natagalan bago ako nakapagsulat pero kahit na gano'n sana magustuhan niyo 'to.
-Mawi
#####
Continuation of IHTBAGJSYK: #02 Finding another job
"aga-aga po-pok-pok na agad."
Narinig kong sinabi no'ng isang babae sa may tindahan. Aba hindi niya ako kilala kaya 'wag siyang e-epal.
"May problema?!" sabi ko sa kanya.
Aba't inirapan lang ako.
"i-ayos mo ha. Kung bubulong ka ng hindi maganda tungkol sa akin siguraduhin mong hindi ko maririnig. Baka gusto mong ipagkalandakan ko dito 'yung sikreto mo. Mag-ingat ka hindi mo ako kilala."
Tapos inirapan ko siya at umalis na ako. Nasasayang ang energy ko sa kanya.
Na'ng makarating ako sa kanto e pinara ko agad 'yung unang jeep na dumaan. Bahala na kung sa ako dalhin nitong jeep na 'to.
Do'n ako sa may dulo umupo kasi mas gusto ko 'yung nakikita kong lumalagpas ang bawat gusali na nadadaan ng jeep na sinasakyan ko.
"Ma, bayad po. d'yan lang po sa bayan." sabi ko.
Habang nasa byahe naalala ko na naman si papa. Ang mga nangyari dati. Kay mama. Buhay ko no'ng nagdisisyon akong dalhin si papa sa bago niyang tahanan. Sobrang sakit sa akin ang mga panahon na 'yon. Kung pa'no ko nakita si papa sa nagwawala.
Ang buhay ko mag-isa. Naging palaboy sa kalsada, magbabasura, naging tindera ng sampaguita, at naging helper sa isang kantin sa bayan. Inalipusta at nagutom. Si Esy, siya ang tumulong sa akin simula ng marinig niya akong kumanta sa may playground. Dinala niya ako sa bahay nila para bihisan at pakainin, kaya naman utang ko sa kanya ang buhay ko. Binigyan niya ako ng trabaho sa bar at pinautang ng pera para may ipang-upa sa isang maliit na apartment.
May kaya sa buhay 'yang kambal na 'yan kaya hindi ko alam kay Esy kung bakit ginusto pa niya ang mag-trabaho sa gano'ng lugar. Hindi siya nababagay sa gano'ng trabaho.
"Ma, para d'yan sa tabi." sabi ko.
Agad namang itinabi ni manong 'yung jeep at itinigil. Pagkababa ko ng jeep e hinayaan ko lang ang mga paa ko para maglakad, lakad. Ewan ko ba pero bangag pa ako, siguro hangover 'to.
"ate, ate..."
Nagulat ako no'ng may biglang lumapit sa aking bata na may hawak na sampaguita.
"ate sampaguita po."
"nasaan na ang mga magulang mo?" tanong ko sa kanya.
"wala na po sila ate, namatay po no'ng isang linggo dahil sa sunog. Ako at ang kapatid ko na lang po ang mag-kasama. Ando'n po siya o." sabi niya tapos itinuro niya 'yung isang batang lalaki sa hindi kalayuan. Mas bata ito kaysa sa babaeng ito.
"magkano ba lahat 'yang hawak mong sampaguita?" tanong ko sa kanya habang kinukuha 'yung wallet ko sa bag ko.
"70 pesos po. Nabili na po 'yung iba e." sabi niya.
"oh ito. Kukunin ko na lahat 'yan." pagkasabi ko no'n e biglang lumapad ang ngiti niya na parang naiiyak na.
Ibinalot niya ang mga sampaguita at iniabot sa akin.
"ate eto po 'yung sukli."
"'wag na balato ko na sa inyo ng kapatid mo. Bumili ka ng pagkain niyo... tapos, oh eto... ibenta mo pa 'yan para may extra kayong pera, 'wag mo na lang sasabihin 'to sa pinagkukuhanan mo ng sampaguita baka baratin ka no'n."
Tapos ibinigay ko sa kanya 'yung kalahati ng sampaguita na binili ko sa kanya.
"salamat po talaga ate! SAMSON!!! Halika dito mag-thank you ka kay ate!"
BINABASA MO ANG
It's hard to be a girl, just so you know by mawi cataran (SUPER-DUPER-SLOW UD)
Teen Fictiongirl's side about life.