Chapter One

32 0 0
                                    


The Beginning

Today was surprisingly a good day for me. It was the first day of classes. After a long vacation of staying in bed all day and watching K-Dramas, I'll finally be seeing my friends, Kristelle Tiangco and Nate Husley.

Kaibigan ko si Kristelle noong grade three pa kami. Naalala ko noong mga araw na talagang dinuraan niya yung isang batang nagbubully sakin. Doon nagsimula yung friendship namin. Si Nate naman, kababata ko. Malapit sa isa't isa ang magulang namin kaya medyo madalas ang pagkikita namin tuwing may mga special occasions. May clique kami and madalas may mga sumasali samin dahil 'rich kids' kami pero in the end, fake friends lang sila.

Minsan, nalulungkot ako dahil kinakaibigan ako nang iba dahil mayaman ako at may ang naiisip nila, malaking privelege makasama ang isang rich kid dahil kapag galing ibang bansa yan, may souvenir ka ganyan ganyan.

Ay, oo nga pala. Ang dami ko nang sinabi pero hindi pa ako nagpapakilala. I'm Xiara, an unathletic sixteen year old studying in Einstein High. Kkwentuhan ko kayo muna tungkol sa buhay ko. My parents are workaholics to the fact na I don't even recognize them anymore because they barely eat and their eyebags. And I guess its understandable because they do manage the Boltons Hotel.

After thirty minutes, umalis na ako sa bahay at sinundo sila Kristelle and Nate. Hindi naman malayo ang bahay namin sa isa't isa, walking distance nga lang eh.

Habang papunta sa school, natulog muna sila Nate at Kristelle dahil pagod na pagod sila sa shopping spree nila kahapon.

Einstein High

Kakarating lang namin and sakto! Wala pa masyadong tao. Siguro, mga tinatamad pang pumasok yung iba.

We all decided to check out the bulletin board before it gets too crowded.

Habang hinahanap namin ang sections namin nakita ko na ang akin! And YES! I'm in Section A! I'm with Nate pero si Kristelle sa Section B.

"Ano bayan hindi tayo magkaklase! Pero okay lang, may lunch naman diyan eh. Kita kita tayo mamaya ah, love you!" Sabi ni Kristelle. Hindi man lang kami hinintay sumagot at bigla nang umalis.

Tinanong ko si Nate kung bakit ganon si Kristelle at sabi niya hindi rin niya alam.

"Kamusta vacation mo? I miss you!" sabi ni Nate. He's the sweetest friend talaga.

"It was fine. Daming dinner parties, nakakasawa na nga eh but anyway, I missed you too! Sana makapagbonding pa tayo.

"Too much family bonding, noh? Tayong tatlo hindi pa nakapagbonding." I told him with a smile.

"True that. Since first day naman, let's skip classes na after lunch?" Nate suggested.

"Kapag nahuli tayo, ikaw sisisihin ko. Pero sige, kain tayo sa labas. Paano pala si Kristelle? Kawawa naman yun." Sabi ko sa kaniya.

"Wag na yun, kasama niya naman yung manliligaw niyang si Harold. I think she wont mind." He responded and I nodded, almost forgetting that guy, Harold.

Pumasok na kami ni Nate sa Section A. Umupo ako malapit sa bintana at si Nate naman nakaupo sa tabi ko. Nakalipas ang limang minuto, biglang dumating ang madaming mga estudyante noong marinig nila yung bell.

Mga umupo na ng maayos yung mga kaklase namin at dumating na si Mr. Revamonte, class adviser namin. Matangkad siya at may suot na salamin. Kung aayusin niya lang sarili niya, siguro hindi na single yan ngayon.

"Good morning class! I know you guys want to chitchat with another but we have a new transferee. Come in Hijo! Class, this is Liam Chester Yu. He is your new classmate, please treat him nicely." Sabi ni Mr. Revamonte.

