Ellaine's POV :
Nakikita ko yung sarili kong lumilipad, nakapikit... nasa isang paraiso...
alam kong nakapunta na ako dito dati ...
sobrang maliwanag at maulap din....
nararamdaman ko yung paghampas ng hangin sa balat at pakpak ko...
PAKPAK?..!!!
pakpak?
pakpak?..
.
.
.
.
.
.
ay! oo nga pala... anghel nga pala ako...!!! isang guardian angel...
.
.
na nagkatawang tao... dahil may misyon pa ako dito sa lupa....
eh hindi lang naman ako eh.. may iba pa bukod sa akin na nandito sa lupa, at ako ang pinakabata... pero ok lang kasi may guide naman ako eh! si Angelus Montessa..
"Angelic Saphira!"
[ ANGELUS= mas nakakatandang angel; ANGELIC= mas bata]
napatingin ako sa ibaba.... tapos nakita ko siya, kinakawayan niya ako kaya kinawayan ko rin siya.. habang pababa...napapangiti ako habang papalapit ako sa kanya...
maganda talaga si Angelus Montessa at mabait pa!... ang gaan din ng loob ko sa kanya...
kasi, sa lahat ng anghel , siya yung pinakamalapit sa akin...
mahigit isang libong taon na siya pero dalaga pa rin siya kung titignan... mabagal kasi kaming mga anghel na tumanda...
nilapitan ko siya...
"Saphira, nahanap mo na ba ang taong proprotektahan mo?"
"ahhmmm... ako po?.......ehh.. hindi pa po eh......." . Nakakahiya talaga sa kanya, 15 years na ako sa lupa pero di ko pa rin mahanap yung taong proprotektahan ko...sino ba talaga yun?
"Ganun ba?...Saphira, pinapaalala ko sa iyo ang misyon natin dito sa lupa, -- protektahan ang mga tao at pigilan ang kasamaan. Alam mo naman kung ano na ang nangyayari ngayon sa lupa di ba?
"Opo.. alam ko po iyon... pasensya na po"
"ayos lang iyon, basta huwag na huwag mong kakalimutan ang ating Panginoong Diyos"
"Opo... kahit kailan po hindi ko po makakalimutan si God , mahal na mahal ko po kaya si God!!!"
"Tama..." nginitian niya ako....
tapos biglang.....
.
.
.
.
.
THUD!!!!