Makalipas ang pitong buwang gabi-gabi si Ericka umiiyak at humahagulgol at nag-aaway sila ng nanay niya, Nagkaroon din ako ng lakas na kumprontahin si Ericka kung ano ang nangyayari sakanya sa Bintana.
Naging matalik na kaibigan ko na rin si Ericka kase naaawa na rin ako sakanya.
Pumunta kami sa bahay namin para gumawa ng by-pair project. Pumasok kami sa kwarto ko at nakita ko yung bintana. Tapos maya-maya nalang ay kinausap ko na siya...
"Ericka mag-tapat ka nga saakin. Bakit kapag palagi akong tumitingin sa bintana eh umiiyak ka?" sabi ko. "Wala." Sabi niya. "Anong wala? Sabihin mo na, parang wala naman tayong pinagsamahan." Sabi ko, "Kapag sinabi ko ba maniniwala ka?" Sabi niya. "Oo" sabi ko.
"Gabi-gabi kaseng dinadalaw ako ng Demonyo." Sabi niya. Tumayo balahibo ko nung sinabi niya yun.
"Nakikita ko kaseng gusto akong pahirapan ng Demonyo. Kaya palagi siyang nakabantay 'pag gabi." Sabi niya.
"Bakit hindi mo sabihin kay Tita France?" Tanong ko.
"'Wag! Please. 'Wag mong sabihin!" Sabi niya.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Ayoko siyang madamay sa kasalanan namin ng Papa ko." Sabi niya na ikina-curious ko naman.
"Ano naman yun?" tanong ko.
"'Wag na. Lalayuan moko kapag nalaman mo eh." Sabi niya.
Medyo kinakabahan ako kase hindi ko alam kung ano yun. Kaya naging-anxious ako.

BINABASA MO ANG
Ang Demonyo sa Bintana
УжасыBABALA Para lamang ito sa mga mahilig sa mga nakakatakot na kwento. Mas maganda kung bago kayo matulog magbasa nito. SHORT STORY po ito. Cast Stan - autobiographer Ericka France - nanay ni Ericka Hannah and Joyce - artists Earl, Celine and Debbie...