The Love Potion
"Totoo ba 'yong gayuma?" Tanong ni Czarina sa kaibigan niyang si Liz.
"Gayuma? Hindi totoo 'yan no?!" Natatawang sagot nito sa kanya.
"Bakit sabi ni Aling Doray gumamit daw ng gayuma si Aling Maring para mainlove sa kanya si Sir Charles?" Sabi niya na ang tinutukoy ay ang mga kapit-bahay nila.
"At naniniwala ka naman sa kanya? Alam mo namang numero unong tsismosa 'yon eh!"
Hindi na siya nakasagot pa nang dumaan sa tabi nila si Andrew. Ngumiti ito sa kanya dahilan para kiligin siya nang sobra.
"Naku Czarina ha! Don't tell me may balak kang gayumahin si Andrew?" Kinikilabutang sabi ni Liz.
"Pa'no ko naman gagawin 'yon? Ikaw na nga ang may sabi 'di ba? Hindi totoo ang gayuma."
Si Andrew ay ang kababata niyang ubod ng gwapo. Dati hindi naman niya ito gusto. Nagsimula lang siyang magkagusto dito nang tumungtong na sila nang kolehiyo. Nakakatawa nga eh, matagal na niya itong nakakasama ngunit ngayon lang niya naramdaman na may espesyal na pala siyang pagtingin sa binata. Ngayon pa talaga kung kailan marami na ang naghahabol at nakakapansin dito.
"Halika, punta tayo sa gym." Pagyaya niya sa kanyang kaibigan. Isa kasing basketball player si Andrew at talagang hangang-hanga siya sa galing nito sa paglalaro ng sport na ito.
"Ano bang nangyari at naging malayo na ang loob sayo ni Andrew?" Tanong ni Liz sa kanya. Naalala niya tuloy noong highschool sila, palagi silang magkasama nito sa pagpunta ng paaralan. Magkapit-bahay kasi sila dati at naging magkaibigan din sila.
"Ewan ko nga eh, siguro dahil lumipat na sila ng bahay kaya parang lumayo na rin ang loob niya sa'kin." Napatingin siya sa grupo ng mga babae na halos mamaos na yata sa kakasigaw ng pangalan ni Andrew habang pawis na pawis itong naglalaro.
"Ang lalandi!" Nanggagalaiti siya lalo na nang mapansing sumulyap din si Andrew at pasimpleng kumaway sa mga ito.
Pagkatapos ng laro ay agad niya itong nilapitan at inabutan ng bottled water. Napangiti naman ito at agad na tinanggap ang ibinigay niya.
"Para sa'n to?" Tanong nito bagama't nakangiti pa rin.
"For restoration of our friendship?" Nakangiti ring sabi niya. Oras na, oras na talaga para makipaglapit ulit siya sa binata. Natatakot siyang mapunta ito sa iba.
"Ayos ka rin ah!" Nakangiting sabi nito sabay ginulo ang mahaba niyang buhok.
"Andrew naman eh! Ano ba?!" Kunwari'y naaasar na sabi niya, ngunit ang totoo ay nagbubunyi ang kalooban niya. Ganito rin kasi ito maglambing dati.
"Eto naman, parang 'di na mabiro. Kita na lang tayo mamaya ha? Pagkatapos ng klase." Sabi nito at iniwan na siya.
Parang gusto niyang maglupasay sa sahig nang makita niyang lumingkis sa braso nito ang babaeng leader yata ng fans club nito.
"Oh, ano pang hinihintay mo? Parang wala lang tayong pasok ah?!" Pukaw sa kanya ni Liz.
"Oo na, alis na tayo." Sabi naman niya at nagmartsa patungo sa direksyon ng classroom nila for their last subject.
PAGLABAS ng classroom ay mukha agad ni Andrew ang hinanap niya. Nagkandahaba-haba lang ang leeg niya ngunit wala pa rin siyang nakitang Andrew sa paligid.
"Wala pa rin siya?" Naiinip na tanong ni Liz.
"Obvious ba?" Naaasar na sagot niya.
"Umuwi na kasi tayo. Bukas mo na lang ulit siya landiin." Natatawang sabi nito.
BINABASA MO ANG
Tales of the Heart
RomanceA collection of stories that will make you love ... L-O-V-E. <3