43 4 1
                                    

Hila-hila ang mga bagahe ko,kinakabahan akong naglakad palabas ng airport.Ilang taon din akong namalagi sa Saudi at ngayon ko lang ulit narinig ang ingay ng mga pinoy na nagsisitakbuhan papunta sa mga mahal nila sa buhay na gumising pa ng maaga para lang sunduin ang mga ito.

Inilibot ko ang paningin ko,nagbabakasakaling baka may sumalubong din sa aking pagdating.Hindi ko naman inaasahang may pupunta nga para sunduin ako.Baka busy sila,isa pa alas kwatro pa lamang ng umaga.Baka tulog pa sila.

" "Ma..Huwag ka nalang umalis,please?"Pakayukong pakiusap ng panganay kong anak.Si Hannah.Nahinto ako sa pag-iimpake ng mga bagahe ko dahil sa sinabi niya.Napatingin ako sa kanya at napansin kong yumuyogyog ang balikat niya.Umiiyak siya.Pero hindi siya gumagawa ng kahit na anong ingay.

Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya para mapalapit sa'kin.Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama at nakatayo siya sa harap ko.Iniangat ko ang mukha niya at iniharap ito saakin.Pinunasan ko ang masaganang luhang dumadaloy sa mata niya.Ang sakit makitang umiiyak siya dahil sa'kin.Pero para din naman sa kanila ang gagawin ko.

"Anak,malaki kana.Alam kong naiintindihan mong kailangan 'tong gawin ni mama kasi para 'to sa inyo,para 'to sa ikabubuti niyo."

Nag-iinit na din ang mata ko at nagbabadya na ding tumulo ang luha ko.Hinaplos ko ang muka niya,matatagalan pa bago ko ulit 'to mahahawakan.Matagal din akong mawawala.Siguro'y hindi ko masusubaybayan ang mga pagbabago sa mukang 'to.Kagat-kagat ang labi ay bigla niya akong niyakap,sa sobrang higpit ay mahirap na huminga.Pero gusto ko iyon,gustong gusto ko ang yakap ng mga anak ko.Kong pupwede ay ayoko ng matapos ang yakap na'yon.Kong pwede ay dito na lang ako at sasamahan sila hanggang sa paglaki nila...Kaso hindi..May responsibilidad parin ako.Kailangan ko silang itaguyod lalo na't wala na akong asawang kakayod para samin.

Mga Storyang PampalipasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon