5 0 0
                                    

Sleeping Lonely
12:04:16

Si Shawn,sampung taong gulang pa lamang at nag-aaral sa pang-anim na baitang. Masyado siyang tahimik kaya walang nagtatangkang kumausap sa kaniya.

Matalino siya at masipag. Ngunit wala siyang mga kaibigan. Pumupunta siya sa paaralan nang mag-isa, kumakain nang mag-isa, at uuwi nang mag-isa. Ngunit hindi iyon dinibdib ni Shawn.

Kahit gusto niya ng kaibigan ay hindi niya magawang makipag-usap sa mga kaklase niya. Masyado siyang mahiyain at palaging may sariling mundo. Sa kakaharap sa komputer ay lumabo ang kaniyang paningin at umitim ang ilalim ng kaniyang mata.

Nakatira siya sa ampunan, sa pagkakaalam niya, namatay ang mga magulang niya sa isang aksidente. Kahit pa ang mga kasama niya sa ampunan ay nilalayuan niya, gusto niyang nakakulong lamang siya sa kwarto niya at maglaro nang maglaro sa komputer.

Isang gabi, habang natutulog si Shawn ay nanaginip siya. Napunta siya sa isang kakaibang mundo, mayroon kulay ubeng buwan at kulay rosas na araw. Asul ang kalupaan at kahel naman ang kulay ng dagat. Namangha siya, maliban sa planetang Venus ay isa itong kabigha-bighaning planeta.

Suot ang kaniyang pantulog, naglibot-libot siya. Hanggang sa makakita siya ng isang nilalang, may mahaba itong pulang buhok, pulang mata, berdeng balat at nakasuot ito ng kakaibang kasuotan.

Aalis na sana siya nang makita siya nito, sa gulat ay nadulas siya dahilan upang madungisan ang kaniyang katawan. Lumapit ang nilalang na sa tingin niya ay babae, tinitigan siya nito at hinawakan ang noo. Hindi siya makapagsalita, natatakot siyang baka saktan siya nito. Ngunit laking gulat niya nang magsalita ito at naiintindihan niya. "Nasaktan kaba?" ani sa malalim na boses. Lalake ang kaniyang kaharap. Ngunit may angkin itong ganda!

"Hindi, huwag mo'kong saktan, nagmamakaawa ako." ani Shawn. Ngumiti ito sa kaniya at pinatayo siya.
"Hindi kita sasaktan, halika sumama ka sa'kin." Iginaya siya nito sa isang lugar kung saan madaming kakaibang halaman. Pumasok sila sa loob ng isang halaman at tumambad sa kaniya ang siguro'y pamilya ng nilalang.

"Sila ang pamilya ko, si Erwai-ang aking ama at Saarai-ang aking ina." Ngumiti ang mga ito sa kaniya. Ang nilalang na tinatawag na Erwai ay mayroong mahabang pulang buhok, malaking pangangatawan at sungay sa likod ng buhok nito. Ang ina naman na si Saarai ay may asul na buhok at berde rin ang kaniyang balat.

"Sino siya Gai?" ani Saarai sa malambing at mahinhing boses. Sumagot ang tinanong at humarap kay Shawn. "At ako nga pala si Gai, tanggap ka sa aming tahanan, Shawn." Nagulat si Shawn dahil alam ni Gai ang kaniyang pangalan. "Paano mo nalaman ang pangalan ko? At bakit ko kayo naiintindihan?"

"Binago ko ang iyong lenggwahe kanina upang maintindihan mo kami." Saka pa lamang niya napagtantong iba na pala ang lenggwaheng sinasambit niya ngunit naiintindihan niya iyon gaya lamang ng lenggwahe nila sa planetang Earth. "Nasaan ako?" tanong niya, "Ikaw ay nasa planetang Ai, ito ang planeta namin. Tara, ipapasyal kita."

Sila ay namasyal, kung saan-saan sila napadpad. Naglaro sila kasama ang mga kakaibang hayop at nagtampisaw sila sa kahel na dagat. Hanggang sa gumabi na at kailangan na nilang matulog.

Sa pagpikit niya ay siya namang pagdilat ng kaniyang mga mata at sumalubong ang sinag ng araw mula sa bintana ng kwarto niya. Inakala niyang panaginip lamang ang naging karanasan kaya naghanda na lamang siyang pumasok nang may panghihinayang sa mukha.

Nang gumabi na ay nagmadali siyang matulog sa pag-asang baka mapanaginipan nanaman niya ang kakaibang mundong napuntahan niya. At ganoon nga ang nangyare.

Muli silang nagkita ni Gai at naglaro nang naglaro. Ang kaganapang iyon ay naulit nang naulit hanggang sa ilang taon na ang lumipas at magkaibigan parin si Shawn at ang pamilya ni Gai.

Ngunit si Shawn ay wala paring kaibigan sa totoong mundo. Hindi na niya iyon pinansin pa, ang mahalaga ay mayroon siyang kaibigan sa panaginip.

Ngunit dumating ang pinakakinatatakutan ni Shawn. May pamilyang gustong umampon sa kaniya. Mababait naman ito at kaya siyang suportahan.

Sinabi niya kay Gai ang nangyari. Natuwa si Gai ngunit siya ay hindi. Baka hindi na sila magkita pang muli pagnagkataon. "Gusto mo bang maging ganito ka habang buhay? Tumatanda na tayo. Mas mabilis ang oras sa mundo namin kaysa sa mundo mo. Darating ang araw na mawawala kami sa buhay mo. Gusto kong magkaroon kana ng kaibigan sa mundo niyo."

Umiyak si Shawn, ang kakaibang nilalang lamang ang naging kaibigan niya sa loob ng ilang taon. Ayaw niyang mawalay dito sapagkat ito lamang ang nakakaintindi sa kaniya. Hanggang sa gumabi na sa mundo nila Gai, at kailangan nang lumisan ni Shawn.

"Tandaan mo, ako, kami ay palaging nasa tabi mo. Magkalayo man tayo ay palagi ka naming babantayan."

Dumating na ang araw nang paglipat ni Shawn. Naging mas balisa siya kumpara sa dati at mas umitim ang ilalim ng kaniyang mata. Araw na ng pasukan at nag-isa nanaman siyang pumasok sa kaniyang bagong eskwelahan.

Habang kumakain ay may tumabi sa kaniya. Pula ang buhok nito at may malaking ngiti. "Ako nga pala si Gai, sana maging kaibigan kita."

Kahit may naiisip na konklusyon si Shawn ay hindi na siya nag-usisa pa at tinanggap ang alok ng katabi. Kaklase niya pala ito.

Simula nun ay naging malapit silang magkaibigan at dumami ang kaibigan niya. Laking pasalamat niya sa kaniyang kaibigang si Gai, kundi dahil dito ay mananatili siyang walang kaibigan.

••••••••

Gagawin ko tong libro haha project kasi at naisipan kong ipublish dito. Sana nagustuhan niyo. May mga sinisimulan na akong isulat para sa uds nito. Comment naman kayo. Pamasko niyo na sakin haha biro lang. Labyuol!

Mga Storyang PampalipasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon