*Chapter 1*
Ang boring ng summer ko. Hayyyyyyyyy!!!
Kakagraduate ko lang ng high school namimiss ko na mga kaibigan kong vecki na laging nagpapatawa saken. Gusto ko ng bumalik sa Laguna.
Nandito ako sa bahay ng lola ko sa Pampanga first time ko lang pumunta dito sabi kasi ni mama dito muna ko kay lola.
Nagfafacebook ako pero naka-off yun chat ko. Hiyang hiya pa din ako sa pinagsinabi ko kay Eriol. Sinabi ko na kasi yung nararamdaman ko since nung 2nd year pa kami.
Bakit ko sinabi??
Kasi may jowa na sya. I just wanted a closure. A crap closure takte 4 years ko syang minahal nauwi lang sa wala. Huhuhu ang sad ng love life ko. Kaya pumayag din akong sumama kay Lola Fera dahil ayokong Makita si Eriol wala kasi akong mukhang ihaharap sakanya. Hahaha sound cliché?
“Jhayren pumarine ka muna may iuutos lang ako sayo. Bumili ka muna kay na Aling Mitring ng Toyo at Suka mag aadobo ko para sa pananghalian natin” si Lola Fera pala.
“Opo lola.”
So ayun naglakad ako palabas ng bahay. Ang ayoko lang sa mga tao dito kapag lumalabas ako lagi silang nakatingin saken. Wala naman akong dumi sa mukha.
“Na nung buri mo?” sabi ni Aling Mitring.
“Ahm pwede po tagalog?” nag-smile pa ko kay Aling Mitring mukha naman syang mabait sila yung may pinaka malaking tindahan dito parang mini grocery sya.
“Ahh sabi ko anong bibilhin mo?” nag-smile din saken si Aling Mitring.
“Suka po tsaka toyo.”
“ZED makiabot nga nung toyo at suka.”
Inabot saken ni Zed daw yung suka at toyo.
“Bakit parang ngayong lang kita nakita dito?” tanong saken ni Zed daw.
“Apo yan ni Apong Fera Manilenya yan.” Epal talaga kahit kelan tong Hidrus na to.
Yah tama kayo hindi ako yung sumagot sa tanong ni Zed. Naasar talaga ko sa Hidrus na to mayabang kasi. Apo ang tawag sa lola dito
“Ahh eto yung sukli mo.”
“Salamat.” Inabot ko yung sukli at umalis na ko.
Pogi naman yung Zed maputi, walang piercing, malinis sa katawan nakat-shirt sya na black tapos boxer lang may necklace pa syang Krus na kulay black.
Binuksan ko na yung gate naming at pumasok sa loob.
“Lola eto na po.”
Umakyat ulit ako sa kwarto ko at umupo sa bintana sa bintana. Parang old style yung bahay ni Lola. Mejo malaki yung bintana kaya pwedeng umupo. Nasa 2nd floor kais yung kwarto ko.
Tanaw dito yung buong street namen.
Tsaka dito lang malakas yung signal ng broadband ko.
*Hidrus P.O.V*
Ang sungit talaga ng apo ni Apong Fera saying ang gandapa naman mahigit 2 linggo na mula nung dumating sya sa lugar naming at madami na kong nalaman hahaha.
Oy di ko sya crush asa sya. Papakagat na lang ako sa aso naming ulol.
“Hoy Hidrus sino naman yangsinisilipmo jan ang manyak mo talaga.”
Panggulo talaga tong tropa ko.
“Wala ka na dun.”
Biglang sumilip si Tyron sa bintanang sinisilipan ko.