ito sa kanyang mukha. "Can I stay here, please?" Pang-aakit ko pa.
Hindi siya sumagot. Titig na titig siya sa mata ko. Hindi ako puwedeng mailang dahil baka masira ang diskarte ko.
"Ah baby, let's go inside." Kumapit ako sa braso niya at hinila siya papasok. Isasarado ko na sana ang pinto ngunit bigla niyang kinabig ang aking likuran at sa isang iglap lang ay nagdikit na ang labi namin. Natulala ako sa ginawa niya kung kaya't hindi ko siya kaagad naitulak. Nang magsimula siyang gumalaw ay inipon ko ang lakas ko para itulak siya ng malakas.
"ANO BA!? BASTOS!" Sigaw ko sa kanya nang makaalis na ko hawak niya. Hindi siya sumagot sa halip ay binigyan niya ko ng isang nakakalokong ngiti.
"Matulog ka na." Sabi niya sa akin ng hindi umaalis ang ngiti sa kanyang labi. Umalis na siya at dumeretso sa isang kwarto ng kanyang kamalig. Bago niya tuluyang isarado ang pinto ay dumungaw siya at sinabing "Huwag mong kakalimutan na alas-kwatro ang alis ng truck papuntang bayan." Sa kabilang banda ay naiwan akong tulala at pilit iniintindi kung ano ang nangyari. Pakiramdam ko ay napahiya ako sa ginawa ko dahil ako ang nag-umpisa nun kaya't kailangan ako ang tumapos pero hindi, siya ang tumapos ng laro ko kaya pakiramdam ko ay natalo ako. Natalo niya ko.
-Sorry sa matagal na pag-update. Basa lang po ng basa! Curious na po ba kayo kung sino yung lalaki. Hehehehe, wala pa po talaga kong naiisip na pangalan, any suggestion? Salamat sa oras niyo :) - wendyolala
BINABASA MO ANG
Just Once
RomanceIt is not all about who comes first but it is all about who's your last.