Chapter 29 - She likes you.

467 15 4
                                    

A/n: Hello to all!( ^O^)/ wave-wave! Hahaha. Eto na yung update. Medyo sabaw at maikli pero sana magustuhan nyo. :)

COMMENT HA! :D

---------------------------

[ Prince’s POV ]

Ano kayang gagawin ko dito.. *sigh* Bakit kasi hinayaan ko syang uminom nang uminom?

“Manong dito nalang.” Sabi ko sa driver nung makarating kami sa harap ng bahay nila Sharina. Di ko naman kasi inasahang makakasabay ko sya kaya wala akong dalang kotse. Nagcommute lang din ako kanina nung balak kong makausap sya.

“Salamat.” –pagkababa ko ng tricycle binuhat ko na si sharina. Yung tipong nasa likod ko yung ulo nya.

Napahinga muna ‘ko ng malalim bago ako maglakad deretso sa bahay nila. Baka kasi kung ano ring isipin ng mama nya pag nakitang buhat buhat ng isang lalake ang anak nya. Di ko naman kasi kilala yung mama nya.

Nagsimula na ‘kong maglakad..

*knock-knock!*

…..

*knock-knoc--!*

“Oh ba’t ngayon ka la--?”

“Uhh.. Kayo po ba ang mama ni Sharina?”

“Ako nga. Bakit? Sino ka?” nakakunot – noo sya habang nakatingin sakin.. tiningnan ako mula ulo hanggang paa.. saka tiningnan yung anak nya na nasa balikat ko..

Haaay! Sabi na nga ba iba iisipin ng mama nya.

“Wag nyo po sana masamai—“

“Hindi..” ngumiti sya.. “Sige ijo, pasok ka. Tuturo ko ang kwarto nya.”

**

Pagdating naming sa kwarto ni Sharina.. Di matanggal sa isip ko yung kung bakit ganun nalang kabait yung nanay nya. Mababaw kung mababaw pero, madalas sa mga nanay ang basta basta nagi-isip ng kung anu-ano.

Pero eto? Bakit hindi sya nagalit? Bakit sya ngumiti? At bakit di nya ko tinanong kung sino ako, kaanu-ano ako ni Sharina, at kung anong nangyare sa anak nya?

“Sige ijo, bababa muna ako.. Bumaba ka nalang pagtapos mo.” Di pa ko nakakasagot, umalis na sa pinto yung mama nya.

Hiniga ko si Sharina sa higaan. Simple lang ang kwarto nya, walang masyadong dekorasyon, hindi ganun kadumi.

Nang maihiga ko na si Sharina, tinanggal ko yung mga braso ko na nakaalalay sa likod nya at aayos na ng tayo.. nang biglang..

“Hmm..” yumakap sa batok ko ang dalawa nyang kamay.

Gising pa sya?! (_ _”)

“Sharina..”

“Di-hmm ka hmm-na..” di ko naintindihan.. puro murmur ang narinig ko..

Tiningnan ko ang mukha nya, sobrang lapit naming sa isa’t isa.. Ang ganda nya..

Kahit nagsasalita sya kanina.. Nakapikit parin sya..

“Ano?”

“Mmmm—kasi naman ehh!!” nakakunot noo sya tapos nakanguso.. bigla akong hinampas ng mahina gamit ang braso nya.. Grabe -_-“ Mahina pa sakanya, pero nasasaktan ako. Ang sakit pa kaya ng katawan ko dahil ang bigat nya. XD

Unexpectedly In-love. (H I A T U S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon