*****CONTINUATION*****
INABUTAN niyang nakatayo si Andrew sa labas ng classroom nila. Nakangiti niya itong sinalubong.
"Hi!" Masiglang bati niya rito.
"Hello. Hindi ka ba galit?" Kunot-noong tanong nito.
"Bakit naman ako magagalit?" Nakangiting balik-tanong niya dito.
"Hindi kasi kita nasipot kahapon. May nilakad kasi akong importanteng bagay." Sabi nito.
"Okay lang, maliit na bagay." Sabi niya na ikinumpas-kumpas pa ang kamay sa hangin.
"Talaga? Salamat, napaka-understanding mo naman." Sabi nito na napakamot pa sa pisngi nitong may malalim na dimple. Sobrang cute talaga nito kaya mas naging agresibo si Czarina sa kanyang binabalak.
"Oy, tamang-tama! Binilhan kita ng kape." Sabi niya sabay abot ng kapeng binili niya sa canteen nila kanina.
"Ang galing talaga ng timing mo. Hindi pa kasi ako nakapag-breakfast eh." Nahihiyang inabot nito ang kape at agad na ininom.
"One point." Bulong niya sa kanyang sarili.
"May sinasabi ka ba?" Kunot-noong tanong niya.
"Wala, ang sabi ko mauna na ko kasi nandiyan na si Sir." Nakangiting sabi niya.
"Parang walang may nagbago sa ngiti mo ah? Nakakahawa pa rin." Sabi nito na nakangiti rin.
"Bolero." Sabi niya na ikinatawa lang nito.
"Mauna na ko, sabay na tayong mag lunch ha? I will make it up to you." Sabi nito na sobrang ikinatuwa niya. Kumaway pa ito sa kanya bago tuluyang nawala sa kanyang paningin. Nakangiti siyang umupo sa kanyang pwesto.
"Maligayang araw!" Bati pa niya sa katabing si Liz.
"Oh, ano'ng nakain mo?" Nagtataka namang tanong nito.
"Sinigang, bulalo, nilaga!" Sagot niya na ginaya pa ang tono ng bata sa patalastas ng isang produktong hindi na niya maalala. Natawa ito sa kanya dahilan para masita sila ng professor nila. Natahimik tuloy sila nang wala sa oras.
"MAUNA ka na Liz!" Sabi niya sa kaibigan niyang naghihintay sa kanya sa may pinto ng classroom nila. Lunch break na kasi at inaasahan na niyang susunduin siya ni Andrew.
"Okay, alam ko namang magpapaka shunga ka na naman sa Adrew mo eh." Sagot nito na hindi na hinintay pa ang sasabihin niya.
"Anyway, have fun and see you later." Sabi ni Liz na nakadungaw sa bintana ng classroom nila.
"I will. Thanks!" Napahinga siya nang maluwag. Ang akala niya kasi ay nagtatampo ito.
MAYA-MAYA lang ay humahangos na dumating si Andrew at inabutan siya nito ng white rose.
"Am I late?" Tanong nito.
"Hindi naman." Nakangiting sabi niya na inamoy pa ang bulaklak.
"Buti naman, shall we go?" Tanong nito. Tumango lang siya at pagkatapos ay lumingkis sa matipuno nitong braso.
ISINIGAW niya nang malakas ang pangalan ni Andrew para i-cheer ito. Nakaupo siya sa isang tabi habang pinapanood itong naglalaro. Maya-maya lang ay hinihingal na itong lumapit sa kanya. Agad niyang pinunasan ang pawis nito at inabutan ito ng gatorade. Ito na ang ika-anim na araw ng gayuma. Sa mga nagdaang araw ay unti-unti na niyang nakikita na nagtatagumpay siya. Hindi pa man umabot sa ika-anim na araw ay tila nagkakagusto na ito sa kanya kaya sigurado siyang mapapasakanya na talaga si Andrew sa araw na 'to.
BINABASA MO ANG
Tales of the Heart
RomanceA collection of stories that will make you love ... L-O-V-E. <3