Chapter 13

6.4K 247 6
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 13....

....RATED SPG...

Dahil sa nalaman ni Shannon na buntis na si Aslea ay hindi na siya mapakali, nais na niyang umuwi para mayakap ang kanyang mahal ngunit mayroon pa siyang isang napakaimportanteng meeting na isasagawa kinabukasan bago umuwi.

"Sana bukas na ngayon para makauwi na ako sa mahal ko?" bulong ni Shannon na napatingin sa kanyang relo at alas singko y media palang ng hapon at maliwanag pa sa labas......."Thanks God dahil ibinigay Mo na ang matagal ko ng hinihiling Saiyo, this will be the best ever gift I had in my life, my babe and our baby. I'm so excited now to become a daddy, at hinding hindi na ako maiinggit sa mga kaibigan ko na may mga anak na dahil soon ay lalabas narin ang aming baby ni Aslea, magiging isang masayang pamilya na kami" wika nito sa sarili na halos napaluha pa sa sobrang kasiyahan.

Dahil hindi mapakali at maaga pa naman ay ipinasya ni Shannon na magtungo mall para makabili ng pasalubong niya kay Aslea. Patingin tingin siya sa mga nakadisplay na mga accessories at mga damit ngunit parang wala namang nagustuhan ang binata at ng hindi nagtagal ay biglang may naisip siya.

Tinalunton niya ang daan patungo sa may jewelry shop, tumitingin tingin doon at ng may namataan ang kanyang mga mata ay napangiti siya.

"This is it!" aniya sa sarili saka inilapit pa niya ang mukha sa may salamin para makita ng mabuti ang nagustuhan niyang singsing.

"Hello sir! Do you need help?" nakangiting tanong sa kanya ng saleslady na bahagyang lumapit ito.

"Yes please! I want this one" ani Shannon sa babae at ngumiti na tumango ito saka kinuha ang kahita na kinalalagyan ng singsing.

Ikinonvert ni Shannon ang halaga ng singsing sa Philippine peso at nagkakahalaga ito ng P2.5 million pesos.

"I'm sure your girlfriend will love it, sir!" anang babae pa kay Shannon na ngumiti lang naman ito.

Matapos bayaran ng cheque ni Shannon ang white gold diamond ring na napakalaki ng bato nito at sa gilid ay napapaligiran ng mu munting mga diamond ay masayang nilisan niya ang lugar at deretso na siyang umuwi sa hotel na kanyang tinutuluyan.

-------

KINABUKASAN......

Bago umalis ng hotel si Shannon para katagpuin ang mga ka meeting niya ay inihanda na niyang lahat ang kanyang mga gamit para pagbalik niya sa hotel ay agad nalang siyang aalis at hindi na siya maaabala pa.

Sandaling tinawagan muna niya si Aslea para kumustahin ang kanyang mahal ngunit nag ri ring lang ang cellphone nito kaya hindi na muli pang tinawagan ni Shannon ang dalaga dahil alas otso pa lang ng umaga at inisip niya na tulog pa ito at nagpapahinga, nag iwan nalang siya ng mensahe para sa dalaga.

.......Babe, good morning! See you soon and I miss you so much, I love you babe, and take care, ingat kayo ni baby. Mahal na mahal ko kayo....😘😘Shannon............

Nang hindi nagtagal ay umalis na siya ng hotel dahil alas onse ng umaga ang meeting niya sa kanyang mga kliyente at kailangan pa niyang mag biyahe ng mahigit isang oras papunta sa meeting place nila.

Nasa kalagitnaan na ng meeting session si Shannon ngunit ang isip nito ay naka'y Aslea. Hindi niya mawaglit waglit ang dalaga at inaalala niya kung kumusta na kaya ang kanyang mahal, kung okay lang ba ang pakiramdam nito o nahihirapan sa knayang kalagayan.

Alas dos y media natapos ang kanyang meeting na kasama ang mga kliyente nila kaya ng makarating siya ng kanyang hotel ay alas kwatro na ng hapon kaya agad na siyang naligo pa at hindi na siya kumain dahil sa eroplano nalang siya kakain para sa kanyang hapunan dahil bago naman mag umpisa ang meeting kanina ay nakapag almusal naman siya at dahil sa kakaisip kay Aslea sa kalagayan nito ay parang hindi niya ramdam ang gutom dahil sa excitement na kanyang nararamdaman.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon