CHAPTER 14

3.6K 64 0
                                    

~Shimizuu's POV~

"So, napatay na nila ang lahat ng myembro ng Black Sinister?" tanong ko kay Mark.

"Oo... at di nila alam na pinadali lang nila ang plano natin. Di ko alam na masyado pala silang madaling mahuhulog sa mga kamay natin." sabi ni Mark

"Haha... sadyang malaki lang silang tanga. Nasa harap na nila, di pa nila alam. Mamamatay na sila wala pa din silang kamuwang-muwang." sabi ko

"Mga kawawang kuting." sabi ni Mark

Di ko naman alam na kilos lang kayo ng kilos pero di nyo pala pinag-iisipan. Mga wala pala kayong utak at gaya ng inaasahan ko, madali kayong malalagla sa mga palad ko. Maghintay lang kayo dahil kayo naman ang isusunod ko.


~Amber's POV~

Nandito ako ngayon sa laboratory para tapusin yung mga natitirang eksperimento ko... kasama ko ngayon dito si Eros at nasa kabilang room naman sila Mhira at Zeke.

"Anong potion naman ang ginagawa mo ngayon?" tanong sakin ni Eros.

"Isang klase ng potion na kapag naamoy ng target eh magsashutdown ang nervous system nila na agad nilang ikamamatay... kaya tayo naka gas mask ngayon." sabi ko sakanya.

"Ooohhh! Parang yung may mustard na something! Yung ginamit ni Hitler para patayin yung may milyong mga hudyo!" namamanghang sabi nya.

"Oo. Yung ganun nga." sabi ko kay Eros

"Astig! Bakit ba ang genius mo?" tanong nya sakin

"Ewan. Sisihin mo mga magulang ko. Tsaka di lang naman ako ang genius dito! Si Zeke din kaya! Mas malala nga yun sakin eh! Freak kaya yun!" sabi ko kay Eros

"Hoy sinong freak?!" tanong ni Zeke na kakarating lang dito sa laboratory.

"Ikaw! Sino pa ba?!" sabi ko sa kanya

"Oy! Sa ating apat na nandito sa laboratory, alam naman nating si Mhira ang pinaka freak! Mas matalino kaya ito sa ating apat! napakataas ng IQ nito noh!" sabi ni Zeke kaya agad syang hinampas ni Mhira sa braso

"Oo nga naman! Si Mhira may 220 IQ, si Eros may 198 IQ, si Zeke may 190 IQ, samantalang ako may 150 IQ. Dapat nga kayo ang nageexperiment dito eh!" reklamo ko sa kanilang tatlo

"Ewan ko sayo GlamGull... alis na muna kami!" sabi ni Mhira kaya agad silang umalis.

"Tapos na ba yan?" tanong ni Eros

"Oo. Tara na sa labas." sabi ko sakanya

Eros Mark Dela Cruz. Long time bestfriend ko at long time first love ko. Malas ko lang dahil kapatid lang ang tingin nya sa akin.



~Mhira's POV~


"Whatcha gonna do?" tanong ni Zeke sa akin

"Your everything is just right, so you
Don’t need to worry, you can
100 percent trust every word I say
100 percent erase all your worries..." pagkanta ko ng 'Just Right' ng GOT7... namimiss ko na sila Jinyoung oppa at Yugyeom.

"Pst! May tumatawag sa phone mo." sabi ni Zeke sa akin kaya tinignan ko kung sino yung tumatawag sa akin.

"Uwaaaaaaa!!" pagsigaw ko kasi si Jae Bum oppa ang tumatawag!!!

//"Hello Oppa! Miss ko na kayo! Kamusta na kayo dyan?"// agad kong tanong sa kanya pagkasagot ko ng phone

//"Haha... ayos lang kami dito. Oh! kakausapin ka daw ni JR."// sagot ni Jae Bum oppa sa akin.

//"Hello Mhira... kamusta ka na dyan? Ano ng nangyari sa grupo mo dyan? Kamusta sila Eros?"// tanong ni JR oppa sa akin

//"Ayos lang oppa... nahulog na sa patibong ang kalaban. Kaya na naming I-handle ito."// sabi ko sakanya

//"Sigurado ka? Pwede akong umuwi dyan para tumulong sa misyon nyo. Gusto mo bang umuwi muna ako dyan?"// tanong nya

//"Di na oppa. Slice of cake lang ito."// sagot ko sa kanya

//"Ganun ba?---JR! Bilisan mo dyan at magsisimula na tayong mag-practice!--- Sige Mhira... mauna na ako ah? Tawagan nalang kita pag may time. Bye."// pamamaalam nya

//"Bye."// sabi ko at binaba ko na ang tawag.


Si Jinyoung oppa or kilala sa pangalan na JR ay kagrupo din namin... sya ang Rank 3 namin sa Blood Death at artista sya ngayon sa korea. Sa ngayon ay inaasikaso nya muna ang pag-aartista nya dun bago sya sumama sa mga misyon namin.


"Si Jinyoung?" tanong ni Zeke sa akin kaya tumango ako.


"Nakakamiss pala ang isang yun?" sabi nya kaya tumawa ako.


Bukas na ang Grand Chaos. Matapos na sana ito.

      

                         ~*~

a/n: PAALALA!!! DI PO MAGKAPAREHO SI MHIRA AT AMBER DITO SA 'THAT ARTIST IS A MAFIA BOSS' AT MHIRA AT AMBER SA 'I DREAM' SANA WALA PONG MALITO SINCE SAME NAME ANG CHARACTERS ALTHOUGH MAGKAIBA NAMAN SILA NG SURNAME KAYA I'M POSITIVE NA DI KAYO MALILITO.

P.S: all caps para intense! ^-^v


-Ayen

That Artist is a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon