Chapter 3.

96 3 1
                                        

Di ako makapagdecide sa title, gosh. Haha

Anyway, :)

------

E A H .

“AAAAAHHHH FIRST TIME MAY NAGSABI SAKIN NG I LOVE YOU!!!” Sigaw ko sa salamin mga after 5minutes na stunned akong nakaupo sa kama.

Hala! Pano na lang kung nandon pala siya sa labas? OMG Napaparanoid na naman ako kaya lumabas ako at siniguradong walang figure sa maay terrace. Tapos pumasok na ko sa loob at inislide yung pinto. Napapkit na naman ako sa tuwa.

“Lorddddd ~ Bat ganon bat ako kinikiligggg!!!” Tapos dapa ako sa kama at tumihaya ulit tapos kinilig na naman.

“Naman e. Bat ako kinikilig kay Justin e for sure pinagtitripan lang ako nun.” Eh pero kasi kinantahan niya ko!! Tapos sinabihan niya ko ng I LOVE YOU!!

Inis. Ang labo labo rin kasi nung lalaking yun e.

***

Sabi ko sa inyo ang labo nung lalaking yun e. T’amo. Tapos na ang last period pero di pa ko kinakausap. Pero katabi ko lang ha! Ni ha ni ho wala -_- Pagkatapos akong pakiligin kagabi biglang hindi ako kakausapin. Ewan!!

Wala tuloy akong makausap kasi lahat ng tao busy kasi may ipapasa kaming paper sa Calculus na hanggang ngayon lang. Si Justin walang ginagawa at nagdadrawing lang kasi magaling naman yan sa Math at magdrawing.. Oo, magaling siyang mag drawing. BV nga e.

Tumayo ako para pumunta sa unahan at magpaepal sa kanilang lahat, gusto ko lang ng inspirasyon bago  gumawa ng Calculus, mahirap yun e. Tapos BV pa kasi buong araw di ako kinakausap ni Justin patapos niya akong pakiligin kagabi.

Pero papunta pa lang ako sa may harapan nung may gwapong nilalang na pumasok sa room. Tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad.

“Uy Eah!” Sabi ni Craig. Natulala ako sa kanya pero tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad.

Ang gwapo niya. Ang gwapo niya pa rin. At pumunta siya sa room para sa ak--

“AH SHT!!!” Nabangga ako sa upuan at natumba!! Nakakahiya. YUNG MATA KO TALAGA TRAYDOR!! Di tumitingin sa dinadaanan tapos nakatingin lang kay Craig! Ayan tuloy.

“Oh Eah okay lang?” Sabi ni Craig ng patawa tawa.HINDI. Ajujujuju. Pero seryoso, ang sakit sa tuhod. Ang sakit sa puso. Ang sakit sa damdamin.

“Yan kasi, ang tanga. AHAHAHAHAHA. Maglalakad na lang mababangga pa. AHAHAHA” Sabi ni Justin mula sa likod. So ganon, di mo ko kakausapin tapos magcocomment ka sa katangahan ko at pagtatawnan ako? May karapatan ka? HA? Pero di ko na rin yun sinabi kay Justin. Nakakahiya kay Craig.

“Masakit ba Eah?” Sabi niya habang tinatayo ako.

“Hindi. Okay lang--OUCH.” Okay lang naman sana, pero kasi yung buto ng paa ko tumama sa kahoy. Alam mo ba kung gano kasakit yun?

“Oh, tara upo ka muna.” Sabi niya tapos inalalayan ako. Gusto ko sanang kiligin pero nangingibabaw yung BV ko kay Justin at yung sakit ng paa ko.

“Thanks Craig, gentle man ka pa rin.” Sabi ko tapos ngumiti.

“Walang anuman.” Sabi niya tapos ngumiti rin.. Alam mo ba kung gano kasarap ngitian ng taong gusto mo? Sobrang sarap.

“Sus, nagpapacute lang yan e, pinatulan nyo naman. Craig! Tawag ka.” Sabi ni Justin tapos pinalabas si Craig. BWISIT TALAGA E. Inirapan ko lang syia tapos naglakad na papunta sa seat ko.

“Minsan lang yun e! Minsan. Saka hindi ako nagpapacute no.” Sabi ko tapos naglakad pabalik sa seat ko. Inis. Kumuha na ko ng papel at nagsimula ng calculus. Two items lang naman yun e.

Nakakainis. Kagabi ang sweet sweet niya tapos ngayon pinagtatawanan ako.

JUSTIN BAT ANG LABO MO?

“Eah, may naging boyfriend ka na ba?” Manggugulo pa. ;\ Ang tahitahimik ko na nga nagsasagot ng Calculus e.

“Wala pa.” Sabi ko ng sobrang matipid na matipid lang at hindi tumitingin sa kanya.

“Bukod sakin, wala na?” ABA’T TALAGANG CINOCONSIDER NIYA SARILI NIYA?

“Feeling? Di naman tayo.” Tinitipid ko lang kasi di ko rin matiis na hindi siya kausapin kasi hindi niya ako kinausap buong araw.. kaya matipid lang.

“Wag ka ngang maarte jan! Swerte mo nga e, pasalamat ka boyfriend mo ko. Alam mo ba kung gano kadaming may gustong maging boyfriend ako? Pero ikaw pinili ko!” Aba sino ba may sabing ako piliin niya? At siya pa galit!

“Oo alam ko. Mga 20. 20 na bakla.” Sabi ko tapos tinuloy yung ginagawa ko

“Ugh, Eah seryoso ako. Wala ka na nga naging boyfrend bukod sakin?” Tumango lang ako para tumigil na siya. Tumahimik lang siya sandali, tapos nung matatapos na ko sa ginagawa ko..

“Eah. Eah.” Di ko siya pinansin. Eto na naman siya! Napakapapansin talaga neto. Kanina hinihinay ko siyang kausapin ako, di niya ko kinikibo tapos ngayon mangungulit!

“Eah, eah, eah.” Tapos kinakalabit pa ko. JUSTIN KUNG TAPOS KA NA SA GINAGAWA MO PWEDE WAG KANG MANG GULO? Inis. Pero hindi ko na yun sinabi sa kanya kasi lalo lang yang mangaasar.

“EAH!!!!!!~” AY BWISIT.

“ANO!?” Tumingin ako sa kanya tapos siya nagpipigil ng tawa.

“Oh anong tinitingin mo jan? Namiss mo agad gwapo kong mukha?” WTF? Siya tong tawag ng tawag e. Lakas talaga ng topak neto e, kuklang na kulang sa pansin.

Bumalik na ko sa ginagawa ko, pero wala pang isang minuto kinakalabit na naman niya ko.

!@#$ JUSTIN.

“EAH! EAH.. EAH~” Paulit ulit nyang tinatawag yung pangalan ko sa iba’t ibang tono. Oo na, maganda na boses mo, okay na?

“Eah.. Alam ko nagustuhan mo boses ko.. EAH ~ Eah~ EAHHH ~” Gumawa pa siya ng iba’t bang tono. BV. Alam ba niyang nagmamadali ako dahil hanggang ngayon lang deadline nitong ginagawa ko? Ha? MALAMANG OO. Kaya lalo pa siyang nangugulo.

“Eah! Pag di ka tumingin pangit ka!” Nainis na talaga ako. Matatapos na ko e! Pero ang kulit niya. Sobrang kulang sa pansin parang bata.

Tinignan ko siya ng masama.

“Yiee, ayaw tanggapin na pangit siya.”

“JUSTIN.” Di ko inalis tingin ko sa kanya. Naiinis at naiirita na talaga ako.

“Oo alam ko gwapo ako, di mo na ko kaylangang titigan ng ganyan.” Sabi niya sabay tawa. HA HA HA VERY FUNNY

“JUSTIN. Kung wala kang gagawin pwede umuwi ka na lang kasi may ginagawa ako at hindi ako natutuwa sa pangiirita mo?! Pwede kang tumigil? PWEDE?! HA? Nakakainis na e.” Sabi ko tapos napansin kong nakatingin lahat ng kakalse ko at mga kabatch kong nangangapitbahay sa room namin.

Si Justin mejo sumeryoso na yung mukha. Lumapit.. ng unti unti.. Tapos lumapit pa.. Hinawakan yung kamay ko.. Lumapit pa yung ulo niya lalo.. oh gosh no..

Nung sobrang lapit na.. he flashed a smile. No, not a smile. More like a grin. UGH.

“I love you too.” Tapos lalo pang lumaki yung grin niya at tumayo na, hinablot yung bag niya at sinabit sa shoulders nya tapos naglakad palabas.

JUSTIN. ASJKGALGEAUA Bwisit! Nararamdaman ko yung mata ng mga tao sa room samin, mga nakangiti. Nakakahiya .___.

Nung nasa may door na siya, humarap siya bigla sakin. Nakangiti pa rin, ng masama.

“See you later, BABE.” Talagang inemphasize yung ‘BABE’. Bakit kelangan niya akong ipahiya lagi? >.<

“Yikkeeee~” Sabi ng mga tao sa room. WTF ‘YIKKEE’?! Alam ba nila pinagasabi nila? Naiinis na talaga ako kay Justin. Ang labo niya.

Eah and the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon