IHTBAGJSYK: #01.2 I'm a girl

66 4 0
                                    

Continuation of I'm a girl #01

“kailan ka ba magbabago Lucy?” tanong ni Epi.

Kailan nga ba? Masaya na ako sa ganito. Ang gusto ko lang naman e yumaman. Yumaman. Yumaman at yumaman.

“kailan ka ba titigil magtanong niyan?” tanong ko naman.

“sira. ‘di nga??”

“siguro kapag mayaman na mayaman na ako.” Sabi ko sa kanya.

“ewan ko nga sa’yo Lou. Sige ka sa mga pinaggagagawa mo sa buhay mo makakarma ka niyan. Hahahah. Joke lang.” Sabi niya.

Ako? Kakarmahin? Hindi rin. Sawa na ang tadhana sa akin.

“makakahanap ka rin ng katapat mo.” Duksong niya.

Katapat ka d’yan.

“wala ng seseryoso sa akin Epi. Tanga na lang ang tatanggap sa akin ng buo.” Sabi ko sa kanya.

“hoy parang seryoso ‘yang usapan niyo wah.” Sabat ng kambal niya.

“gaga hindi wah.” Sabi ko kay Esy.

“lou samahan mo naman ako sa may tindahan may bibilhin lang ako. Ikaw Epi paki bantayan ‘yung bahay.” Sabi niya sabay hatak sa akin para hindi na ako makapalag.

Nandito kami ngayon sa may tindahan.

“sexy! Tagay muna!” sigaw ng tambay na mukhang unggoy.

“mga kuya ano bang iniinom niyo ha?” tanong ko tapos lumapit ako.

“hard..” sabi niya.

Kinuha ko ‘yung isang baso at ininom ‘yung laman no’n. Tapos nilagyan ko ulit at ininom. Medyo nangalahati ‘yung bote. Ako pa naman ang buena manong uminom. Kawawa naman sila ubos na ‘yung matador nila. Si Esy naman napangiti lang sa ginawa ko.

“sexy easy lang langya inubos mo na e. Sabi ko tagay lang.” Awat sa akin no’ng lalaking mukhang unggoy.

“’kaw kasi niyaya mo pa ako e. Sige enjoy kayo wah.” Tapos hinila ko na si Esy.

“grabe ka inubos mo ‘yung drinks nila.” Sabi sa akin ni Esy.

“pok-pok kasi kaya sanay sa ganyan.” Sabi no’ng isa sa mga maarteng babae na nakaupo sa may tindahan.

Napatigil ako sa paglalakad.

“lalo na ‘yung babaeng nakapula na tank top at hammer shorts.” Sabi no’ng isa.

“’wag mo na patulan.” Sabi ni Esy.

Alam kong ako sinasabihan ng mga ‘yun ako lang ang dumaan na naka red tank top na nakashort.

Bumalik ako sa may tinadahan at tumigil sa harapan nila.

“tabi,” utos ko.

“inuutusan mo ako?” sabi no’ng isang bakulaw.

“hindi ka tatabi?”

“hindi.”

Ahhh... hindi katatabi??

Ipinulupot ko ‘yung kamay ko sa buhok niya at hinila siya para umalis siya sa dinaraan ko tapos hinila ‘yung buhok niya papunta sa tindahan.

“mami pabili nga pong malaking chippy.” Sabi ko kay mami. Kaibigan ko ‘yang tinderang ‘yan kaya napapangiti na lang siya sa ginawa ko.

“’kaw talaga Luz nagmamaldita ka naman.” Sabi ni mami.

“mami binabadtrip kasi ako nito e.” Sabi ko sa kanya.

Close kami niyan ni mami. Alam niya halos lahat sa katauhan ko kaya wala na lang sa kanya ang mga ganitong pangyayari. Ayoko kasi talaga ng mahaderang nangingialam sa buhay ko.

“HOY MALANDING BABAE BITAWAN MO NA ‘YUNG BUHOK KO!!! B1TCH!” sigaw ng loka. Mukha niya! Asa pang bitawan ko ‘yung malagkit niyang buhok. Eeeeww.. ewww...

On second thougth p’wede rin....

Binitawan ko ‘yung buhok niya pero syempre with full force na bato noh.

“LOOK WHAT YOU DID TO MY HAIR SLUT!” sigaw niya ulit. At aba nag-e-english na rin siya ngayon. Lumelevel-up ang g@g@.

Hinablot ko ‘yung collar ng t-shirt niya....

“DON’T.YOU.EVER.CALL.ME.NAMES.LIKE.THAT.OR.ELSE...” kala mo ikaw lang marunong?! Aba papakabog ba ang lola niyo? Syempre hindi!

“or e-else w-what?”

“you see this?” hinarap ko sa mukha niya ‘yung bagong manicure kong kuko.

Halata sa mga mata niya ang takot. Hahaha. Hindi mo ako kaya. Mali ka ng kinalaban.

“ibabaon ko ‘toh sa pisngi mo hanggang sa dumugo...understand?!”

Takot na takot na talaga siya. Hahaha. Nakakatuwa siyang tignan.

“o-oo.” Nauutal pa niyang sagot.

Binitawan ko na siya at hinila si Esy para bumalik sa apartment.

“girl kahit kailan talaga ang sama mo.” Sabi niya sa akin.

Binigyan ko lang siya ng isang nakakalokong ngiti at sinabing...

“i know right.”

Ewan ko ba pero parang nasanay na ako sa ganitong buhay. Sanay na akong tinatawag na pok-pok. Pero ‘yung kanina, wala lang ‘yun. Gusto ko lang talagang i-trip. Hahaha. Tagal na rin kasi ng huling beses ako nanabunot ng gano’n. Nakaktawa talaga ‘yung itsura niya kanina no’ng sinabi kong ibbaon ko ‘yung kuko ko sa pisngi niya.

“ang tagal niyo naman!”

Sabi ni Epi na naka-upo sa may gater ng aparment na tinitirahan ko.nainip na siguro ang loko.

“naayos mo na ba Epz?” tanong ko sa kanya.

“oo naman. Langya tagal niyo kaya inilagay ko muna sa ref ‘yung yelo matutunaw e.” Sagot niya.

“ano magchi-chikahan na lang tayo dito?” sabat ni Esy tapos pumasok na siya sa loob.

Inuman sa madaling araw.

Dito nag-uumpisa at nagtatapos ang araw ko.

Ang uminom.

<End of I'm a girl #01>

######

Note ni Mawi:

SERYOSO AKO GUYS!!! kailangan ko ng feedback kasi nabababliw na ako. please save me.

It's hard to be a girl, just so you know by mawi cataran (SUPER-DUPER-SLOW UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon