IHTBAGJSYK: #02.1 Finding Another Job

60 3 0
                                    

“Lou...”

Huh?

“Lucy...”

Ramdam ko pa rin ‘yung pagyugyog niya sa katawan ko habang binabanggit niya ang pangalan ko. Bakit ba niya ako tinatawag? Ang sarap pa nagpagkakahilata ko dito e.

“Lou ano ba?!”

Bakit? Anong ginawa ko? Pinilit kong namang ibuka pero wala, ayaw talaga bumuka e.

“Lucy...”

Sabi niya habang hawak ‘yung pulsuhan ko.

“Epi, ano ba ‘yun?” malamya kong tanong sa kanya.

“Bangon ka na prinsesa. Ang hina mo naman e.” Sabi niya.

“Hindi ako mahina. Napagod lang ako.” Sagot ko habang nakapikit.

“Pagod ka d’yan e wala ka namang ginawa. Ako kaya lahat ang gumawa no’n.”

Si Epi talaga ang kulit.

“nasiyahan ka naman kagabi ‘di ba?” sabi ngiti ko.

“Oo, kaso ako naman ang nahirapan. Luz bumangon ka na kasi.” Sabi niya.

Minulat ko ‘yung mga mata ko at bumangon. Para akong zombie na naglalakad papuntang kubeta.

“Luz! Gutom na ako. Luto ka na.” Sigaw ni Epi.

“At ikaw?! Anong gagawin mo?!”

“Lucy naman napagod ako kagabi!”

Ako pa ang may kasalanan no’n?! Ako rin naman napagod kagabi! Kung hindi niya pinagtripan si Esy e ‘di sana hindi siya pagod ngayon.

“e sira ka pala e! Ikaw ‘tong pinagtripan si Esy e! Kung hindi mo dinare na uminom ng isang baso ng tequilla ‘yun e ‘di sana hindi ‘yun nagwala at hindi sana ‘yun nagkalat sa bahay ko!”

Pa’no ba naman kasi kagabi ang lakas ng loob pagtripan ‘yung kakambal niya ‘yan tuloy todo suka ang lokaret sa sala ko!

“Hoy! Nilinis mo ba ‘yung pinagkalatan ng kapatid mo?! Pag ‘yon e amoy suka pa e ingungudngod talaga kita do’n!”

“nilinis ko na ‘yun Luz don’t worry. Alam mo naman hindi ako papalag sa’yo.” Sagot niya.

Aba dapat lang na sumunod siya noh.

Naligo na ako tapos pagkabihis ko e nagluto na ako ng agahan este tangahalian ko. Wala na dito si Epi. Pinalayas ko na! Hindi ko kailangan ng palamunin! Wala na nga akong stable na trabaho magdadagdag pa ako ng pala. Ang problema ko ngayon e pa’no ako hahanap ng bagong raket? Wala kasi akong raket sa umaga. Puro pang madaling araw lang tapos ang liit pa ng kita. Ang hirap talaga kumita ng pera. ‘yung raket ko tuwing gabi e pangtawid gutom lang. Matakin mo, ang liit na nga ng kita pagod ka pa tapos aabusuhin ka pa ng mga manyak na customer. Ikaw na nga ‘tong nagbibigay ng aliw tapos sasabihan ka pa ng “more Lucy! More!” mga puset sila! Hindi naman sila nagbibigay ng tip tapos sasabihan mo ako ng more, mukha mo!

*BLAG! BLAG! BLAG!*

“HOY LUCY MAGBAYAD KA NA NG RENTA MO!"

PUSET NAMAN ALING ROSIE! 'WAG NAMAN NGAYON!

Nalintikan na naman ako ng matandang 'to! Langya talaga! Hindi ko pa nakukuha 'yung sweldo ko sa bar tapos ganito pa! ano ba naman 'yan! Mangbulabog ka na sa taong walang tulog 'wag lang sa taong may hang-over!

"LUCY LUMABAS KA D'YAN!" sigaw ni Aling Rosie.

PUNYEMAS KANG MATANDANG NUKNUKAN NG DALDAL ANG LIGALIG MO!

Kinuha ko 'yung wallet ko sa kwarto ko tapos lumabas para harapin 'yung chismosang si Aling Rosie na gumagawa pa ng eksena sa labas ng bahay ko.

Bwisit talaga!

"Aling Rosie ano na namang pinuputak mo d'yan?!" sabi ko sa kanya na parang iritang-irita 'yung tono.

"magbayad ka na ng utang mo." sabi niya sa akin habang nakapamaewan.

Kakabayad ko lang naniningil na naman.

"kakabayad ko lang sa inyo no'ng nakaraang buwan 'di ba?! Hindi pa ako due Aling Rosie!" totoo naman e nagbayad kaya ako ng advance sa kanya.

"hoy maldita ka. Magbayad ka na o umalis ka na lang dito sa apartment ko." sabi niya.

"wala pa ho akong sweldo ngayon."

Medyo dumadami na 'yung tao sa paligid namin. Mga chismosa nga naman oh.

"imposibleng wala kang pera Lucy. Ano? Wala na bang nakuha sa'yo? Sa bagay sawa na ata sila sa'yo. Laspag ka na kasi." sabi niya.

Aba, aba, aba! Below the fvcking belt na ata 'tong matandang 'to.

"ako? Seryoso? Sa katawan kong 'to? Laspag? Weh? Aling Rosie naman! Ikumpara mo naman sa akin 'yung anak mo. E mas mukha pa ngang laspag 'yang anak niyo e." sabi ko habang nakatingin do'n sa anak niyang babae na Linda.

Magkasing edad lang kami niyan ni Linda pero kapag tinignan mo e parang sampung taon ang tanda  sa akin.

"HOY! Pok-pok ka! Ang kapal naman ng mukha mo para sabihan ako ng ganyan!" sabi ni Linda.

"HOY ka din Linda! Ako? Pok-pok? Hahahaha… nagpapatawa ka ba? 'wag mo nga akong itulad sa'yo. Opps! Sorry hindi nga pala alam ng nanay mo na rumarampa katuwing madaling araw. Opps! Nasabi ko ulit. Sorry! Nga pala Aling Rosie, 500 muna 'yung mababayad ko. Si Linda kasi inagawan ako ng customer kagabi e." sabay abot no'ng limang daan tapos pumasok na ulit ako sa loob ng bahay ko.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko e narinig ko ng nagbunganga si Aling Rosie dahil sa nalaman niya tungkol sa anak niya. Tapos rinig na rin ang mga bulung-bulungan ng mga kapitbahay dahil sa nasaksihan nilang eksena. Hay naku Aling Rosie kung hindi mo ako binadtrip e 'di sana maganda pa ang reputasyon ng anak mong pok-pok.

Pumasok na ako sa loob ng bahay ko. Oo bahay ko ang tawag ko dito. Ang laki na kaya ng binabayad ko dito kaya parang akin na rin 'to. Simula no'ng 16 years old ako e ako na lang ang kumikilos para sa sarili ko. 'di ba nasabi ko na 'yun?

Sa'n kaya makapunta ngayon?

Ayoko naman pumunta kay papa kasi wala nga akong datung ngayon. 'di ba nga ibinigay ko kay Aling Rosie. Bwisit talaga!

Nakita ko na lang ang sarili ko na nagbibihis sa loob ng kwarto ko. Simpleng skinny jeans na dark blue tapos pinartneran ko na lang ng puting tank top. Nag-flat shoes lang ako kasi nararamdaman kong maglalakad lang ako.

Paglabas ko ng bahay ko e pinagtitinginan ako ng mga bisugong mga tambay at chismosa. Siguro gawa no'ng eksena na nangyari kanina.

"aga-aga po-pok-pok na agad."

It's hard to be a girl, just so you know by mawi cataran (SUPER-DUPER-SLOW UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon