BAGO siya nakalabas ng pinto ay pasimpleng tiningnan niya si Enzo at nagulat siya nang makitang nakatingin din pala ito sa kanya. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata ngunit agad din niyang isinara ang pinto.
DALI-DALI siyang naglakad papunta sa kanyang locker. Halos hindi na niya naisip na kasama pala niya si Lilac.
"Maria Cela! Hintayin mo nga ako!" Tawag nito sa buong pangalan niya.
"Bilisan mo kasi. 'Wag ka nang umarte-arte diyan." Sabi niya dito.
"Ay, nagmamalinis siya oh!" Hindi na niya pinansin ang pang-aasar nito. Agad niyang tiningnan kung meron bang nakalagay na note sa locker niya at hindi niya alam kung matutuwa o matatakot siya nang may isang note na naman na nakalagay doon.
KUNG SI JOSE RIZAL AY NASA PISO, IKAW NAMAN AY NASA PUSO KO. :)
- EM
Bahagya siyang natawa ngunit naagaw ang kanyang atensyon sa mga letrang nakatatak sa ibabang bahagi ng note. Ipinabasa niya ito kay Lilac.
"My gulay! Hindi kaya 'Enzo Madrigal' Ang ibig-sabihin nito?" Kinikilig na sabi ni ng pinsan niya.
"Move on na nga 'di ba?" Nakataas-kilay na sagot niya dito.
"Hindi mo nab a mahal?" Tanong nito.
"Mahal pa."
"Yon naman pala eh! Kung siya talaga ang korni ngunit sweet na lalaking nasa likod ng mga love notes na 'to ... eh 'di sunggaban mo na!" Napahagikhik na naman ang pinsan niya.
"Ikaw talaga! Kahit kailangan napakalandi mo!"
"Aray ko naman! Parang hindi ka naman nakikinabang 'no?" Natawa silang pareho sa tinuran nito ngunit hindi nawala ang kaba at excitement sa puso niya. Paano nga kaya kung si Enzo ang nagbibigay sa kanya ng mga love notes?
KINABUKASAN ay kinikilig na inabot sa kanya ni Lilac ang isang pumpon ng pulang rosas.
"Confirmed!" Abot tenga ang ngiti nito habang inaabot sa kanya ang mga bulaklak.
Napakunot-noo siya sa sinabi nito ngunit agad na nawala ang kanyang pagtataka nang binuksan niya ang card at makita ang pangalan ni Enzo.
"Dream come true na talaga!" Patiling sabi ni Lilac na agad naman niyang tinakpan ang bunganga.
"Tumahimik ka! Mamaya pagpiyestahan tayo dito ng mga tsismosa't tsismoso."
"So ano nang balak mo?" Pabulong na tanong ng pinsan niya.
"Kailangan ko muna sigurong makausap sina Dexter."
PAGKATAPOS ng klase ay agad siyang nakipagkita kay Dexter. Gusto niyang ipagtapat dito ang tunay niyang nararamdaman. Ayaw na niyang patagalin pa ang panliligaw nito.
"Kamusta araw mo?" Nakangiting tanong ni Dexter sa kanya.
"Okay naman." Simpleng sagot niya. Hindi niya alam kung papano niya sisimulan ang gusto niyang sabihin dito.
"Sinabi na pala ni Enzo sa'kin." Sabi nito sa tila pinasiglang tinig.
"'Yong tungkol saan?" Tanong niya. Hindi kasi talaga niya alam kung ano ang dapat sabihin.
"Na nanliligaw din daw siya sayo." Nakangiting sabi nito ngunit alam niyang nagdaramdam ito.
"M-may gusto sana akong sabihin sayo, Dex." She tried to clear her throat.
"Dexter!" Nagulat silang pareho nang bigla itong tinawag nang ka bandmate nito.
"Saglit lang ha?" Sabi nito sabay takbo papunta sa tumawag dito. Dahil na rin siguro sa pagmamadali ay hindi na nito namalayang may nalaglag mula sa bag nito. Pinulot niya ito at laking gulat niya nang makita ang key chain na naiwala niya! Yong key chain na ibinigay sa kanya ng papa niya!
BINABASA MO ANG
Tales of the Heart
RomanceA collection of stories that will make you love ... L-O-V-E. <3