Minsan di lang naman puro kabaliwan naiisip ko. Lalo na pag magisa ako.
Aminin! Kayo rin!
Yung mapapaisip ka nalang na "Ano kaya purpose ko sa mundong ito?"
Or yung "What if... Di pala toh totoo... Fragment of imagination lang natin ang reality"
"Paano malalaman kapag reality or hindi?"
See... Di lang nga kabaliwan... Minsan may hugot pa nga eh...
Kagaya ng:
Nasa tricycle kasi ako papuntang school tas may nakita akong babae pumara kaso di tumigil si kuya driver... Tas naisip ko "Parang yung mga namemeet lang natin o nadadaanan. May nameet ka isang tao, gusto maging kaibigan kaso, di ka niya pinansin o ayaw niya. Meron rin naman diba ang nagpapara... Pero kahit saglit lang okay lang. Parang yung taong mga namemet natin na akala natin nandyan na forever. Pero ihahatid ka lang pala kung saan ka dapat patungo. Meron rin naman yung mga driver sinasabi mo yung destination mo... Pero sila umaayaw kasi malayo... Yan siguro macocompare sa mga di kaya ang commitment o yung di siya ang dapat maghatid sa tama mong daraanan. Naghahatidan lang naman tayo sa mga kanya kanyang tamang destination diba? Kaya ako naniniwala ako duon sa papuntang "road to forever" kaso... Medyo matatagalan pa..."
Meron ring yung... Nasa tindahan ako... Tas may naisip nanaman ako...
"Yung mga tinda, mga tao, ikaw nalang ang bahala pumili sa kailangan mo at sa gusto mo. Problema nalang kapag expired na at... Baka maloko ka lang."