"Toryang!" Tili at yakap ni Andeng ang sumalubong sa akin nang makauwi ako sa bahay. Siya si Andrea, best friend ko. Siya lang ang babaeng best friend ko. Oo, best friend. Minsan nga ay napagkamalan nila Dave na girlfriend ko itong si Andeng kaso inexplain ko naman na sakanila na talagang magbestfriends lang kami. Nakilala ko siya dahil magkaibigan ang tatay naming dalawa.
"Uy Andeng kailan ka pa nakauwi? Gumanda ka lalo ah!" Totoo yun. Maganda si Andeng pero mas lalo siyang gumanda ngayon. Mas pumuti pa kasi ang balat niya at mas kuminis kumpara sa dati. Medyo nagmature na rin ang mukha niya. Pumunta kasi siya sa Canada at nag-aral siya doon ng ilang taon. Pero kahit naman ganoon ay hindi pa rin naputol ang aming komunikasyon. Lagi pa rin kaming magkachat sa facebook at kaya naman ay magka-skype. Minsan pa nga twitter o snapchat.
"Kanina lang ako umuwi, pumunta nga ako agad dito kasi naeexcite akong sabihin sayo na dito na ulit ako mag-aaral" masiglang sabi nito sabay tili.
"Talaga?" tuwang tuwa kong tanong. Ang akala ko kasi ay bumisita lang ulit siya dito. Umupo kami sa upuan sa sala ng bahay namin.
"Oo, grabe nga si daddy eh. Ang hirap ko ngang pinilit yun." sabi nito at nagumpisa na nga siyang magkwento. Hays tangina napakadaldal talaga.
"Toryang!" Binalot ng sigaw ni Andeng ang buong school canteen. Recess na kasi namin ngayon kaya nandito kami ni Dave sa canteen at lamalamon. Hindi namin kasama si Zach dahil busy siyang nakikipaglampungan sa girlfriend niyang mukhang aso. Sa kasamaang palad ay hindi namin kaklase si Andeng. Lumapit si Andeng sa table namin. Agad naman akong napatingin kay Dave nang makita kong sumipol siya. Tanginang manyak to. Hinead to toe niya pa si Andeng.
"Whoaaa! Vic, Victoria my friend. Ipakilala mo naman ako sa magandang kaibigan mo dito" pacool na sabi ni Dave sabay ayos pa sa buhok niya. Inirapan ko lang siya
"I know you. Dave right? Ako to, si Andrea" tuwang tuwa namang sabi ni Andeng. Bahagya namang lumaki ang mata ni Dave
"Andrea? As in Andeng? Yung maarteng bestfriend netong si Vic? Whoaaaaaa! Ang ganda mo na lalo" Tila namamanghang sabi ni Dave. Tumayo pa siya at kinuhanan ng upuan si Andeng sa kabilang table. Pang dalawahan lang kasi tong table na inoccupy namin.
"Upo ka muna Andrea" sabi ni Dave sabay lahad ng upuan kay Andeng. Malugod naman iyong tinanggap ni Andeng at nakangiti siyang umupo dito. Kinindatan naman siya ni Dave at nagusap sila. Putanginag yan, nakakasuka. Pacute kasi ng pacute tong si Dave. Binato ko si Dave ng kutsara sa sobrang pagkairita.
"Ano bang problema mo?" tanong ni Dave na may halong pagkairita.
"Namo, breezy ka masyado!" sabi ko sabay irap. Napangise naman siya sa sinabi ko. Nilapit niya ang upuan niya sa akin at inakbayan niya pa ako.
"Vic my friend. Ikaw talaga, napakaselosa mo naman na ata. Pero okay lang, I can't blame you naman dahil talagang pogi ako at alam ng lahat iyon. Hinay hinay lang ha? baka kasi masaktan ka sa huli. Hindi pa naman kita type" nakangiseng sabi nito. Siniko ko siya ng malakas kaya medyo napangiwe siya at lumayo ng konti.
"You guys are so cute" tumatawang sabi ni Andeng na pumapalakpak pa. Baliw amp.
"Thanks, I know. Cute ako talaga since birth" mayabang na sabi ni Dave. Binatukan ko na lang. Tangina nababadtrip ako dito kahit walang dahilan kaya napagbubuntungan ko ng inis tong si Dave.
"Teka, di ba may isa pa kayong friend? Yung c-" "Andeng baka gusto mong bumili ng pagkain. Hindi ka pa kumakain di ba?" putol ko sa sasabihin sana ni Andeng.
"Ah oo nga pala buti pinaalala mo Toryang. Naku! Muntik ko nang makalimutang gutom pala ako" natatawa nitong sabi habang patayo. "Samahan na kita" nakangiting alok ni Dave. Pumayag naman si Andeng at iniwan nila akong mag-isa.
Nilibot ko ang mata ko sa canteen. Maraming mga estudyante ngayon dito kaya sobrang ingay. Karamihan ng mga estudyante ay mga juniors na gaya ko. Sabay sabay kasi ang break time naming mga juniors. Saktong paglingon ko sa pintuan ng canteen nakita kong papasok sila Zach at Lycah. Nagkatinginan kami ni Zach. Nginitian niya ako pero hindi ko siya sinuklian ng ngiti. Eh sa badtrip ako eh, pake niyo ba? Umiwas na lang ako ng tingin. Sumipsip na lang ako sa binili ko kaninang soft drinks para libangin yung sarili ko.
Pagkatapos kumain ni Andeng ay bumalik na kami sa kaniya kaniya naming classrooms. Halos lahat ng mga kaklase namin ay nasa loob na. Ilang minuto na lang kasi ay magtitime na. Pagkaupo ko sa upuan ko ay nakita ko naman kaagad doon si Zach. "Hoy bakit hindi ka namamansin?" tanong ni Zach habang kinakalabit yung pisnge ko. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.
"Sus kanina pa yan eh! Kanina nga ako yung sinusungitan niyan" Sabat naman ni Zach na nakaupo sa likuran ko.
"Ano nanaman ba kasing ginawa mo?" natatawang tanong ni Zach kay Dave. Hindi ko na lang sila pinansin at pinatong ko na lang ang ulo ko sa table ko. Tangina ang sakit ng puson ko.
"Hoy! Wala nga akong ginagawa diyan! Bigla bigla na lang nagsusungit. Siguro may regla kaya ganyan" May halong inis na sabi ni Dave. Umupo ako ng tuwid at bumaling sakanya.
"Ano? may regla ka no? Ehhhh, may regla si Vic! Bading na siyaaa!" nangaasar nitong sabi na sinabayan pa niya ng malakas na pagtawa. Nakitawa din si Zach. Sa sobrang inis ko sinapak ko siya sa mukha tapos ay tumayo ako agad. Bakas sa mukha nila ni Zach ang pagkagulat. Tumalikod ako at akmang aalis na nang tinawag ako ni Zach. Inis ko siyang nilingon. Halos hindi niya maigalaw ang bibig niya. Nakaawang ang mga ito, pati rin ang kay Dave.
"May sasabihin ka o ano?!" naiirita kong tanong. "A-ano k-kasi eh, Dave ikaw na nga magsabi" Tila nahihiya nitong sabi, umiwas siya ng tingin. "A-ayoko, ikaw na" sabi ni Dave at umiwas din siya ng tingin.
"Oh my gosh Vic! May tagos ka!" Halos pasigaw na sabi ng isa kong kaklaseng babae.
Tangina.

BINABASA MO ANG
When She Falls In Love
Teen FictionWe do crazy things for love. May mga bagay tayong nagagawa na hindi naman natin na-imagine dati na gagawin o magagawa pala natin because of love. Kasi kapag nagmahal ka, mawawala ka sa sarili mo. Kapag nagmahal ka, may tendency na makalimutan mo na...