J U S T I N .
Sure ako touch na touch si eah sa ginawa ko. Ang babaw niya lang ah, sobrang simple lang nun tapos yung reaksyon niya parang may nalaglag na anghel sa tabi niya eh.
Tss, babae talaga, ang babaw. Kaya ang bilis maloko at mapaglaruan e. Tapos sisisihin kami?
Pagkauwi ko ng bahay, nagbasketball lang ako sandali tapos nagbukas na ko ng laptop. Di naman talaga ako mainternet na tao, usually, nagsesearch lang ako ng chords at tabs sa gitara o tumitingin ng guitar covers sa youtube. Konting facebook para sa assignment.
Pero ngayon, tinype ko yung url na binigay ni Craig sakin na blog daw ni Eah. Nakita ko nga dun yung Ten Things I Want My Boyfriend To Do (For Me). Nakakatawa tuloy. Sobrang dami ko na kasing naencounter na babaeng nagtatabi ng ganitong klaseng list, yung Kilig-List. Pero kay Eah yung pinakamababaw.
Number 1, Do simple and unexpected things for me. Sure ako kinilig siya o nagbago tingin niya sakin nung ginawa ko yun sakanya.
Eto kasi yung nakalagay sa blog niya.
1. Do Simple and Unexpected Things For Me. - Mababaw? Hindi. Para sakin, hindi. Kokonti na lang ang gentleman ngayon at kokonti na lang ang lalaking gagawa ng mga simpleng bagay para sa'yo na magpapakilig talaga sakin. Ayaw ko nung roses, yung sosorpresahin, gusto ko yung mga simpleng bagay lang na unexpected na hindi siya magdadalawang isip na gawin yun para sakin. Yun lang. Sabihin nyo nang mababaw, pero hindi. Sa sobrang babaw niya, hindi na siya normal.
Yun yun. Nabasa ko yung pangalawa, na nakakatawa at gusto kong gawin para sakanya.
2. Kantahan ako, at tugtugan. - Siguro dahil sobrang inlove ako sa music, kaya gusto ko ganon din yung boyfriend ko. Pero wala naman talaga akong pakielam kung anong magiging boyfriend ko. Pero gusto ko kantahan niya ako, pag kinantahan niya ko, kikiligin talaga ako ng sobrang sobra. Mas gusto ko yung kahit hindi siya marunong kumanta, pipilitin pa rin niya para sa akin. <3
Easy. Bukod sa Games at Basketball, sunod na hilig ko ang pag tugtog ng gitara.
Nung nalaman ko na yung number two sa list, nagbrowse ako sa ibang pages at tags sa blog niya. Ang hilig niya pala gumawa ng list. Sobra, sobrang dami talagang list. May page sa blog niya na links ng mga lists niya, at sobrang dami :O Meron ngang “Ang Sarap Tanggalan ng Ngala Ngala List”. Meron dun, Kahihiyan List [2011]. Dun sa list, isa pa lang nakalagay, siguro hindi pa niya nauupdate or yun lang yung nagiisang kahihiyang natanggap niya. Nagdirect yung number one at nagiisang yun sakin sa isang blog post. All caps, at tagalog. Puro tagalog yung nakalagay sa blog niya.
HIYANG HIYA NA TALAGA AKO SA SARILI KO. SHT SHT SHT SHT SHT. WALA NA AKONG MUKHANG MAIHAHARAP KAY CRAIG. BAT GANTO ANG BUHAY. BAT GANITO, BAKIT ANG SAKLAP. NAKAKAHIYA TALAGA. OKAY LANG KUNG SA HARAP NG IBANG TAO E, O SA HARAP NG IBANG LALAKI, PERO BAKIT KAY CRAIG PA? BAKIT SA HARAP NI CRAIG NANGYARI YUN! ALAM MO BA KUNG GANO NAKAKAHIYANG MADULAS SA HARAP NI CRAIG? ALAM MO BA? HA? ANG OA KO PERO GANTO TALAGA NARARAMDAMAN KO. ALAM MO YUNG NADULAS KA SA HARAP NG ALL TIME CRUSH MO!!!! WA POISE!!!! TAPOS PINAGTAWANAN PA NIYA KO! IBIG SABIHIN NUN, NAKAKATAWA YUNG ITSURA KO. NAKAKAHIYA TALAGA. HINDING HINDI NA YUN MAUULIT. GRABE. NAKAKAHIYA TALAGA SA KANYA, SIRA NA IMAGE KO SA CRUSH KO. BAKA TUWING MAKIKITA AKO NI CRAIG, YUNG PAGDULAS-MOMENT KO YUNG NAAALALA NIYA AGAD. WALA NA AKONG MUKHANG MAIHAHARAP. =((((((((((
KILL ME NOW PLEASE. (JOKE LANG GUSTO KO PANG MABUHAY.. PERO PLEASE WAG NA ULIT AKONG MADUDULAS.. SA HARAP NI CRAIG.)
Nadulas lang siya? Sa harap ni Craig? Kahihiyan na ng sobra? Babaw ah. At, crush niya sa Craig? All Time Crush? Ahahahahahaha.
E A H .
Pangatlong araw na to, pangatlong araw na impyerno buhay ko sa tabi ng isang mayabang-na-nilalang-na-nabuhay-ata-para-tumawa-ngumiti-magyabang-at-mangasar. Pangalan pala niya Justin.

BINABASA MO ANG
Eah and the Cassanova
Dla nastolatkówJustin. Gwapo, mayaman, malakas ang appeal. Siguro bored siya, or trip lang talaga niya, kaya ako ang ginugulo niya. Sasabihin niya ganito ako, sasaktan niya ko, tapos bigla na lang siyang sasabihing mahal niya ako. Ganun siya. Ganun siya nakakainis...