The Key Chain I

32 3 0
                                    


The Key Chain

"Nakakainis! Dito lang naman tayo tumambay kagabi 'di ba?" Kanina pa nila hinahanap ang key chain niya ngunit hindi talaga nila ito makita. That key chain means so much to her dahil galing ito sa namayapa niyang ama.

"MC, wala talaga dito eh." Sabi ng pinsan niyang si Lilac.

"Eh? Alam mo namang hindi pwedeng mawala 'yon eh!" Halos maglupasay na siya sa sahig sa sobrang sama ng loob.

"Tinuturuan ka yatang mag let go." Sabi ng pinsan niya.

"Parang awa mo na Lilac! Hindi ko kailangan ng hugot of the day. Kailangan ko ang key chain ko!" Napaupo na siya sa sobrang pagkadismaya.

"Wala na tayong magagawa couz. Wala naman dito eh." Sabi nito sa kanya.

Napabuntong hininga siya, tanda ng pagtanggap na hindi na niya makikita ang key chain niya.

"Halika na couz. Mamaya ma late pa tayo. Malay mo mapansin ka na ni Enzo ngayong araw." Pampalubag-loob na sabi ni Lilac.

"Akala ko ba 'let go' na?" Nakabusangot na sabi niya.

"Bakit, kaya mo ba?" Nananantiyang tanong nito.

"Kaya ko ngang i-let go ang key chain ko, siya pa kaya?"

"Weh? 'Di nga?"

"Kung ayaw mong maniwala, eh di 'wag!"

KANINA pa niya hinihintay ang pinsan niya ngunit wala pa rin ito. Gutom na gutom na siya kaya minabuti niyang mauna na lang siyang kumain.

"Bakante ba dito?" Tanong ng lalaking kasama ni Enzo sa banda nito. He is Dexter, the guitarist.

"Sa ngayon, oo pero maya-maya siguro hindi na." Sagot niya habang ngumu-nguya.

"Ah, gano'n ba? Eh 'di aalis na lang ako kapag dumating na ang kasama mo." Nakangiting sabi nito.

"Bahala ka." Sagot niya. Parang hindi niya kasi ito kayang tarayan since nasa personality nito ang pagiging warm and friendly katulad ni Enzo.

"Nag order ka na rin para sa kasama mo?" Tanong nito habang ngumunguya na rin.

"Hindi, akin lahat 'yan." Pag-amin niya dito. Bahagyang nakaramdam siya ng hiya ngunit ayaw naman niyang magsinungaling. Siya kasi ang tipo ng babae na mahilig sa 'extra'. Extra rice, extra ulam at kung anu-ano pa.

Napangiti ito ngunit hindi nagsalita. Natatakot sigurong ma-offend siya.

"I find it cute." Sabi nito habang nakatingin sa kanyang nilalantakan ang chicken wings.

"Nang ano?" Kunot-noong tanong niya.

"Ikaw." Nakangiting sagot nito. Kamuntik pa tuloy niyang maibuga ang fried chicken sa bibig niya.

"I like you." Sabi ulit nito. Nasamid siya sa kanyang narinig kaya hindi na talaga niya napigilang lumabas ang fried chicken sa bunganga niya.

Agad namang kinuha ni Dexter ang panyo nito at iniabot sa kanya ang tubig.

"Nagulat ba kita?" Tanong nito.

"Ay hindi. Hindi ako nagulat kahit katiting." Pabalang na sagot niya dito.

"Ang cute mo talaga!" Sabi nito na pinisil pa ang pisngi niya. Pinalis niya ang kamay nito at tumayo na.

"Kung pinapasakay mo lang ako, pwede ba ... tigilan mo na dahil wala akong balak sumakay sa gimik mo." Sabi niya bago tuluyang lumayo dito. Sinundan naman siya nito.

Tales of the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon