Pagod akong pumasok ng bahay at agad na dumiretso sa kusina para kumain.Kagagaling ko lang sa trabaho at gutom na gutom na'ko.Panggabi kasi ang duty ko kaya umaga nakong nakakauwi.Isa akong security guard sa isang ospital na malapit lang sa'min.Tama lang naman ang sahod.Pwede ng pangbuhay at pang-aral sa anak ng yumao kong asawa.
Ang pananabik na pag-uwi ay pinagsisihan ko dahil sa tumambad sa'kin.Walang laman ang kaldero,walang ulam,at wala pang mainit na tubig.Ramdam ko pa ang mga kalat sa sahig.Walang naglinis.Kaya yamot akong nagsaing at dahan-dahang nagwalis.
Agad akong napatakbo sa kusina ng maamoy ang sunog kong sinaing.Napahilamos na lamang ako ng palad dahil sa inis.Ano ba naman 'yan.Subsub ako sa trabaho.Bahay na nga lang ang pahinga ko pati dito gagalaw parin ako.
Dahil sa inis ay agad kong tinungo ang kwarto nya at kinalabog iyon.
"Ano ba naman Rica,tanghali na tulog ka parin!Ano?Hindi ka ba gigising jan?!"
Agad akong bumalik sa kusina at pinagtiisang kainin ang kanin na nilagyan ng toyo.Gutom na gutom na talaga ako,kahit anong pampalasa lang ng kanin ay pagtitiisan ko magkalaman lang ang sikmura ko.Kagabi pa ako walang kain at tinitipid ko ang pera ko dahil malapit na ding magkolehiyo si Rica.Gusto ko siyang makapagtapos ng pag-aaral.Kahit na hindi ko siya kadugo ay parang anak na din ang turing ko sa kanya.Malay natin,balang araw ay susuklian nya ang paghihirap ko.
Nakita ko siyang nagmumug at inayos ang buhok nya.Umupo siya sa katapat kong upuan at nagsimulang kumuha ng pagkain.Kalma,Ronald.Pigilan mo,bata siya at babae.Napabuntong hininga na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Ano bang pinaggagagawa mo't lagi kang tinatanghali ng gising?"
Hindi siya sumagot.
"Magdamag akong nagtatrabaho,Rica.Dinadamihan ko ang trabaho ko para makapag-ipon para sa kolehiyo mo.Tapos ganito nalang lagi igaganti mo sa'kin?Ako pa yung pinagsasaing mo para makakain ka?Ako nalang lagi?Mahiya ka naman sa'kin,Rica.Hindi mo ako tatay.Hindi moko kadugo.Pero abuso kana."
Sobrang dismayado ako.Anak si Rica ng yumao kong asawa.Wala na siyang mapupuntahan,tutal anak naman siya ng asawa ko.Edi ako nalang ang magiging tatay nya.Kaso nakakainis lang talaga.Pagod na pagod ako at gusto kong magpahinga.Tapos ganito..
"Sorry po."
Hindi na nya tinapos ang kinakain nya at agad na umalis na sa harap ko.Hinayaan ko na lang at gutom pa'ko.Napatingin naman ako sa papel na nakalatag sa harap ko.May nakasulat.
"Releasing of cards,Sunday,8am."
Sulat kamay nya iyon.Enero na ngayon at sa pagkakaalam ko ay nasa 4th quarter na sila.At sa linggo na ang kuhaan ng cards nila sa nakaraang markahan.Dahil narin sa lagi akong pang-umaga dati ay hindi ko nakukuha ang card nya.Ngayon palang.Nag-aaral kaya siya ng mabuti?Malaki kaya ang grades nya?Sana..Kahit doon manlang makabawi siya.Sana..
Tinapos ko na ang pagkain ko at dumiretso na sa kwarto ko.Pagod na pagod na kasi ako at gusto ko ng matulog.Labindalawang oras din akong mulat at tinitiis ang antok.Dalawa lang kasi kaming guwardya,umalis kasi ang isa.Kaya kailangang patibayin ang talukap ng mata para magkapera.Hindi tayo mayaman eh.
-----
Papunta na ako ngayon sa trabaho ko sa ospital.Kagagaling ko lang sa sabungan.Hindi para magsugal kundi para magbenta ng biko at chitcharon.Saydlayn para magkapera habang hindi pa naibibigay ang sahod ko.May alam kasi ako sa pagluluto ng biko kaya naisip kong dagdag pera 'yon kapag hindi ko sinayang ang oras ko sa pagtulog.Kapag may tira ay ibebenta ko naman sa mga kasamahan ko at mga nurse o doktor.O kaya 'yon nalang ang ihahapunan ko.Kunting tubig at isang kutsarang kanin ay tama na.
BINABASA MO ANG
Mga Storyang Pampalipas
De TodoMaaaring pang agahan,pangtanghalian,pangmeryanda at panghapunan. Pampalipas oras o pampawala ng kaekekan sa buhay.Maaari ring kapag no choice na at napadaan sa napagtripan ko lang na storya.O kaya kapag nagandahan ka sa minadaling book cover ay baba...