HEA___chapter1

42 3 4
                                    

“Hi, my name is Claire San Juan, 18 years of age, taking up BS Architecture, freshman. I work as a part time model for self support, 5’4 in height, weighing 120lbs. I hope we could have a good school year as we come to know each other.” I hear them clap after I introduce myself in our Algebra class and then I sat back to my seat.

“talaga bang model ka?” asked my seatmate.

“Yes, bakit?” I asked back.

“hmf… wala lang. it doesn’t show.” She drew a sarcastic smile on her face.

Haaaay. Tama nga ako, this is not going to be a good year, same as high school, I will just be bullied here.

I didn’t mind her, ayokong masayang ang aking panahon para lang madepress.

After class, we had our break, and guess what? Nobody wants to be with me, except for some boys na alam naman nating lahat kung ano yung habol. Well, I suppose… dadalhin ko nalang yung food ko sa labas ng canteen. Tama nanaman ako, walang tao dito, I sat down on a pile of stones na parang nadikit na sa bawat isa.

*sigh* “I guess this will be my life for the whole school year…” I whispered to myself.

Habang kumakain ako, nakakita ako ng pamilyar na tindig. He’s walking alone papunta sa akin? Siyempre! Hahaha. Pero what is my boyfriend doing here? Bakit di siya nagtext? Hindi naman siya dito nag aaral?

Kakawayan ko na sana siya, but it seems like, hindi niya ako nakikita…lumagpas siya papuntang canteen. As in sa loob ng canteen. Mali yata ako… hindi ako ang pinuntahan niya… aissh.. nonsense! Siyempre ako pupuntahan nun! sino pa ba? Baka di niya lang talaga ako napansin. Minadali kong ubusin yung pagkain ko at naglakad na papunta sa loob ng canteen. asan na kaya siya? Kanina pa ako palingon lingon but hindi ko siya Makita…

*boogsh!*

“waaaaaaahhhhhh!!!!” ako.

“hahaha!!! Ang tanga naman!!” sila.

“tss! Look where you’re going clumsy lass!!” bulyaw nung lalaking nakabangga ko.

Haaay… Thor, asan ka na ba??? Ang sakit ng lagapak ng pwet ko, ang dumi dumi ko pa, may daladala kasing tray ng pagkain yung guy kaya ayan.. natapon tuloy samin. T___T pero mas malala sakin dahil may halo halo pa ako sa ulo… napayuko ako sa hiya.

“s-sorry…” shit… iiyak na yata ako.

“what? You don’t have plans to stand up??” sabi nung guy. Kaya tumayo na ako, pinagpag ko ang mga natapon na pagkain, pero may stains pa rin.. at basa ako ng softdrinks. Tinignan ko yung guy, galit na galit siya… pero hindi lang naman ako yung may kasalanan diba?

“h-hindi ka din naman tumitingin sa dinadaanan mo diba? Kasi nabangga mo rin ako.” Mahinahong katwiran ko.

“hah! So, are you telling me that it’s my fault? Geesh! Clumsy lass!!”

“wag ka nga sumigaw… nakakahiya.” Sabi ko ulit sabay yuko.

“fvck!” he cussed, kaya tinignan ko ulit siya.

Parang ewan yung mukha niya.parang galit na hindi? Ay! Ewan. Itsura niya? Gwapo, hmm… may katangkaran, pero parang basag ulo lang ang alam, my sugat pa siya sa labi. Napansin ko nalang na nag iiwas siya ng tingin.

Then bigla na lang siyang nagtanggal ng polo, my black shirt siya sa loob.

“oh, suot mo yan. Sa susunod, look where you’re going!” sabay alis. Ano nangyari dun? At bakit ko to susuotin? Kanina lang galit na galit siya tapos ngayon bibigyan niya ako ng remembrance? Haha. Hmp. Ilalagay ko nalang sa bag at kung makikita ko siya, isasauli ko nalang.

happily ever after (what is love?) ON HOLDWhere stories live. Discover now