Chapter 6
-----------------------------------
[ Sharina's POV ]
****krriiinngg!!!!!****
Recess na.
Inaayos ko na yung gamit ko dahil katatapos lang namin sa activity na pinagawa samin. Badtrip nga ehh. Kasi naman ang kalat magpagawa ng activity ni Ma'am. =_= Napakadumi tuloy ng room. Kami pa naman maglilinis ngayon. TT_________________TT
"Sha, peram ako ng marker mo bilis!" sabi naman ni Alex sabay lahad ng kamay nya sakin. Di parin pala sya tapos sa ginagawa nya. Nagmamadali siguro kasi nagliligpit narin si Ma'am at ihahabol nalang nya 'to kay Ma'am.
"Ha? E-eh. Andun na sa ilalim.. Teka kunin ko." sabi ko naman sabay dukot sa pagkaila-ilalim ng parte ng bag ko. =_= Takte, ang sikip neto ha. XD
"Bilisan mo, Sha! Bilis!" Bah? Excited ang bruha ah? Asan na ba kasi yung marker kong yun!?
"Oo, eto na nga ehh."
"SHA!!" ARAY >_< Pinapalo nya na yung balikat ko habang yung kabilang kamay nya nakahawak dun sa susulatan nya yata. =_=
....
AYUN!
....
"Oh etoh oh.." Lumingon naman sya,,
*PAK*
"Arayyy!! Sha-sha naman eh! Bakit mo 'ko binatukan?! Huhuhu TT^TT" - sabi nya habang hawak yung part sa ulo nya na masakit. Paglingon nya kasi sakin, binatukan ko sya bago ko ibigay yung marker. =_=
"Pano! Ang excited mo, kitang masikip yung bag.. Pinalo palo mo pa 'ko!" pagpapaliwanag ko.
"Ehh ang bagal mo ehh!"
"Ehh kung hiniram mo kanina pa diba? Edi sana binigay ko sayo bago ko tinago?"
"Eh--" natigilan naman sya nung tumingin ako sa kanya..
"E-ehh.. S-sabi ko nga.. J-joke lang!" sabi nya. XD
....
"Ayan! Tapos na! Ma'am, eto yung akin" - sabi nya na parang batang nagpasa ng papel kay Ma'am. =_= Pagbalik naman nya sa upuan, inayos nya na yung magulo nyang upuan. Haha, kung tutuusin puno nang kalat yung pwesto nya. XD
"Bilisan mo, Alex.. Gutom na ko.. Dalii--ARAY!" napa-aray naman ako sa sakit na naramdaman ko. Sino ba kasi yun?! May nambatok sakin! Letse. Napahawak ako sa masakit sa batok ko, karma ba 'to?!
"HAHAHAHA!!" as usual.. guess who? Sympre, sino pa? Si unggoy! =____________=" Tawa lang sya nang tawa.. Pero wala akong ginawa.. Napahawak lang ako sa upuan ko tapos..
"AH!!!!! MASAKIT YUN HA?!?!" sya naman yung nasaktan. XD Tinadyakan ko kasi yung paa nyang naka-stretch hanggang dun sa upuan ko. Mwuahahaha. >:D!
"Sa tingin mo hindi masakit yung pagbatok mo? Ha! Mas masakit pa jan aabutin mo kapag--" napatigil naman ako..
"Kapag ano?" Di na ko makapagsalita. Tumayo kasi sya at linapit nya yung mukha nya sakin. o_o"
BINABASA MO ANG
Unexpectedly In-love. (H I A T U S)
Novela JuvenilLove is a really tricky thing. Some say it's what makes a person feel alive, inspired, and happy in each and everyday. While some say it'll just make you wait for something and then hurt you at the end. Sharina. Isang boyish at babaeng hindi naniniw...