Matangkad si Liam, mas matangkad pa kesa kay sir. Yung hair niya, magulo pero appealing parin eh. Although, I don't know if he will become my friend. I am hard to please specially when it comes to boys. Kay Nate lang talaga. Minsan kasi naiinis ako sa mga lalaki ang feeler at ang cocky minsan. Bukod syempre kay Nate, humble daw siya

Nagsimula yung klase sa introduction at patuloy sa mga iba pang activities.

Pagkatapos ng klase, sabay na kaming lumabas na kami ni Nate at bago ko pa masabi ang dapat kong sasabihin, may kausap siya sa cellphone niya.

"We're just going out. Nako, uuwian ka na lang namin ng churros. Mamaya mo na akong kulitin, si Harold na lang. Sige, bye Kristelle." Sabi ni Nate. And by that, I found out who he was talking to on the phone.

Tinawagan ni Nate ang driver nila at pinasundo yung kaniyang kotse. Pagkatapos ng ilang minuto, nakita na namin ni Nate yung kotse niyang nakaparada sa harap ng school gate.

Nasa Central Mall na kami at bumibili pa lang ako ng snacks, si Nate naman in charge sa tickets. Nagiisip ako kung ano kaya ang mangyayari if ever kasama namin si Kristelle ngayon. Mas masaya kaya? Siguro since best --

"Huy, daydreaming pa te?" Ang sabi sakin nung cash register. Ngumiti lang ako at binigay na yung bayad.

Xiarra's Mansion

"Thank you Naaaaate!" Ang sabi ko sa kaniya sabay yakap, "Next time ulit pero kasama naman si Kristelle."

"Syempre, ikaw pa. Libre ko ulit next time."

"Uy, joke lang. Ako na manglilibre next time, kawawa naman yang wallet mo. Sige na, umalis ka na dito baka mapagalitan ka pa ng nanay mo." Tumawa kaming pareho.

"Sige, bye Xiarra! Good night!" He said and we embraced each other. Nate was like a brother I never had.

"Bye!"

And after some time, umakyat ako sa kwarto ko at sumakit bigla ulo ko. Nako! Baka magkasakit ako. Bumaba ako sandali at uminom ng tubig, sakaling mawala. Umakyat na ako at binuksan yung cellphone ko at nagreply sa mga ibang messages.

Kumatok si Mommy, "Sweetie, we have a visitor. My old friend's son will be staying here for awhile because of family issues. Let's welcome him and he will be staying next to your room."

Huh? Bakit kailangan dito? Hindi ba pwedeng sa ibang bahay? Hay nako, baka si Mommy lang kaibigan niya.

"Okay, saglit lang." Ang sagot ko kay Mommy. Nagpalit muna ako ng maayos na damit tapos bumaba na ako. At nagulat ako sa nakita ko.

"Ikaw!?" Ang bigla na lang lumabas sa bibig ko.

"You!?" Ang sabi ni Liam.

"You know each other?" Tanong ni Mommy na may pa ngiti-ngiti pa.

"Hindi Mom, bago lang po magkakilala. He is a transferee in Einstein High and he is also my classmate." I answered and she nodded, understanding the situation.

"Okay, now that you two already know each other.. Xiarra, lead him to the guest room." Mom demanded.

Liam and I headed upstairs to the guest room. We didn't talk on the way up there which made me kind of feel strange because I swear, I felt someone staring at my back.

"Boss, ito na yung room mo. Kung may kailangan ka naman nasa kabilang room lang ako or doon sa dulo, if si Mommy ang kailangan mo. I won't mind if you need help kaya wag ka nang mahiya. Bago ka din naman dito--"

"You talk too much. I'm fine, thank you." He said, cutting my words short. It somehow irritated me whenever someone doesn't let me finish talking.

"Mr. Sungit, I was just trying to help." I told him with a frown. My head was still pounding and I felt dizzy.

"What did you call me?" He asked, his voice in a different tone.

"Nevermind." I said and left before I collapsed.

I changed into my pajamas and drifted off to sleep.

I'm Into You [ TAGLISH ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon