Bakit kaya tayo nagbreak?

14 1 0
                                    


---

Quote:

There comes a time when walking away is the best for everyone.

---

Bakit kaya tayo nagbreak?

° Siguro, wala tayong pagkakaunawaan.

Yung gusto ko hindi mo gusto. At yung gusto mo, minsan hindi ko naman gusto. Kaya minsan nagkakasagutan tayo at madalas humahantong pa sa away. Away na hindi agad natin nasusulusyunan. Kaya yung dapat na masaya tayo nagiging komplikado.

° Siguro, hindi pala tayo ang para sa isa't isa.

Baka hindi ako para sa'yo, at hindi rin ikaw ang para sa akin. Baka nakatadhana lang tayong magtagpo, pero hindi tayo nakatadhana para mag-ibigan. O baka naman hanggang magkaibigan lang talaga tayo.

° Siguro, hindi sapat yung pagmamahal natin para sa isa't isa.

Kulang. Siguro 'yun nga. Baka sa sobrang busy natin sa kanya-kanyang buhay nakakalimutan na natin maglaan ng oras para sa isa't isa. Kulang 'yung naipaparamdam natin na pagmamahal. Hindi sapat.

° Siguro, kailangan natin ng space.

Baka nga pagod ka na at pagod na din ako. Baka kailangan na nating humiwalay sa isa't isa at huminga naman sa sari-sarili nating mundo. Siguro hindi pa ito yung tamang panahon.

° Siguro, hindi pa tayo handa na pumasok sa isang relasyon.

Siguro masyado tayong nagmamadali, hindi natin nakikita yung pwede pang mangyari sa susunod na araw hanggang sa isa pa. Kaya ang kinakalabasan nasasaktan tayo at kung patuloy pa din natin itutuloy ang ating relasyon na walang kasiguraduhan mas lalo tayong masasaktan.



</3 Ngayon ko lang nalaman.

Bakit kaya tayo nagbreak?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon