Prologue

37 0 0
                                    

an: Hi hello :) dinededicate ko po itong story na to kay Ms. Alendre dahil fan na fan talaga ako ng stories niya specially yung ICMI. Omg! Miss ko na si M at Bryan! Hihihi ❤ Thankyou for inspiring me miss author :)

--

Prologue

"Vic, mahal na ata kita.." sabi ni Zach habang nakayuko sa harap ko. Nakatayo kami ngayon sa gitna ng basketball court, dito kasi kami madalas tumambay ng barkada. Katatapos lang naming magbasketball at ngayon naiwan kaming dalawa ni Zach dahil sabi niya ay may sasabihin daw siyang importante.

Natigilan ako sa sinabi niya.

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko.

"P-paano?" nauutal na tanong ko. Hindi ako makapagsalita nang maayos. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Akalain mo isang Neil Zachary Tolentino ang nagtapat sa akin ngayon.

"Hindi ko rin alam. Basta isang araw nagising lang ako tapos narealize ko bigla na mahal na pala kita. I love you Vic" sabi niya habang tinititigan ako sa mata.

"Mahal din kita Zach" sabi ko sabay hawak sa mukha niya. Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero agad din siyang ngumiti. Yung ngiting abot mata. Yung ngiting masasabi mong Masaya talaga siya. Maski ako nagulat din sa pagamin ko. Wala naman talaga akong balak umamin. Wala talaga. Ewan ko ba kung anong nangyare at napaamin ako. Wala na ako sa sarili. Basta ang alam ko lang mahal namin ang isat isa. Bahala na.

"Talaga?" nakangiting tanong ni Zach. Bakas talaga sa mukha niya yung saya na nararamdaman niya. Tumango naman ako bilang sagot.

Hinawakan niya gamit ang dalawa niyang kamay ang mukha ko. Dahan dahang nagkalapit ang mukha namin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Eto na ba yun lord? Is this really is it is it?

Eto na.. Malapit na.. One inch na lang..

Yes! Nagkalapit na an gaming kissable lips.

Teka.. Bakit parang kumakalat ata sa buong mukha ko yung laway ni Zach?

"Victoria! Bangon na malelate ka na!" napadilat ako nang marinig ko ang sigaw ni mama.

"Hay salamat panaginip lang pala! Tangina kadiri! Akala ko nabading na ako" sambit ko nang marealize kong panaginip lang pala ang lahat. Juice colored! Asa naman kayong totoo yun? Di kami talo noh! Eh mas pogi pa ata ako dun kay Zach eh.

"Hala, bakit basa yung mukha ko?" takang tanong ko sa sarili ko nang mahawakan ko yung mukha ko. Iginala ko ang mukha ko sa paligid ng kama ko at agad ko naming nakita ang salarin

"Lebron naman! Bakit mo nilawayan yung buong mukha ko?" tanong ko sa aso kong shih tzu. So siya pala yung kahalikan ko kanina? Tragis -.-

"Ikaw talaga Lebron! Lagi mo na lang nilalawayan mukha ko! Paano na ako magugustuhan ng mga chickababes niyan?" Paglelecture ko sa aso ko habang bumabangon mula sa pagkakahiga sa kama kong may blue na bedsheet.

"Victoria! Isa! Bumangon ka na diyan!" rinig kong sigaw ni mama habang nagtotoothbrush ako

"Kanina pa gising tong binata niyo ma!" sigaw ko pabalik

Matapos kong gawin lahat nang pagpapapoging ginagawa ko tuwing umaga ay napagpasiyahan ko nang pumasok sa paaralan dahil isa akong mabuting estudyante. Dahil walking distance lang naman ang layo nito ay nagpasya akong maglakad na lang rin para magka-abs yung talampakan ko.

*Whooosshh* (hangin po ito :D)

"Tangina naman netong paldang to!" inis na sambit ko nang liparin pataas yung palda ko dahil sa malakas na hangin. Bakit kasi kailangan ko pang isuot tong paldang uniform na to? Nakakabawas ng pogi points. Kadiri pa akong tingnan -.-

"Hi Vic!"

"Pre!"

"Good morning Vic!"

Bati sa akin ng mga nadadaanan ko sa campus. Wala eh, pogi eh! Ginantihan ko naman sila ng aking 'killer smile' at isang swabeng good morning.

"Aray!" daing ko nang tamaan ako ng bola na binato ni Dave,barkada ko. Ngingisi ngise naman siya habang binibigyan ko siya ng masamang tingin. Kinuha ko ang bola at binato sa gawi niya.

Ayon Sapul.. si ma'am -.-

"MARIA VICTORIA PERALTA!"


Yes! That's me! And this is my story..

When She Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon