Pre- Finale

10.2K 332 63
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Pre-FINALE

A/N... Dahil sa kahilingan ng mga mahal kong adixians, instead of finale ay isang chapter muna bago ang pagtatapos ng kwento ni Shannon at Aslea. Hope you all enjoy reading and thanks as well for your support that gives me inspiration to write.....enjoy reading....😍😍😘😘😘😘

    ***Bigla nalang nagising ang mga kambal ni Aslea at Shannon kaya naman ipinasya ni mo my Pretty na dalhin sa may hardin ang mga ito dahil makulimlikm naman ang araw at saka hindi na nasisinagan ng sikat ng araw ang bahaging iyon ng hardin.

Habang hinihintay nila ang pagdating ni Aslea dahil nag text narin na pauwi na daw siya at nasa may daan na. Maya mya nga ay biglang bumukas ang automatic gate at napangiti ang ginang ng pumasok ang kotse ni Aslea sa may gate.

"Mga apo, naririto na ang mommy ninyo!.." masayang sabi pa ni Mommy Pretty sa kambal niyang apo na nasa tig isang pram. Ngunit nagtaka si mommy Pretty dahil sa may kabilang pinto lumabas si Aslea at hindi sa driver side at kaytamis ng ngiti ng kanyang anak na ngayon lang naman niya nakitang ganoon ito ka blooming (nadiligan kasi ng 3 times😜).

Samantalang si Shannon ay parang hindi alam ang gagawin ng sandaling iyon. Panay ang balong ng luha nito. Ngunit maya maya pa ay lumabas narin siya sa kotse na hilam ang mga mata nito ng luha.

Gulat na gulat si mommy Pretty ng makita si Shannon ngunit hindi alintana ng binata ang reaksiyon ng ginang dahil natauon ang paningin nito sa kambal na noon ay kakawag kawag ang mga maliliit nilang kamay at paa sa may pram na nilalaro ang nakabitin na laruan sa kanilang pram.

Napahagulgol si Shannon ng tuluyang makalapit kina baby Shantelle at baby Shane. Hindi malaman ni Shannon kung sino ang unang yayakapin sa kanyang mga anak. Halos hindi siya makahinga sa sobrang paninikip ng kanyang dibdib hanggang sa napaluhod nalang siya sa paanan ng kambal. 

"Ang mga anak ko!" yugyog ang balikat ni Shannon habang nakaluhod ito sa harapan ni Baby Shantelle at Baby Shane. Hawak hawak niya ang tig isang kamay ng mga kambal at salitan niyang hinahagkan iyon ng paulit ulit, at ang mga kambal naman ay nakatingin lang sa kanya na para bang may isip na nagtatanong ang mga mata nila......" I'm so sorry kung ngayon lang dumating si daddy. Sorry kung wala ako ng time na kailangan ninyo ang aking suporta. I didn't mean to did this, I was in trouble that time. I didn't  know what was happening to me ng mga oras na iyon. I was blank and I can't remember who I am. But, believe me my twins. I know that in my heart, I'm longing for you. My heart that time  is seeking some feeling that familiar to me. I love you both, I love you all. Mahal na mahal ko kayo, kahit na hindi ko pa alam na kambal pala ang anak ko. I'm so happy that I had a twin babies. Daddy, miss so you so much baby Shantelle and baby Shane" madamdaming pahayag ni Shannon saka nito niyakap ang kambal at pinupog ng halik ang mga pisngi ng mga ito.

Biglang umiyak si Baby Shantelle kaya agad niya itong kinarga na para bang sabik na sabik. Niyakap niya ng napakahigpit, ipinaramdam niya sa kanyang anak ang init ng kanyang pagmamahal bilang isang ama. Maya maya pa ay nagkakawag na ang mga kamay ni Baby Shane at iniaabot nito kay Shannon ang kanyang kamay kaya naman kinarga ni Shannon na nakaalalay naman si Aslea. Niyakap ni Shannon ng mahigpit ang kanyang mga anak at muli na namang bumuhos ang masagana nitong luha.

Maging si Aslea ay umiiyak rin ng oras na iyon habang pinapakinggan nito ang mga sinabi ni Shannon. Alam niyang napakahirap ng kanyang pinagdaanan sa pangungulila sa kanyang mahal ngunit mas higit pa pala ang dinanas ni Shannon (dahil kay writer....charrot😜). Maya maya pa ay niyakap niya ang kanyang mag a ama at napahagulgol naman siya.

"I'm so happy now, babe. Masaya na ako dahil naririto kana sa piling namin, makakasam kana namin lagi ng mga anak natin" emosyonal na wika ni Aslea.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon