Chapter 27

7.1K 307 58
                                    

Hunks Series 5
SHANNON
The Boastful Hunk
by...emzalbino
Chapter 27....

Pagkatapos makausap ni Aslea ang kanyang kliyente over phone ay nagmamadali na siyang lumabas ng kanyang Spa Saloon dahil gaya ng dati ay pupunta na naman siya ng pad ni Shannon upang linisin ito at pagkatapos nun ay uuwi siya ng bahay para makapaghanda dahil sa pag se celebrate ng kanyang pamilya para sa three months old ng kanyang kambal.

Kahapon ay ang kanyang sariling bahay ang kanyang nilinisan kaya ngayong araw ay sa pad naman ni Shannon. Pagkalabas niya ng Spa ay nagmamadali siyang sumakay ng kanyang kotse dahil dalawang oras lang ang dapat niyang ilagi doon at kailangan na niyang makauwi agad dahil 6:00 pm ang dinner nila ng kanyang pamilya at sa may KRAB sila mag se celebrate.

Habang binabagtas niya ang kalsada ay parang nakaramdam si Aslea ng kakaiba. Para bang kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. Dahil sa kabang biglang kumabog sa kanyang dibdib ay bigla siyang nag alala para sa kanyang kambal. Agad niyang tinawagan ang kanyang mommy Pretty para kamustahin ang mga ito.

"O bakit napatawag ka anak?" agad namang tanong ni Mommy Pretty kay Aslea.

"Gusto ko lang po sanang kamustahin ang mga anak ko kung okay lang po sila" sagot ni Aslea sa kanyang ina.

"Okay namna sila ah! Katunayan eh katutulog lang nila kaya heto nakapagpahinga na kami ng daddy mo" wika ng ginang na ikinahinga ng maluwag ni Aslea.

"Ah ganun po ba mommy, thanks po" sagot niya kay mommy Pretty......."Sige po, magpahinga na kayo para mamayang paglabas natin" sabi pa ni Aslea saka nito pinatay na ang kanyang cellphone.

Ngunit parang hindi parin humuhupa ang pagkabog ng kanyang dibdib at pakiramdam niya ay mas nagiging eratiko ang pintig ng kanyang puso. Dahil sa hindi mapalagay ay biglang naisip ni Aslea si Shannon.

"Mayroon kayang nangyaring masama sa kanya kaya ganito nalang ang nararamdaman kong kaba?" may pag a alalang tanong ni Aslea sa sarili na napabuntong hininga........"Diyos ko, kung totoo man ang kutob ko ay sana iligtas Ninyo si Shannon. Kung nasaan man ang mahal ko ay sana liwanagin Niyo na ang kanyang isipan at pabalikin na sa piling naming mag i ina niya" samo ni Aslea na napaluha pa dahil sa pagnanais na makita at makapiling ang lalaking mahal.

Magkagayunpaman, pilit paring iwinaksi ni Aslea ang nararamdamang kakaiba sa sarili at ipinukos nito ang atensiyon sa pagmamaneho na hindi alintana ang taxi na kanina pa nakasunod sa kanya.

......

Nagtataka naman si Shannon dahil habang sinusundan nila ang kotse ng babaeng nasa larawan ay...

"Parang pamilyar sa akin ang daang tinutugma ng kotse ng babaeng iyon?" tanong ni Shannon sa sarili at ng ilang sandali pa ay tumigil sa isang matayog na gusali ang dalaga at dumaan sa may guardiya at may ibinigay saka muling tumuloy ang kotse nito sa carpark ng condominium.

"Boss, hanggang dito nalang po tayo at hindi na po ako makapasok sa may carpark. Unless may ID kayo ng building na ito o kaya ay may pahintulot ng may ari o kaya ay kakilala" wika ng driver kay Shannon.

"Okay manong, salamat" sagot ni Shannon saka nito binayaran  ang driver at bumaba na sa taxi.

Bantulot siyang lumapit sa guardiya para makapagtanong. Alam niyang hindi siya papasukin nito dahil isa siyang stranger ngunit nais talaga niyang makausap ang babae para malaman kung mayroon ba itong alam sa kanyang nakaraan.

"Excuse me po manong!" untag ni Shannon sa guardiya na noon ay abala sa ginagawa nito kaya hindi napansin ang kanyang paglapit.

Ngunit nagtataka naman si Shannon dahil ng humarap sa kanya ang lalaki ay nanlaki ang mga mata nito na para bang nabigla.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon