Chapter 1.

156 2 1
                                        

J U S T I N .

“Kami na,” Sabi ko kay Craig habang naglalaro ng Tekken sa Sala nila. Nung una, inis na inis talaga ako dito sa pinagawa niya. Pero ayaw ko nang hindi tumutupad sa usapan, sa totoo lang, ako yung lalaking ayaw ng promises, at lalong ayaw kong nabebreak sila. Ayaw ko rin ng nakukuha yung bagay ng hindi napaghihirapan. May mga prinsipyo rin ako sabuhay, na ako lang ang nakakaalam.

“Weh?” Di makapaniwal si Craig. Aray, nasaktan ako dun. Minaliit niya kakayahan ko? Di naman sa nagyayabang pero wala talagang nakakresist sakin. Minsan ayaw ko na rin kasi ang dami kong utang na loob sa ibang babae, minsan ayaw ko rin kasama I have to break hearts.

Akala nila sinasadya kong mag laro? Minsan, oo. Madalas, hindi.

“Oo nga, ako pa,” Sabi ko kay Craig, Hindi agad siya nagreply sa sinabi ko. Natatalo na si Kazuya niya sa Yoshimitsu ko.

Yoshimitsu wins.

Sana nanalo na rin ako kahapon sa basketball. Pero parang nagugustuhan ko rin naman, si Eah kasi yung taong unang tingin, ang sarap agad asarin. Sobrang cheerful niya sa ibang taong kakilala niya pero pag di ka niya kilala, ang sungit sungit.

“Oo nga, Ikaw pa, kabisado mo na sila e, ”

\\\"Nga pala, para makatulong sa’yo, may blog si Eah, nakalagay dun yung ‘10 things I Want My Boyfriend To Do’ (For Me), kung gusto mo lang, pero parang di mo naman yun kelangan, kabisado mo na babae e,” Di naman kabisado. Siguro, magaling lang akong magbasa ng tao.

Pero ibobrowse ko na rin yung blog niya na yun for sure. Mejo interesado na rin ako kay Eah e.

“Hindi a, Mejo lang,” totoo naman. Mejo lang. Alam ko sa kanila, maingay, selosa, madalas nakakainis, masarap inisin, conscious sa napakaraming bagay, madaling mailang, madaling paglaruan. “Sus nahiya ka pa, unang una nga pala sa list nun, sa pagkakaalala ko, ‘Do simple and unexpected things for me,’ okay lang kahit di mo gawin, baka mas effective style mo,”

Di naman ako masyadong confident sa sarili ko.

“Saka pala, di tumatalab kagwapuhan don at kayabangan, wag mo nang subukan. Pati magaling ka naman, kaya mo yan, ang galing mo nga e,” sabi pa ni Craig. Minsan talaga, nakakatuwa mag salita yang si Craig e, punong puno ng words of encouragement bibig niyan minsan e.

“Di rin, interesado lang talaga ako kay Eah,” Sabi ko, kalahti totoo, kalahati ewan. Interesado, kasi ibang klase siyang babae na naencounter ko. Kadalasan, flirt, o kung hindi flirt, at least marunong lumandi. Pero si Eah, parang walang alam sa mundo, inosente.

Tignan mo nga, ‘Do simple and unexpected things for me.’? Masyadong madali yan para sa isang boyfriend. Masyado siyang mabait.

Dapat nasa list niya ng gusto niyang gawin ng boyfriend niya sa kanya, yung tipong, “Abutin ang stars para sakin, iluto at sabawan, gusto ko lsang sinigang na parang tinola pero kulay adobo,” Mga ganon. O di kaya, “Bumalik sa nakaraan at kidnapin si Bin Laden para sakin, pilitin si Bin Laden na ipagtanim ako ng bomba sa bahay ng mga ex ko.” Saka dapat may nakalagay dun na gagawin niya sa boyfriend niya pag hindi nagawa yun. Halimbawa, “Pag di niya nagawa yun, ikukulong ko siya sa bahay ng nakahubad na may kumukulung lupa at naglalaman ng 12875181 na cacti .” Peor masyado na atang brutal yun para sabihin ng inosenteng Eah.

Di ako sigurado pero naramdaman ko yung titig ni Craig sakin.

“Craig yun totoo, bakla ka ba?” Sinapak ako bigla tapos sinabi,

“Sh*t ka ba?” I know.

E A H .

“Justin ano ba!” Nakakainis na talaga. Busy-ng busy at hirap na hirap ako sa pagsosolve ng nakakainis na HW namin sa Calculus, tapos si Justin tawa lang ng tawa habang pinopoke yung braso ko tapos ginugulo ako.

Eah and the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon