J U S T I N .
After ko siyang kantahan.. Bumaba ako sa garden nila at umupo. Sa may ilalim lang ng veranda ng room niya, hawak hawak ko yung gitara kong itim na pinaintan ko ng monochromatic abstract ng shades ng black.
Hindi niya ko nakikita dito pero naririnig ko siya. Kahit naman ata sino, maririnig yung pagsigaw sigaw niya e.
“AAAAAHHHH FIRST TIME MAY NAGSABI SAKIN NG I LOVE YOU!!!” narnig kong sigaw niya galing sa kwarto niya.
First.. time? Niya? Na masabihan ng I Love You? Tao ba siya? First time na nga niya masabihan ng I love you tapos hindi pa totoo. Nakakaguilty tuloy. Pinagtitripan ko lang din naman siya kasi sabi ni Craig pero nagenjoy na rin ako e. Nakakatawa at Nakakatuwa rin kasi siya.
At saka, ewan ko, di maganda feeling ko kay Eah e. Ibig kong sabihin, hindi pangkaraniwan.
Yun lang umikot sa isip ko buong weekend. May kakaiba kay Eah. Okay, kakaiba talaga si Eah. Pero wala pa raw siyang boyfriend kaya nakakapagtaka.. Ang ganda ganda niya, ng personality niya pero wala pang nanliligaw sa kanya? Gusto ko siyang pagtripan at asarin kasi.. nageenjoy ako. Kelan pa ko nagenjoy sa pangaasar ng babae?
Kaya nung Monday, hindi ko siya makausap. Ewan. Kakaiba feeling ko. Nakakadiri na nga yung kacornyhan ng utak ko e. Pero, kakaiba talaga siya. Tapos ako pa pala yung unang nagsabi sa kanya ng I Love You tapos trip trip pa.
Tas badtrip, nangitian lang ni Craig akala mo high na high e.
***
“Ikaw, ikaw na naiiba. Hibang ako’t tanga. Bihag ng yong--” Kanta ni Ace tapos bigla siyang tumigil.
“Justin! Distracted ka?” Nagjajamming kami kena Marc nung sigawan ako ni Ace. Nakakailang mali na ko ng pluck, tapos nadaplis pa kanina sa kamay ko yung pick. Ewan. Bat ba ko distracted? Wala naman akong iniisip. Blanko.
*bzzt bztt*
+6392631******
Nakakainis ka Justin. Ang labo mo. -Eah
P. S. Wag kang feeling, hindi ko hinanap number mo.
Ang labo ko? Ako rin nalalabuan sa sarili ko. Walangyang pakiramdam naman to o, ayaw makisama.
“Justin? Problema? Promise di ka namin pagtatawanan.” Maniwala naman ako kay Renz. Eh may X na yungpagmumukha ni Renz sa utak ko sa mga taong pwedeng sabihan ng problema. Pano, kung di ka niya tatawanan, bibiruin ka at aasarin. Ilang beses na nila yang sinasabi yan. Pero wala akong magagawa, ang ewan kasi ng pakiramdam ko e.
“De. Ang blanko lang kasi ng pakiramdam ko e.” Sabi ko. Ewan ko kung anong mali pero pakiramdam ko talaga meron.
“Alam mo kung anong kaylangan mo, pinsan? Girlfriend.” Nakakainis rin tong si Craig e, e siya nga nagsabi nung kay Eah e. Pasalamat siya hindi ako nagbebreak ng sarili kong pangako. Bilang lalaki may paninidigan ako sa mga pangako ko. Kahit marami na kong nareject, napaglaruan at napagtripan, hinding hindi naman ako nagbeak ng pangako.
“Hoy wag ganon. Ang babae minamahal hindi kinukuha lang kasi nalulungkot ka.” Sabi ni Ace. Sa totoo lang, sa aming lahat siya yung may pinakarespecto sa babae. Swerte nga ni Rielle jan e. May sobrang respeto yan sa babae at mahal na mahal niya yung nanay niya.
“De, alam ko na Jus.” Singit naman ni Marc habang tinatap yung dulo ng drum sticks niya sa likod ko.
“Ano?” Tanong ko.
“Seryosohin mo kaya yung si Eah? Sabi sakin ni cheska di pa daw nagkakaboyfriend yun e.” Sabi ni Marc.
Eh yun nga yung pinakaugat nitong blanko kong pakiramdam e. Ewan ko. Ang labo ko. Naguguilty kasi ako pero gusto ko. Gusto ko, si Eah.

BINABASA MO ANG
Eah and the Cassanova
Novela JuvenilJustin. Gwapo, mayaman, malakas ang appeal. Siguro bored siya, or trip lang talaga niya, kaya ako ang ginugulo niya. Sasabihin niya ganito ako, sasaktan niya ko, tapos bigla na lang siyang sasabihing mahal niya ako. Ganun siya. Ganun siya nakakainis...