J U S T I N .
Eah. Eah. Eah.
Ugh! Damn it. Bakit ganito. Hindi ako ganito. Hindi siya yung tipo ko. Gusto ko yung tahimik, misteryoso, at babae kumilos. Hindi katulad niyang maingay, mababaw at parang bata. Ang daling mapaikot.
Pero wala akong magagawa. Wala siyang magagawa. Walang magagawa ang buong mundo dito. Kahit ako e.
Ni minsan sa buhay ko hindi ko ginustong makasakit ng tao. Well, minsan pala, oo.
Pero ni minsan sa buhay ko, hindi ko ginustong makasakit ng taong mahal ko at pinahahalagahan ko. Ni minsan sa buhay ko, hindi ko ginustong masaktan si Eah..
--------------
Prologue
C R A I G .
“Ah! Sht!” Sabi ni Justin, pinsan ko. Shit para sa kanya, good for me.
Shinoot ko yung bola galing sa three point area. 18-17, ako laban kay Justin.
“Kuyaaaaa.. Uwi na.. 7 na e...” Iyak nung kapatid ko. Yes! Usapan kasi namin, 7 eksakto tapos na game, pag umiyak na yung kapatid niya at nagyaya nang umuwi.
Nagyaya kasi siya ng one – on – one kanina, ganyan naman yanpag may kailangan, gusto laging pinaghihirapan. May kung sinong nagsabi sa mga magulan gniya na nakagalaw na raw siya ng isang babae. Bilang nanggaling kami sa conservative na pamilya, ayaw nila ng magpapakasal ang kahit sino ng hindi puro. You know what I mean.
Kaya sinabi nya, pag nanalo siya, idedefend ko siya. Inasar ko kasi siyang hindi ko rin sigurado kung nakagalaw na nga ba siya at nakaANO na o hindi. Pero alam ko naman talagang hindi pa. Pinagtitripan ko lang siya. Nagpadala naman.
Pag siya nanalo, idedefend ko siya at papatunayan ko. Pag ako, may gagawin siyang favor para sakin.
“Pano ba yan,” sabi ko kay Justin. Napansin kong parang nainis naman siya. Di ko na yun kasalanan.
“Oo na, alam ko naman e,” Tanggap na siguro niyang magagalit sa kanya mga magulang niya? At magagalit siya sa sarili niya? Ang alam ko kasi.. may bahid naman ng pagkamatino yang lalaking yan.
“The bet,” Pinaalala ko sa kanya. May gagawinsiyang favor. Habang naglalaro kami, naisip ko na kung anong ipapagawa ko.
Diba sabi nila, ang babae daw, mas mahina, mas madaling makuha? May gusto kasi akong babae.. Na hindi man lang ako kilala. Siguro kilala niya ako dahil varsity ako pero hindi kami magkaibigan. Gusto ko syang makuha, gusto ko siyang makakaclose. Sobrang gustong gusto ko sya. Pero wala nga akong pag asa.
Ngayon meron na. Si Justin.
“Oo na, anong gusto mong ipagawa?” Tanong niya ng naiinis. Lagi namang ganyan yun e. Sino ba namang matutuwa ng natalo diba?
“Kilala mo si Thea De Leon?” Yun yung pangalan niya, yung sinasabi ko sa inyong babae.
“Hindi. Bakit?”
“Kilalanin mo.”
“Bakit nga?”
“Make her fall, after one month, break her heart. Tapos ako nang bahala.” Ibig sabihin ko ng ako ng bahala, ako nang sasalo sa kanya. Ganon yun diba? Kung sinong nagcomfort sa kanila, kung sino yung nandon para sa kanila nung down sila, dun sila talaga naiinlove. At yung pagmamahal nya ang nasa top ng list ko ng gusto ko.
“Bat naman ganon, Craig?”
“Don’t fool me. Parang hindi mo na yun ginawa.” Knowing Justin, siya yung lalaking maghahagilap lang ng babae sa tabi, hahalikan at paiibigin, tapos iiwanan.
BINABASA MO ANG
Eah and the Cassanova
Teen FictionJustin. Gwapo, mayaman, malakas ang appeal. Siguro bored siya, or trip lang talaga niya, kaya ako ang ginugulo niya. Sasabihin niya ganito ako, sasaktan niya ko, tapos bigla na lang siyang sasabihing mahal niya ako. Ganun siya. Ganun siya nakakainis...