Natapos na ang first week ng school since first day. As usual, masungit parin si Liam. Sus! Akala mo naman porket pogi maganda na yung ugali.Napagusapan na namin ni Kristelle na sa field nalang kami maglulunch. Sunday nga ngayon pero sa school kami magkikita.
Pagdating ko sa field, wala pang masyadong tao at hindi ko mahanap yung mga mukha ng kaibigan ko. Maaga ata akong nakadating.
Tumingin ako sa relo ko at sa schedule na sinabi ni Kristelle. Natawa na lang ako dahil I am two hours early, nasanay ata ako sa nanay ko.
"Boo!"
Sa sobrang gulat ko, napatalon ako at nadapa sa sahig.
"It's twenty seventeen na, hindi na uso yan." Ang sabi ko doon sa kung sino man nanggulat sa akin. Masyado pa akong busy ayusin sarili ko. Hala, ang dumi na nang pantalon ko.
"Hindi ka kasi nag iingat." Nakangisi niyang sinabi. Si Liam pala yun.
"Ngayon, ako pa ang may kasalanan? Ikaw nga tong may dalaw palagi at di ko nalang pinapansin tapos ngayong ikaw may kasalanan at sa akin mo sinisi!" Tumigil ako sandali dahil nauubusan na ako ng hinga, "Maiwan ka na nga jan pupunta pa akong field." Ang huli kong sinabi bago siya iwanan.
Pagdating ko sa field, andoon na sila Nate at Kristelle pero may isa pa, si Harold. Hindi ako nainform na kasali si manliligaw.
"Oh, Harold bakit ka andito?" Tanong sakanya pero si Nate na ang sumagot para sa kaniya, "Hayaan mo na siya diyan, Xia. At least hindi mabobored si Kristelle." Natatawang sinabi ni Nate sa akin.
Hala! Mokong na to, pinagttripan nanaman si Kris!
"Nako, wag ka nga makinig diyan. May iba ring nililigawan si Nate, noh. Hindi lang sinasabi sayo." Ang pang asar ni Kris kay Nate na nakasimangot.
Huh? Ano ang nangyayari?
Natawa na lang ako at sabay tumingin sa direksyon ni Nate, na nakatingin na pala sakin.
----
Naisip ni Kristelle na pumuntang Mall of Asia para mag ice skating.
Hay, akala ko magiging masaya araw ko pero nakita ko ulit si Liam, kasama ang barkada niya. Sa totoo lang, medyo nakakatakot kasi ang dami nila. Palpak ang tadhana dahil nalaman ko kay Harold na mag iiceskating rin sila.
"Close kayo?" Tanong ko kay Harold bago pumasok sa entrance.
"Dati. May nangyari kaya napahiwalay ako." Ang sagot niya bago sumunod kay Kristelle na nagsusuot na ng gloves.
Kinabahan ako ng unti dahil ang huli kong punta dito, noong bata pa ako kasama sila Mommy at Daddy. Pero sila Kristelle at Nate, nag ice skating lessons kaya swerte sila.
Sinuot ko na ang ice skates ko at pumunta sa entrance ng rink. Nakita ko sila Nate at Kristelle sa gitna, kung ano-ano ginagawa. Nilamig ako bigla noong humawak na ako sa railings at patuloy naglakad.
Hindi ko alam kung bakit pero bumitaw ako sa railings at nadulas. Hinintay kong tumama ako sa malamig na yelo at mag mukhang tanga.
Pero hindi.
May mga kamay na sumalo sa akin. Ang bango ng taong yun. Ano kaya cologne nito? Pero amoy lalaki. Nakapikit pa rin ako kasi natatakot ako na baka bigla akong bitawan kasi hindi ba yun ang nangyayari?
"Okay ka lang?" Ang tanong sa akin. Familiar yung boses na yun, eh.
Binuksan ko ang mga mata ko at ang bumungad sa paningin ko ay ang taong hindi ko ineexpect gumawa ng ganitong bagay; ang pagsalo sa taong masasaktan.
Si Liam pala ang nakasalo sa akin. Tinulak ko siya at parehas kaming napaupo sa yelo.
"Ano ba problema mo, ha!?" Ang sigaw ni Liam sa akin. Halatang galit na galit na siya. Naiimagine ko na lang na may usok na lumalabas sa tenga niya.
"Excuse me, ikaw nga tong sumusunod sa akin eh?! Atsaka, hindi ko naman kailangan ng tulong mo." Ang sagot ko at tumayo, "I am an independent woman."
Tumalikod ako at nagdasal na hindi ako tutumba.
Pero hindi eh, ayaw talaga ni Lord.
Narinig ko na lang yung tawa ni Kristelle. Tinulungan ako ni Nate papunta sa mga railings.
"Okay ka lang? Hindi ba si Liam yun?"
"Oo, okay lang ako."

BINABASA MO ANG
I'm Into You [ TAGLISH ]
Ficção AdolescenteIt is when you have no mixed or any romantic feelings for any other people. Your life goes by normally just like the rest. But what if you stumble upon someone who would somehow make your life much more happier and interesting for once? In the end...