Chapter 1

4 0 0
                                    




"Miss peralta, you're late..again" Masungit na sabi ng teacher namin pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom. Paanong hindi ako malelate eh kinausap pa ako nung teacher na natamaan ko ng bola. Nireport pa ako sa principal. Kaya ayun, community service. Bwiset kasi yang Dave na yan eh. Pahamak lagi.


"Sorry na Miss Sexy. Chill lang kayo. Magkakawrinkles kayo niyan eh." pacute kong sabi habang paupo na ako sa upuan ko sa bandang likod ng aming classroom.


"Hay nako! Ikaw talagang bata ka. Napaka-bolera mo. Bakit ka ba late?" tanong ng teacher namin. May mga biglang tumawa sa gilid ko kaya napalingon ako sa mga ito. Sinamaan ko ng tingin sila Dave at Zach na nagpipigil ng tawa saka ko inexplain sa teacher namin yung nangyare.


Pagkadismiss sa amin ng teacher namin ay agad kong pinuntahan si Dave na papalabas na sana ng classroom at binatukan. Gagong to. Pahamak.


"Walanghiya ka!" sigaw ko dito at tinawanan lang ako ng hayop. "Sorry na kasi babe" sabi neto at umakmang yayakapin ako pero madali akong lumayo sakanya. May pagkamanyak kasi tong barkada kong to kaya minsan kahit ako nilalandi. Dugyot. "Mandiri ka gago" sabi ko tapos sinuntok ko siya ng mahina sa braso

"Tara na nga kain na lang tayo" yaya ko sakanya. Inakbayan niya ako habang nakangise at sabay kaming pumunta sa canteen. Doon, nakita namin si Zach na kasama ang girlfriend niya. Oo, may girlfriend siya. Si Lycah. Hindi naman siya maganda pero ewan ko ba, pinatulan pa netong Zach na to. She's a bitch pare. A total bitch. Ilang buwan na rin sila pero wala akong pake dahil kwento nila yun at kwento ko to kaya buhay ko lang ikwekwento ko.


Lumapit kami sa table nila. 4 seats kasi iyon kaya napagpasyahann naming makitabi na lang tutal wala na din namang bakanteng table dahil maraming tao ngayon dito sa canteen.

"Uy Zach pre, maki-table kami ha?" paalam ko saka ako umupo sa tabi ni Zach. Hindi ko na hinintay yung sagot niya. Tropa tropa naman kami eh. Kaharap niya si Lycah na nakabusangot ngayon. Ayaw kasi niyan saken. Para namang gusto ko siya eh ni hindi ko nga siya type. Si Dave naman ay nagpresentang bumili ng pagkain naming dalawa.

"Kailan yung community service mo?" tanong ng nakangising si Zach sa akin.


"Sa friday, after class. Nakasimangot kong sabi." tumawa siya at ginulo niya yung buhok ko sabay sabing "Okay lang yan". "Ano ba pre!" naiinis kong sabi sabay tanggal ng kamay niya sa ulo ko. Tinanggal ko sa pagkakatali yung buhok kong nagulo at inayos ko ito. Kahit kasi totomboy tomboy ako, hindi ko naman gustong magpagupit ng panglalake. Wala lang, di ko trip. At saka baka mahimatay nanay ko.



"Gusto mo samahan ka namin ni Dave?" tanong niya. Tuwing may kalokohan kasi sila ay tinutulungan ko sila kaya ayan, nagooffer din ng tulong ngayong ako naman yung may problema. Matagal ko na kasi silang kaibigan. Since nung elementary kaibigan ko na yang 2 na yan at hanggang ngayon ngang Grade 9 kami ay magkakaibigan pa rin kami. Pero ngayon hindi na kami masyado close netong si Zach. Simula nung nagka-girlfriend siya ay medyo nawawalan na siya ng time saamin ni Dave. Pero ayos lang, kami na lang minsan yung nagaadjust para sakanya.


"Babe, may plan na tayo sa friday after school remember?" singit ni Lycah. Nandito pa pala tong babaeng to?


"Di na brad, kaya ko na to" sabi ko na lang. Tamang tama naman at dumating na si Dave dala yung pagkain namin. Binigay niya sa akin yung pagkain ko saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Lycah. Tinaas ko yung isang paa ko sa upuan at nag-umpisa na akong lantakin yung baked mac sa harap ko


"Wala talagang breeding" bulong ni Lycah pero narinig ko naman. Tumingin ako sakanya. Patay malisya lang niyang tinuloy ang pagkain ng spaghetti. "Wala talaga" sabi ko kaya napatingin siya sa akin. "Ikaw siguro meron no? Hulaan ko, bulldog?" sabi ko saka ako tumawa ng malakas. Tumawa din si Dave at nag-apir kaming dalawa.

"Victoria, Dave" saway sa amin ni Zach. Tumigil naman kami sa pagtawa. KJ talaga tong hayop na to kahit kailan. Napairap na lang ako sa kawalan.

Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami sa susunod naming klase. Tanginang yan, tinatamad pa ako kaso may atraso pa ako kaya hindi ako pwedeng mag-cutting. Math ang subject namin ngayon at wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi ng teacher namin. Boooh-ring!

"Aray!" daing ko nang may bumato sa ulo ko ng binolang papel. Agad ko namang nilingon ang nasa likod ko, si Dave at pinukulan ng masamang tingin. "Nagquiquiz na kami bobo. Nandiyan sa binato ko yung sagot" bulong niya. Doon ko lang napansin na nagsasagot na pala ang ibang mga kaklase namin. Ngumuso na lang ako at kinalabit ang katabi kong si Zach para humingi ng papel. Naiiling naman niya akong binigyan. Matalino kasi tong mokong na to kahit may pagka-patapon. Kinopya ko na lang din yung binigay na sagot ni Dave (na siguradong kinopya din niya sa katabi niyang nerd na babae na may gusto ata sa kanya).

"Dali basketball na kasi tayo Zach" pilit ko kay Zach habang naglalakad kaming tatlo palabas ng classroom. Uwian na kasi pero ayaw pa sana naming umuwi ni Dave kaso itong si Zach ayaw makipag-laro.

"Ihahatid ko pa nga si Lycah sakanila" sabi nito sabay patong ng kamay sa ulo ko. 5'3 lang kasi ang height ko at mas matangkad siya sa aking ng ilang inches. Umirap na lang ako at ngumuso. Tumawa naman si Dave.

"Nagpapacute ka ba?" natatawang tanong ni Dave. Sinimangutan ko siya at sinuntok sa braso. Tangina niya eh, panira. Nang nakarating kami sa tapat ng classroom nila Lycah ay agad namang nagpaalam si Zach.

"Oh, akala ko ba maglalaro pa tayo?" Nagtatakang tanong ni Dave nang dumiretso nakitang didiretso na ako palabas ng gate. "Maglaro ka mag-isa mo" Masungit kong sabi habang patuloy pa rin sa paglalakad. Hinila naman agad nito ang kamay ko bago pa ako tuluyang makalabas ng school.

"Hindi lang maglalaro si Zach, hindi ka na rin maglalaro" nakasimangot na sabi nito. Sinimangutan ko rin siya. Tangina madrama.

"Eh ano naman? Gusto ko na ngang umuwi" sabi ko sabay hila ng kamay ko sakanya. Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad. Sinundan niya naman ako hanggang sa makarating kami sa labas nga school.

"Kung hindi ka lang talaga maton, iisipin kong crush mo si Zach" natatawa nitong sabi. Binatukan ko naman siya ng malakas.

"Tangina Dave! Nakakadiri ka! Tingin mo saken, bading?" Naiirita kong sabi sabay para ng tricycle. Ayaw ko kasing maglakad pauwi. Tinamad ako bigla.

"Uyyy Zach" kantyaw pa sa akin ni Dave nang makasakay ako sa tricycle. "Pakyu!" kako na lang sabay taas ng middle finger ko. Tinawanan niya lang ako.

Ako, may gusto kay Zach? Lul. Di ako bading no!

"Punyeta" bigla kong sabi at napangiti na lang ako sa naisip ko.

When She Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon