Taeyeon in the multimedia ^^^
Sehun's POV
Andito na kmi tha loob ng clathroom at kompleto na kaming lahat na group.THa ngayon katabi ko naman thi yoona pero naka earphone thiya at nakikinig thiguro tha muthic. Nagthithithi ako or kami dahil niloko namin thila para lamang thagutin kami ng thithtar at 4minute. Ang akala namin pag nagawa namin yon thathagutin na nila kami yun pala ginawa lang kaming mga tanga.hayyy.
"Kung pwede lang mabalik ang nakaraan hindi na thana kita pinakawalan" yun lang ang nasabi ko
ng pumathok na ang teacher naminYoona's POV
'Kung pwede lang mabalik ang nakaraan hindi na thana kita pinakawalan'
Kanina pa umuulit yan sa isip ko narinig ko kasi ang sinabi niya dahil nakita ko ang prof. namin na papasok ng room kaya itinigil ko ang music tamang tama na yun din ang pagkabanggit ni sehun
"Hoy yoona... kanina ka pa nakatulala anyare? Huh?" Tanong sa akin ni hyoyeon. Andito nga pala kami sa cafeteria ngayon dahil lunch break na at nakadating na pala sila hyo. Sila kasi ang nag order nang mga pagkain namin. Kanina simulang first subject tulala lang talaga ako at walang pumapasok sa isipan ko.
"Ehhhh.. kasi naman narinig ko yung sinabi or should I say binulong niya" sabi ko at parang hindi mapakali
"Tss. Wag kang pabebe yoon" sabi ni jessica at sinimulan ang pagkain niya ng sandwich niya
"Ano ba ang sinabi niya?" Tanong ni tae unnie sa akin
"Kung pwede lang mabalik ang nakaraan hindi na sana kita pinakawalan" sabi ko habang nakayuko
"Yiehhhhhhh... unnie baka naman mahal ka pa niya" sabi ni seobaby na parang kinikilig
"Seo baka nakalimutan mo na sabi nila hindi nila tayo MAHAL at kahit kailan hindi nila tayo MINAHAL.. kumain na kayo" walang emosyong sinabi ni tae unnie at medyo malakas ito kaya tumingin ako sa ibang mesa at nakita kong nakitingin ang EXO sa amin... wala naman siguro silang pakialam sa amin diba?
Baekhyun's POV
Narinig namin ang sinabi ni Taeyeon kanina. Sa totoo lang tinamaan ako ng konsensiya simula ng umalis sila. Ayaw naman naming paglaruan sila pero yun lang talaga ang paraan para sagutin kami ng mga nililigawan namin ( sistar at 4minute ).. hindi ko alam kung bakit kahapon nang nagkausap sila taeyeon at V parang naiinis ako hindi ko alam kung bakit pero.. aisshhhh
"Hyung galit na talaga thila taeyeon noona tha atin" sabi ni sehun sa amin
"Sino ba naman ang nagpakatanga sa sistar at 4minute at nanloko sa SNSD?" Tanong naman ni suho hyung sa amin
"Hyung alam namin ang mga mali namin hindi mo na kailangan ulit ulitin at alam naming nagpakatanga kami" sabi naman ni kai
"Nakokosensiya ako sa pinanggagawa ko pero ano na ang magagawa ko--natin kung galit na sila sa atin" sabi ko habang nakayuko
"Kumain na lang muna tayo" sabi ni xiumin hyung kaya tumango nalang kami at nagsimulang kumain pero pagtingin ko sa table ng SNSD nakatingin sa amin si taeyeon pero agad ding umiwas ng makita niya ako nakatingin sa kaniya
Author's POV
Last subject na sa hapon at pumasok na ang prof. nila
"Class meron kaming meeting ngayon kaya early dismissal kayo ngayon BUT I will announce first kung sino ang magkagrupo for the upcoming activities for this whole school year" sabi ng prof. nila ang ibang students tatayo na sana kanina pero napatigil din
"Group 1 will be 2pm and 4minute, Group 2- Shinee and Sistar, Group 3- EXO and SNSD and--" magsasalita pa sana ulit ang prof. pero sumigaw at nagsitayo na ang ExoShidae
"WHAT/SERIOUSLY/BAKIT SILA PA/WAE/ANDWAE"
"Bakit anong problema? Take your seat dahil hindi pa ako tapos magsalita" sita ng prof. nila kaya nagsi upo din ang ExoShidae
"Okay group 4 BTS and RED VELVET. No exchanging of groupings or partners. Hindi lang ako ang nagdesisyon nito kundi ang iba niyo pang teachers or profs. So class dismissed maari na kayong umuwi" pagakatapos sabihin iyon ng prof. Umalis na siya at iniwang hindi makapaniwala ang mga estudyante lalo na ang ExoShidae
Taeyeon's POV
Bakit sila pa ang kagrupo namin? Kanina pa kami nagrereklamo dito habang naglalakad sa hallway pero wait-- asan yung libro ko? Aisshh.. kailangan ko pa naman yun. Baka naman sa locker ko
"Uhh.. guys. Mauna nalang muna kayo doon sa van kukunin ko lang ang libro ko sa locker room" sabi ko at tumango nalang sila. Pero habang naglalakad ako papunta doon natatakot ako paano ba naman walang tao dito sa second floor kasi ang teachers doon pa sa third floor nag meeting. Malapit na sana ako sa locker room pero nang napadaan ako sa isang room nang may nagtakip sa ilong ko at hinatak ako at bigla nalang nandilim ang paningin ko...
Nagising ako ng may sumampal sa akin at nakatali pala ako sa isang upuan yata pero madilim ang kuwarto
"Mabuti naman at nagising kana kanina pa kami naghihintay dito" naiinip na sabi ng isang babae-waitt
"Sistar?" Yun lang ang nasabi ko at nakita kong nag smirk sila sa akin
"Oh.. masaya ka bang partner niyo ang Exo? Kung sabagay malandi naman kayo eh" sabi ni dasom at sinampal ako.. shett.. masakit yun ah
"Sino ba ang mas malandi sa atin huh.. at sino bang adik sa exo? At pwede ba hindi na namin mahal ang exo kaya pakawalan mo nga ako" inis na sabi ko at simulang tanggalin ang tali pero masyado itong mahigpit
"Palaban ka pa talaga sa lagay na yan huh.. ano pa ang hinihitay niyo?" Tanong ni hyorin at lumapit sa akin at sinabutan ako nagsilapitan naman ang iba at pinagsasampal din ako pero nakita ko si dasom na may dalang cutter.. katapusan ko na ba ngayon?? Tumutulo lang ang luha ko at sumisigaw dahil wala manlang akong magagawa manhid na ang mukha ko at masakit na yung ulo ko sa pinanggagawa nila pero bago pa makalapit si dasom biglang bumukas ang pintuan
"BITIWAN NIYO SIYA" sigaw niya kaya naman nagsilabasan ang sistar sa isang pintuan. At tumakbo naman ang lalaki sa akin at niyakap ako
"Shhh.. tahan na andito na ako" noong narinig ko ang boses niya doon ko siya nakilala
"B-baek h-hyun" sagot ko sa kanya habang tinggal niya ang tali ko sa kamay
"Wag kanang umiyak" sabi niya hanggang sa nandilim ulit ang paningin ko
Baekhyun's POV
Papunta na sana ako kanina sa locker room upang ilagay ang mga gamit ko nang may narinig akong sumigaw at si Taeyeon pala yun. Sa ngayon binubuhat ko siya sa hallway papuntang parking lot nang tumawag si tiffany noona kaya inihiga ko muna siya sa bench
[ Tae asan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay dito ]
"Noona. Si baek po ito. Nakatulog po si Taeyeon noona dahil sinaktan po siya ng Sistar kanina" pagpaliwanag ko sa kanya
[ ikaw pala yan. Sige dalhin mo nalang siya dito sa parking lot.
Thanks ] yun lang ang nasabi ni tiffany noona at pinatay na ang tawag.Pagkadating ko doon kinuha nila sunny noona at yoona noona si taeyeon noona
"Baek, anong nangyari sa kanya?" Tanong naman ni tiffany noona sa akin. Sa kanilang lahat siya talaga ang napaka close kay taeyeon noona
"Papunta po sana ako ng locker pero may narinig akong sumigaw pa pasok ko nakita ko ang Sistar na sinasaktan si Taeyeon noona at paglapit ko sa kanya umiyak na lang siya ng umiyak hanggang nakatulog" pagpapaliwanag ko at tumango siya
"Baek oppa thank you po sa pagtulong at paghatid kay tae unnie aalis na po kami" sabi ni seohyun at umakyat ng van at umalis na kaya pumunta din ako sa van namin pero nadaanan ko pa ang sistar
"Hindi ko papalagpasin ang ginawa niyo" yun lang ang nasabi ko sa kanila at dumeretso sa van. Pagdating ko binugad agad nila ako ng mga tanong pero sabi ko sa dorm nalang namin kaya hindi na nila ako kinulit
================================
Sorry po masyadong mabagal na update :(
Pero Thank You po sa mga nag read at nag vote ♡♥♡♥
♥XOXO♥
BINABASA MO ANG
We ARE Back! [ On Going ]
FanficWhat will happen if exo meets the new girls generation which happens to be their EX GG's POV "We may be nerd before but now, we chabged a lot but the feelings are still there" Exo's POV "We know we hurt them but that's the only way for us to have th...