Nagsisiksikan kami ngayon papasok sa gate ng eskwelahan.Nakakainis naman kasi ang daming estudyante.Sabi ko naman mamaya na kami pumasok kaso 'tong abnormal na bakla kong bespren ay nagmamadali yatang pumasok.Psh takot malate.
"Ano ba naman 'yan."
Yamot na bulong ko habang tinitiis ang ingay at init.Kabwesit kasi,aga aga pagpapawisan na'ko.Haggard na ang ganda ko mamaya!
Nakakapit lang ako sa bag nya habang nagtatago ako sa likod niya.
"Hoy alam mo namang mabigat 'tong bag ko dadagdag kapa."
"Heh!Eh kong hindi ka naman kasi nagmamadali hindi sana tayo makikipagsiksikan para makapasok!Ang init init kaya!"
Hindi na kami masyadong magkarinigan dahil sa ingay ng mga kasabay naming mga estudyante.Pero nagulat ako nung bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila ito.Napatapak ako sa simento sa gilid kasi wala ng space sa gilid niya kaya dun ako napadaan.Nawala ang kunot sa noo ko kasi hindi na mainit dito at hindi na din masikip kasi ako lang mag-isa ang dumadaan habang hawak ang kamay niya.
Ito nanaman.Kumakabog nanaman ang dibdib ko.Sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko parang mamamatay ako sa pakiramdam na masakit ng konti ang tiyan ko.Ano to?Worm in my stomach?
"Bwesit ka muntik nakong sumubsub sa simento."
Nakabusangot kong sabi sa kanya,para panandaliang makalimutan ang kakaiba kong nararamdaman.Hindi naman siya tumingin sa'kin at tahimik lang na naglalakad habang hawak ang kamay ko."Tabi nga!"
Taboy ko sa kanya at bumalik ulit sa likod niya kasi wala ng simento at dead end na ang dadaanan ko."Hindi kana naiinitan?"
Napalingon ako sa tanong niya.
"Ha?"
"Wala,tara na!Baka paglinisin pa tayo ni ma'am kapag na late tayo!"
Hinila na niya ako papasok at dumaan kami sa hallway ng ground floor para makapunta sa comlab.May construction kasing nagaganap sa gitna ng school kaya sirado ang mga daanan papunta sa dulong bahagi ng campus maliban sa hallway ng grades 9-10 building.Habang naglalakad kami doon ay naisipan kong bumitaw na sa hawak niya.Hindi ako kumportable.Nakakamatay.
"Ahm,hoy inday."
Matalim ang tinging lumingon siya sa'kin.Pero hindi naman ako natatakot.
"Ilang beses ko na bang sinabi sayong h'wag inday ang itawag mo sa'kin?Napagkakamalan na akong bakla."
"Eh ano pala gusto mo?Dodong?Pili ka.Inday o dodong? ihihih"
"Keis."
Nagtaka naman ako.Wala naman 'yon sa choices ah!At err hindi parin niya binibitawan ang kamay ko.
"High kaba?Hahahah hoy kamay mo,chansing kana ha."
Agad naman siyang napabitaw sa kamay ko.Gustuhin ko mang magtagal iyon ay ayoko din.Ayokong mahulog ng tuluyan.Nakakatakot..
"Keis na kasi."
"Oo na! IKeis kita jan eh!"
Tumakbo na ako papuntang comlab.ICT kasi ang una naming subject ngayon.At sa kasamaang palad ay classmate ko siya.Siya si JaSh.Jacob Shane.Best friend ko,,at mahal ko..Hindi niya alam..At wala akong balak sabihin sa kanya.Ayokong masira ang pagkakaibigan namin.Mahirap na..
Ako si AR..Arian Real..Isang simpleng babae.Patagong nagmamahal sa taong pafall.Patago ding nasasaktan dahil natatakot akong baka magbago ang lahat kapag sumaya ako..Hahay na'ko..
--
"Dito ka,bilis."
Makautos 'tong alien na 'to kala mo kong sino.Pinapaupo niya ako sa gilid niya.Inatras niya pa ang upuan niya para bigyan ako ng space.Wala naman akong choice at sinunod ko nalang ang gusto niya.Para narin asarin siya ngumisi ako ng pagkalaki laki.
BINABASA MO ANG
Mga Storyang Pampalipas
NezařaditelnéMaaaring pang agahan,pangtanghalian,pangmeryanda at panghapunan. Pampalipas oras o pampawala ng kaekekan sa buhay.Maaari ring kapag no choice na at napadaan sa napagtripan ko lang na storya.O kaya kapag nagandahan ka sa minadaling book cover ay baba...